Ministry of Altar Servers - Parokya ng Inmaculada Concepcion

Ministry of Altar Servers - Parokya ng Inmaculada Concepcion The official page of Ministry of Altar Servers - Parokya ng Inmaculada Concepcion Baliwag

Maligayang Kaarawan sa aming butihing Pangulo ng Ministry of Altar Servers, Bro. Josh Javier! Maraming salamat sa iyong ...
22/09/2025

Maligayang Kaarawan sa aming butihing Pangulo ng Ministry of Altar Servers, Bro. Josh Javier!

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod at mabuting pamumuno na nagsisilbing inspirasyon sa ating lahat. Nawa’y ipagkaloob pa sa iyo ng Panginoon ang masaganang biyaya, kalakasan, at karunungan upang patuloy mong magampanan ang iyong tungkulin. Pagpalain ka ng Diyos sa iyong kaarawan at sa mga darating pang taon.

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria! Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Ina ng Diyos, ang ...
08/09/2025

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria!

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng Ina ng Diyos, ang ating mapagmahal na Ina na walang sawang umaakay at dumudulog para sa atin sa harap ng kanyang Anak na si Hesus. Ang iyong kapanganakan ay tanda ng bagong pag-asa at biyaya para sa sangkatauhan isang paalala na ang liwanag ng kaligtasan ay isinilang sa pamamagitan mo.

O Mahal na Birhen, patuloy mo kaming ipanalangin at gabayan sa landas ng pananampalataya. Nawa’y maging huwaran kami ng iyong kababaang-loob, pananampalataya, at matibay na pagtitiwala sa Diyos. Sa iyong espesyal na araw, kami ay nagbubunyi at buong pusong nagpapasalamat sa walang sawang pagmamahal at pagkalinga mo sa amin.

Viva La Inmaculada Concepcion! Viva!

Agosto 15 – Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, isang batang martir na buong pusong inialay ang kanyang buhay upang ipag...
15/08/2025

Agosto 15 – Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, isang batang martir na buong pusong inialay ang kanyang buhay upang ipagtanggol ang Banal na Eukaristiya mula sa kamay ng mga humahamak dito. Sa kanyang kabataan, natagpuan niya ang tunay na kahulugan ng pananampalataya: ang maglingkod kay Kristo nang walang takot at hanggang wakas. Nawa’y maging inspirasyon tayo ng kanyang tapang at wagas na pagmamahal sa Diyos.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo kami.

Maligayang pagsalubong at paggunita sa buwan ng Agosto, ang buwan para sa pagdiriwang ng mga taga-paglingkod sa dambana ...
31/07/2025

Maligayang pagsalubong at paggunita sa buwan ng Agosto, ang buwan para sa pagdiriwang ng mga taga-paglingkod sa dambana ni Kristo! Halina't sama-samang maglingkod at tumugon sa tawag ng Diyos!

Maraming sakripisyo, maraming biyaya.

31/07/2025
31/07/2025

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝐃𝐢𝐨𝐜𝐞𝐬𝐚𝐧 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫’𝐬 𝐃𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓

Inaanyayahan ang mga Sakristan ng Diyosesis ng Malolos na makibahagi sa taunang Diocesan Altar Server’s Day sa darating na Agosto 25, 2025 (Lunes), mula 7:00 AM hanggang 5:30 PM sa Parokya ng San Gabriel Arkanghel, San Gabriel, Santa Maria, Bulacan.

Ang pagtitipong ito ay pangungunahan sa atin ng Vicariate of La Purisima Concepcion (Santa Maria).

Magsama-sama tayo sa isang araw ng pananampalataya, pagkakaibigan, at pagpapatibay ng ating bokasyon bilang kabataang tagapaglingkod ng Simbahan!

📌 Save the date, Sakristang Bulakenyo!
Magsama-sama tayo sa iisang dambana—nag-aalab, naglilingkod, nagkakaisa.

Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangal...
28/06/2025

Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.

- Juan 12:26

Isang paanyaya sa mga kabataang lalaki na may pusong handang maglingkod sa dambana ng Panginoon. Ang pagiging sakristan ay hindi lamang tungkulin, kundi isang banal na bokasyon — isang pribilehiyong magsilbi kay Kristo sa Kataas-taasang Sakramento ng Eukaristiya.

Halina’t maging Sakristang Lingkod ng Inmaculada Concepcion!

Bukas sa mga nais maging Sakristan ng ating Parokya:
▪️ Lalaki, edad 12 pataas
▪️ Isang binyagang Katoliko at nakatanggap na ng Unang Komunyon
▪️ May bukas na puso sa paglilingkod at handa sa mga pagsasanay

Mga kailangang isumite:
🔹 Photocopy ng:
📍 Baptismal Certificate
📍 First Communion Certificate

Para sa mga nanggagaling sa labas ng ating Parokya, kinakailangan ng letter of consent mula sa inyong Parokya bilang pahintulot na makapaglingkod sa ating simbahan.

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa aming official page:

Ministry of Altar Servers – Parokya ng Inmaculada Concepcion

Maari ring tumawag sa mga sumusunod na numero:

Bro. Kegan Austin C. Sale – Vice Chairman, PIC-MAS
0933 861 9200

Bro. Josh Raven Javier – Chairman, PIC-MAS
0929 469 4057

Sa tulong at pamamagitan ng Mahal na Inang Maria, nawa’y matagpuan mo ang tawag ng paglilingkod.

Address

Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 6am - 4pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 4pm
Saturday 6am - 8pm

Telephone

0966-993-4518

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Parokya ng Inmaculada Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share