25/12/2025
PASKO PARA SA MGA BATA 205
BIDA ANG SAYA NGAYONG KAPASKUHAN
Ikalimang taon ng pagbibigay saya sa mga bata. Ang Kabataan ni San Roque ay nagkaroon ng palaro na may kasamang libreng Jollibee at pa premyo para sa mga kabataan ng ating baranggay upang magbigay ng simpleng kasiyahan ngayong kapaskuhan.Tunay na ang pasko ay para sa mga bata dahil mas sumasaya ang lahat kapag ang mga bata ay may ngiti sa kanilang mga labi.
Ang makita silang masaya ay hindi maipagkakailang nagdudulot ng kaluwagan sa kanilang mga magulang at bawat isa. Ito ang hiling namin ngayong pasko, ang maging parte ng pagngiti, pagtawa, at paghalakhak ninyo.
Pasasalamat po sa mga taong laging nakasuporta at nakagabay sa bawat naming proyekto. Diyos na po ang bahala na magbalik sa inyo ng siksik liglig at umaapaw na biyaya.
MALIGAYANG PASKO PO SA ATING LAHAT!