04/09/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐๐ข ๐ก๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐,
๐ฃ๐ฎ๐๐ฟ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ถ๐บ๐ฎ๐๐ฒ๐ฎ
31 AGOSTO 2026
Makabuluhang ipinagdiwang sa ating Parokya noong ika-31 ng Agosto, sa ganap na ika-6:30 ng Umaga ang Pamparokyang Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, ang Patron ng mga Tagapaglingkod ng Dambana, kasabay ng Paggunita kay San Jose ng Arimatea. Pinasimulan ito sa Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa karangalan ni San Tarcisio ng Roma at sa paggunita kay San Jose ng Arimatea na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Reb. P. Nicanor Castro, V.F.
Sa Homiliya ni Padre Nic, binigyang-diin niya ang naging buhay ni San Tarcisio, na nag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa Banal na Eukaristiyang kanyang dala-dala. Gayundin, binigyang-pugay din niya ang mga Kabataang Lingkod ng Dambana, na naglaan ng oras at panahon sa Paglilingkod sa Simbahan at Kristo kaysa sa pagbabarkada at mga bagay na panandalian lamang. Sa hulihan ng kanyang Homiliya, hinimok niya ang lahat na tularan si San Tarcisio, na hindi nag-alinlangang ialay ang kanyang buhay, pagkat nababatid niyang kasama niya ang Panginoon sa lahat ng panahon.
Sa araw ding ito, ginunita si San Jose ng Arimatea, na naging mahalagang saksi sa mga huling sandali ng buhay ni Hesukristo. Bilang isang taong may tapang at pananampalataya, ipinakita niya ang kanyang pagmamahal at paggalang kay Kristo sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa Kanyang katawan matapos ang Kanyang kamatayan. Ang kanyang halimbawa ay nagpapaalala sa atin ng katapatan sa Panginoon, maging sa mga panahong nangangailangan ito ng tapang at paninindigan.
Matapos ang Panalangin Pagkapakinabang, isinagawa ang Gawad San Tarcisio de Makinabang 2026. Sa unang bahagi ng pagpaparangal ay binigyang parangal at ginawaran ng Sertipiko ang mga naging Dating Pangulo ng Ministry of Altar Servers, mula 2004 hanggang sa kasalukuyan, at sa ikalawang bahagi naman ay binigyang parangal ang mga natatanging Tagapaglingkod ng Dambana ng ating Parokya. Kasunod nito, isinagawa ang Pagbabasbas sa Bagong Imahen ni San Tarcisio ng Roma, at matapos nitoโy inilabas ang Solemneng Prusisyon.
Nawaโy magsilbing inspirasyon kayang lahat ang halimbawa ni San Tarcisioโisang batang lingkod na, sa kabila ng murang edad, ay nagpakita ng pambihirang tapang, katapatan, at pagmamahal sa Panginoon at sa Banal na Eukaristiya. Nawaโy ang kanyang halimbawa ay patuloy na magpaalab sa puso ng bawat Tagapaglingkod ng Dambana upang manatiling tapat sa kanilang bokasyon ng paglilingkod, at maging mga kabataang handang mag-alay ng panahon, lakas, at sarili para kay Kristo at sa Kanyang Simbahan. Sa pamamagitan ng kanyang pananalangin at halimbawa, nawaโy matutuhan nating ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa edad o laki ng ating nagagawa, kundi sa lalim ng pagmamahal na ating iniaalay sa Diyos.
Nawaโy magsilbi rin sa atin ang halimbawa ni San Jose ng Arimatea, na nagpakita ng tapang at katapatan sa Panginoon sa isang mahalagang sandali. Sa kanyang halimbawa, nawaโy matuto tayong manindigan sa ating pananampalataya at manatiling tapat kay Kristo sa anumang pagkakataon.
Nawaโy sa halimbawa ni San Tarcisio, higit na tumibay ang puso ng bawat Tagapaglingkod ng Dambana sa tapat at buong pusong paglilingkod kay Kristo. Tulad niya, nawaโy matuto tayong ialay ang ating panahon, lakas, at sarili nang may pagmamahal at katapatan, lalo na sa paglilingkod sa Banal na Eukaristiya at sa Kanyang Simbahan.
โ
Written by: HWR, Ang Layag SocCom
Photos by: DNS, KRP, Ang Layag SocCom