Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)

Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan) This is the Official page of Nuestra Señora de las Flores Parish

25/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon |Agosto 26, 2026| 6:30 N.U.
Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)


PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

23/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon |Agosto 23, 2026| 6:30 N.G.
Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)


PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

DCY Cross: Tanda ng responsibilidad ng Bikarya ng San AgustinDinala ang Diocesan Commision on Youth (DCY) Cross at ang i...
23/08/2026

DCY Cross: Tanda ng responsibilidad ng Bikarya ng San Agustin

Dinala ang Diocesan Commision on Youth (DCY) Cross at ang imahen ni San Pedro Calungsod, patron ng mga kabataang Pilipino, sa Parokya ni Nuestra Señora Delas Flores, ngayong ika-23 ng Agosto, ika-21 linggo sa karaniwang panahon.

Magmula sa Parokya ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Makinabang, dinala ang mga imahen kasama ang Lupon ng Kabataan ng parokya ng Makinabang, at buong pusong sinalubong naman ng ating parokya at ng imahen ni Nuestra Señora De Las Flores

Matapos ang prusisyon ng pagsalubong. Ginanap ang Youth Mass kung saan hinimok ni Reb. Padre Gino Carlo B. Herrera ang mga kabataan na mas pag-alabin ang paglilingkod sa gitna ng mga kaguluhan sa mundo kung saan sangkot ang mga kabataan.

Ang DCY Cross at ang imahen ni San Pedro Calungsod ay tanda at hudyat ng nakaatang na responsibilidad sa Bikarya ng San Agustin bilang tigapagdaos o host ng taunang Diocesan Youth Day (DYD), na gaganapin sa ika-30 ng Nobyembre, 2026. Matatandaang ang Bikarya ng Plaridel ang huling naging tigapagdaos ng DYD 2025.

Mamamalagi ang mga imahen hanggang sa ika-30 ng Nobyembre sa ating parokya, at iikot sa mga nasasakupang bisita bago ito tuluyang lumipat sa Parokya ng Inmaculada Concepcion, Baliwag, Bulacan at iikot pa sa lahat ng parokya na sakop ng Bikarya ng San Agustin.

22/08/2026

LIVE: Ritu ng Pagsalubong | Pagdating ng DCY Cross at San Pedro Calungsod sa Parokya ni Nuestra Señora De Las Flores | Agosto 23, 2026 | 8:30 N.U.

Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)

22/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon |Agosto 23, 2026| 6:30 N.U.

Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)



PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

21/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria|Agosto 22, 2026| 6:30 N.U.
Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)


PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝟕 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐍𝐎𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘, 𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐃𝐄𝐍𝐍𝐈𝐒Sa araw na ito, buong galak at pananalangin na b...
21/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀-𝟕 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐍𝐎𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘, 𝐁𝐈𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐃𝐄𝐍𝐍𝐈𝐒

Sa araw na ito, buong galak at pananalangin na bumabati ang Sambayanan ng Diyos sa Parokya ng Nuestra Señora de las Flores kay Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., sa paggunita ng kanyang ika-7 anibersaryo ng Canonical Installation bilang ika-limang Obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Sa pitong taon ng kanyang paglilingkod bilang pastol ng ating Diyosesis, patuloy niyang iniaalay ang kanyang buhay sa paggabay, paglilingkod, at pagpapalalim ng pananampalataya ng sambayanan. Sa kanyang pamumuno, nawa’y patuloy nating maranasan ang pagkakaisa, pag-asa, at malasakit na siyang puso ng misyon ng Simbahan.

Bilang isang parokya ng Diyosesis ng Malolos, patuloy nating ipanalangin si Bishop Dennis upang lagi siyang pagkalooban ng Panginoon ng karunungan sa pagpapasya, lakas sa paglilingkod, tapang sa pagpapastol, at pusong laging nakatuon sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Maligayang ika-7 Anibersaryo ng Canonical Installation, Bishop Dennis!

Nawa’y patuloy kayong maging instrumento ng Diyos sa paggabay sa Kanyang sambayanan tungo sa higit na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.

Ad multos annos, Most Rev. Dennis C. Villarojo, D.D.!

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 | 𝐒𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐎 𝐍𝐆 𝐑𝐎𝐌𝐀Ngayong Agosto 15, ginugunita natin si San Tarcisio ng Roma, patron ng mga Tagapaglingko...
15/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 | 𝐒𝐀𝐍 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐎 𝐍𝐆 𝐑𝐎𝐌𝐀

Ngayong Agosto 15, ginugunita natin si San Tarcisio ng Roma, patron ng mga Tagapaglingkod sa Dambana.

Kasabay ng kanyang paggunita, malugod nating binabati ang lahat ng ating mga Tagapaglingkod sa Dambana! Ministry of Altar Servers - Nuestra Señora De Las Flores Parish

Nawa’y tularan natin si San Tarcisio sa kanyang matatag na pananampalataya, katapatan sa paglilingkod, at malalim na pagmamahal kay Hesus sa Banal na Eukaristiya.

Sa lahat ng Altar Servers, maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod sa Panginoon at sa ating sambayanan. Nawa’y patuloy kayong maging mabuting halimbawa ng kabataan sa pananampalataya at paglilingkod.

Maligayang Araw ng mga Tagapaglingkod sa Dambana!
San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!


𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆 𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀Ngayong araw, Agosto 15, ating ipinagdiriwang ang D...
14/08/2026

𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆 𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀

Ngayong araw, Agosto 15, ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pag Aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria, isang dakilang paggunita sa pagluluwalhati ng Diyos kay Maria, na sa pagtatapos ng kanyang buhay sa lupa ay iniakyat sa langit, katawan at kaluluwa.

Sa kanyang buhay na puno ng pananampalataya, kababaang loob, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos, nawa ay matuto rin tayong tumugon nang buong puso sa tawag ng Panginoon.

Inaanyayahan ang buong sambayanan ng Diyos na makiisa sa ating pagdiriwang at sama samang magpasalamat sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin, pagdalo sa Banal na Misa, at maringal na prusisyon bilang pagpapahayag ng ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Agosto 15, 2026 | Sabado

5:30 N.U. | Novena
6:30 N.U. | Banal na Misa
7:30 N.U. | Maringal na Prusisyon

Paalala: Huwag kalimutang magdala ng payong at iba pang kinakailangang gamit upang maging komportable at ligtas ang ating pakikiisa sa maringal na prusisyon.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami. Nawa ay lagi mo kaming akayin patungo kay Hesus at patatagin sa aming paglalakbay sa pananampalataya.

Maligayang Kapistahan ng Pag Aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria!


PAANYAYA | IKALAWANG BIYERNES NA DEBOSYONInaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa Ikalawang Biyernes na D...
13/08/2026

PAANYAYA | IKALAWANG BIYERNES NA DEBOSYON

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa Ikalawang Biyernes na Debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

📅 Bukas, Agosto 14, 2026
⏰ 6:00 N.G.
📍 Nuestra Señora de las Flores Parish

Halina’t sama-sama nating ialay sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang ating mga panalangin, pasasalamat, mga kahilingan, at mga pagsubok. Nawa’y patuloy Niya tayong gabayan at palakasin sa bawat hakbang ng ating buhay.

“Hesus Nazareno, maawa Ka sa amin!”
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa.


Address

Padre Damaso Street, Virgen De Las Flores
Baliuag
3006

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Wednesday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Thursday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Friday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Saturday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm
Sunday 8:30am - 11:30am
2pm - 5pm

Telephone

+639661835021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan):

Shortcuts

Share