Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan

Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan Ang mapaghimalang Reyna at Patrona ng Barrio Sulivan
Pintakasi siyang pinararangalan

Ngayong araw, buong pananampalatayang ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ng Panginoon (Corp...
07/06/2026

Ngayong araw, buong pananampalatayang ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ng Panginoon (Corpus Christi), isang paalala ng walang hanggang pag-ibig ni Hesus na patuloy na nag-aalay ng Kanyang Sarili para sa ating kaligtasan.

Sa Banal na Eukaristiya, tinatanggap natin si Kristo na siyang bukal ng ating lakas, pag-asa, at pagkakaisa. Nawa'y lalo nating mahalin at pahalagahan ang Banal na Misa at ang presensya ni Hesus sa Santisimo Sakramento.

β€œAng kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan.” (Juan 6:54)

PAANYAYA:First Saturday DevotionJune 6, 2026Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Buwanang Pagdedebosyon s...
03/06/2026

PAANYAYA:
First Saturday Devotion
June 6, 2026

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Buwanang Pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima tuwing Unang Sabado ng Buwan.

Sama-sama tayo sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, pag-aalay ng mga panalangin at Pagdiriwang ng Banal na Misa sa paggunita sa pagdedebosyon sa Mahal na Birhen.

PABATID:Wala po tayong pagdiriwang ng Banal na Misa  sa ating bisita sa darating na Linggo, Hunyo 7, 2026 upang bigyang ...
02/06/2026

PABATID:
Wala po tayong pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating bisita sa darating na Linggo, Hunyo 7, 2026 upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoong Hesukristo sa ating parokya.

Hinihikayat po naming makiisa tayo sa mga gawain ng ating Parokya sa darating na Linggo.

Maraming salamat po!

01/06/2026
ππ€π’π€π‡πˆπ | πŒπ„ππ’π€π‡π„ 𝐍𝐆 πŽππˆπ’ππŽ 𝐍𝐆 πŒπ€π‹πŽπ‹πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π†π“π€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐆 π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 πŸπŸŽπŸπŸ”β€œπ‘Ά π’Žπ’‚π’ˆπ’‘π’‚π’”π’‚π’π’‚π’Žπ’‚π’• π’Œπ’‚π’šπ’ 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’π’ˆπ’Šπ’π’π’π’, π’”π’‚π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’• π‘Ίπ’Šπ’š...
31/05/2026

ππ€π’π€π‡πˆπ | πŒπ„ππ’π€π‡π„ 𝐍𝐆 πŽππˆπ’ππŽ 𝐍𝐆 πŒπ€π‹πŽπ‹πŽπ’ 𝐒𝐀 ππ€π†π“π€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐆 π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 πŸπŸŽπŸπŸ”

β€œπ‘Ά π’Žπ’‚π’ˆπ’‘π’‚π’”π’‚π’π’‚π’Žπ’‚π’• π’Œπ’‚π’šπ’ 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’π’ˆπ’Šπ’π’π’π’, π’”π’‚π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’• π‘Ίπ’Šπ’šπ’‚ π’‚π’š π’Žπ’‚π’ƒπ’–π’•π’Š...”
Mga Awit 106:1

Mga minamahal na kapatid,

Sa pagtatapos natin ng Simba-Aralan 2026, lubos ang aking pasasalamat sa mga Parokya at mga komunidad na nagdaos ng programang ito:

Sa mga pari na nagbukas ng kanilang Simbahan, mga bisita, sa mga nagbigay ng kanilang yaman, talento at oras.

Sa mga katekista, mga RCM Sisters, Youth Catechists, Biblical Apostolate, sa kanilang masigasig na pagtuturo sa mga bata na β€˜mapalapit kay Kristo.’

Sa mga kabataan at sa SOCCOM na nagkaloob ng kanilang oras at talento.

Sa mga miyembro ng SPPC, sa mga taong may mabubuting-loob na nagpapadala ng pagkain sa mga bata.

At higit sa lahat, sa mga bata na tumugon sa bunsod ng Espiritu Santo na β€˜magdasal, maglaro, at matuto’ sa Simba-Aralan.

Pagpalain kayong lahat ng Panginoon!

+DENNIS C. VILLAROJO
Obispo ng Malolos



FLORES DE MARIA 2026 SAGALAHANIsang makahulugan at mapitagang pagdiriwang ang aming inialay sa Bisita ng Mahal na Birhen...
29/05/2026

FLORES DE MARIA 2026
SAGALAHAN

Isang makahulugan at mapitagang pagdiriwang ang aming inialay sa Bisita ng Mahal na Birhen ng Fatima, tampok ang mga kadalagahang kumatawan sa iba’t ibang titulo ng Mahal na Birheng Maria mula sa Litanya ng Banal na Rosaryo.

Taos-pusong pasasalamat sa mga kadalagahan, kanilang mga pamilya, kaibigan, at sa lahat ng sumuporta upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.

Pagbati rin sa bawat mananampalataya ng Sulivan, kaisa ang Sangguniang Pastoral at Pambisitang Komisyon ng Kabataan, sa matagumpay na pagpaparangal sa Mahal na Birhen Mariaβ€”ang Reyna ng mga Bulaklak.

VIVA LA VIRGEN!

Address

Centro Street Sulivan
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of Fatima Chapel - Sulivan, City of Baliwag, Bulacan:

Share