Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan

Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan, Religious organisation, Centro Street Sulivan, Baliuag.

Welcome to the Official Online Page of Our Lady of Fatima Chapel

Schedule of Liturgical Activities:

FIRST SATURDAY DEVOTION
6:00 AM - Rosary and Novena
7:00 AM - Holy Mass

REGULAR SUNDAY MASS
5:00 PM - Holy Mass

Patronal Fiesta - May 13
VIVA LA VIRGEN

10/09/2026

𝐃𝐈𝐎𝐂𝐄𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐀𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄

Join us for a meaningful afternoon of reflection on the timely and relevant message of Our Lady of Fatima!

On September 13, 2026, the anniversary of the Fifth Apparition of Our Lady of Fatima, the Diocesan Fatima Conference will be held at the National Shrine of Our Lady of Fatima from 12:30 p.m. to 6:00 p.m.

It will feature the following:

Talk 1: “Marian Apparitions: Call to Penance and Conversion” by Rev. Fr. Raymond Joseph L. Arre, Rector and Parish Priest of the Diocesan Shrine of Our Lady of Hope Parish.

Talk 2: “The Children of Fatima: Models of Faith and Spiritual Reparation” by Rev. Fr. Julius R. De Sagun, Rector and Parish Priest of the Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima Binakayan, Kawit, Cavite and Spiritual Director of the World Apostolate of Fatima (WAF) Ecclesiastical Province of Manila Regional Coordinating Council.

Eucharistic Celebration to be presided by Most Reverend Elias L. Ayuban, Jr., CMF, D.D., Bishop of Cubao and Apostolic Administrator of Parañaque

With Most Reverend Dennis C. Villarojo, D.D., Bishop of Malolos and National Spiritual Director of the WAF Philippines.

The conference is a collaborative effort of the WAF Philippines (Diocese of Malolos and National Shrine Chapter), the National Shrine of Our Lady of Fatima Shrine Ministry, and the Fiesta Committee 2026. It seeks to deepen devotees’ understanding of the Fatima message and support their spiritual growth. It also aims to inspire greater participation in the life and mission of the Church through the formation of leaders and families, while encouraging more pilgrimage to the National Shrine of Our Lady of Fatima.

ADMISSION IS FREE! Everyone is welcome, especially devotees of Our Lady of Fatima, World Apostolate of Fatima leaders and members, members of Marian associations, parishioners of the National Shrine of Our Lady of Fatima, and representatives of parishes and chapels dedicated to Our Lady of Fatima.

* Registration will be onsite on the day of the conference.

07/09/2026

PABATID

Ipinababatid sa lahat ng mga motorista at mananampalataya sa gaganaping 10th Tangos Grand Marian Procession, inaasahang magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na lugar:

• BS Aquino Avenue
• J. Ponce Street
• Patungo sa Bisita ng Pagala
• Papalabas ng Camella Homes
• Pabalik sa Parokya ng Sagrada Familia

Pinapayuhan ang lahat ng mga motorista na umiwas muna sa mga nabanggit na ruta at humanap ng alternatibong daan upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pagtitiis, at pakikiisa upang maging maayos at ligtas ang ating pagdiriwang ng 10th Tangos Grand Marian Procession.

AGOSTO 30: IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA DAKILANG KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
31/08/2026

AGOSTO 30: IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM SA DAKILANG KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

AGOSTO 30: UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA DAKILANG KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
30/08/2026

AGOSTO 30: UNANG ARAW NG PAGSISIYAM SA DAKILANG KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Halina at tayo’y manalangin:ORATIO IMPERATAPara sa Labis na Pag-ulanAma naming makapangyarihan,Ikaw ang aming kanlungan ...
30/08/2026

Halina at tayo’y manalangin:

ORATIO IMPERATA
Para sa Labis na Pag-ulan

Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang aming kanlungan at lakas.
Sa gitna ng malakas na ulan at habagat,
lingapin Mo ang Iyong bayan.

Patahimikin Mo ang unos,
pahupain ang tubig na umaapaw,
at ilayo sa kapahamakan
ang bawat tahanan at pamayanan.

Tulad ng mga alagad na tumawag sa Iyo sa gitna ng bagyo,
kami rin ay buong tiwalang sumisigaw:
“Panginoon, iligtas Mo kami!” (Mt 8:25)

Ipadama Mo ang Iyong awa sa mga nangangamba,
kalakasan sa mga naglilingkod,
at pag-asa sa mga nasalanta.

Sa Iyong salita, Panginoon,
“Pinatatahimik Mo ang unos, at humuhupa ang mga alon.” (Awit 107:29)

Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.

B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.

Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos, ipanalangin mo kami.

San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami

San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami

28/08/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍!
Pagbati ng Mapagpalang Kapistahan ni San Agustin de Hipona!

Pagbati sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng San Agustin
Poblacion, Lungsod ng Baliwag, Bulacan

San Agustin, ipanalangin mo kami!

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

28/08/2026
“Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.”— Awit 110:4Buong galak at pananalanging binabati n...
27/08/2026

“Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.”
— Awit 110:4

Buong galak at pananalanging binabati ng Sangguniang Pastoral at mga Mananampalataya ng Sulivan ang ating minamahal na Kura Paroko, Rev. Padre Lazaro M. Benedictos, sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na anibersaryo ng pagkasaserdote.

Sa loob ng 34 na taon ng inyong bokasyon, naging instrumento kayo ng Panginoon sa paghahatid ng Kanyang Salita, mga Sakramento, awa, at pagmamahal sa Kanyang sambayanan. Ang inyong katapatan sa paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa aming mga mananampalataya.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan, at kabanalan upang magpatuloy sa inyong banal na misyon bilang pastol ng Kanyang kawan.

Sa ilalim ng maka-Inang paggabay ng Mahal na Birheng ng Fatima, nawa’y manatiling nag-aalab ang inyong puso sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

Ad multos annos, Padre Larry!

Patuloy nawa kayong maging pagpapala sa aming Parokya at sa buong sambayanan ng Diyos.

TAOS-PUSONG PAGBATI, FR. LARI“Narito ako, Panginoon. Isugo Mo ako.”-Isaias 6:8Kaisa ng Sangguniang Pastoral ng Parokya, ...
27/08/2026

TAOS-PUSONG PAGBATI, FR. LARI
“Narito ako, Panginoon. Isugo Mo ako.”
-Isaias 6:8

Kaisa ng Sangguniang Pastoral ng Parokya, mga komisyon, ng 12 SPPCs, at mga samahan at organisasyon, ang ating Parokya ay nakikibahagi sa kagalakan ng ating Kura Paroko sa pagdiriwang ng kanyang ika-34 na Anibersaryo sa Pagkapari.

Padre, sa loob ng tatlumpu’t apat na taon, naging saksi ang inyong buhay sa tahimik ngunit matatag na pagtugon sa tawag ng Panginoon, sa paglilingkod sa altar, paggabay sa mga kaluluwa, pakikiramay sa mga nagdadalamhati, pakikiisa sa mga nagagalak, at walang sawang pag-akay sa sambayanan patungo kay Kristo.

Hindi man nasusukat sa mga taon ang halaga ng isang bokasyon, ang inyong buhay ay isang magandang paalala ng katapatan ng Diyos at ng isang pusong patuloy na nagtitiwala sa habag at pag-ibig ng Diyos.
Maraming salamat po, Padre, sa inyong malasakit, panalangin, pagtuturo, sakripisyo, at pagmamahal sa ating Parokya. Sa bawat Misa, payo, panalangin, at munting paglilingkod, nawa’y makita ninyo ang bunga ng inyong mga taon ng pag-aalay ng sarili sa pinagpalang Bayan ng Diyos.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng malusog na pangangatawan, lakas ng loob, karunungan, at pusong laging nag-aalab sa paglilingkod. Nawa’y manatili kayong tapat sa bokasyong ipinagkatiwala Niya sa inyo at patuloy na maging instrumento ng Kanyang awa at pag-ibig.

Muli, mapagpalang ika-34 na Anibersaryo sa Pagkapari, Fr. Lari! Ang buong sambayanan ng ating Parokya ay nagpapasalamat sa Diyos para sa biyaya ng inyong buhay at bokasyon.

📝🎨 JV, Familia Sacra

Ating masdan ang napakagandang gayak ng karosa ng Mahal na Birhen ng Fatima, patrona at ina ng Sulivan. Mabuhay ang Birh...
18/08/2026

Ating masdan ang napakagandang gayak ng karosa ng Mahal na Birhen ng Fatima, patrona at ina ng Sulivan. Mabuhay ang Birhen! Mabuhay ang Santo Rosario!

Salamat po sa recamaderos ng Sulivan sa pagpapanatili ng ganda at ayos ng mga gayak sa bawat salida ng mahal na patrona!

Maraming salamat din sa paanyaya sa atin ng San Roque De Montpellier Chapel - Catulinan at ni G. Louigie Ramos upang taunang mailabas ang Mahal na Virgen sa Bisita ng Catulinan tuwing Agosto 16, para sa paggunita sa Kapistahan ni San Roque de Montpellier. Viva San Roque, itaboy ang peste!

VIVA LA VIRGEN DE FATIMA!
Viva sa Señora!

Address

Centro Street Sulivan
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan:

Shortcuts

Share