Ang Layag - Our Lady of the Most Holy Rosary Parish

Ang Layag - Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Welcome to the ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ of Our Lady of the Most Holy Rosary Parish - Makinabang! Viva La Virgen de Maquinabang!

This Page is officially managed by Ang Layag - Commission on Social Communications of Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, Makinabang, Baliwag City, Bulacan.

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

๐—ฅ๐—˜๐—ฉ. ๐—™๐—ฅ. ๐—ก๐—œ๐—–๐—”๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐—. ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข, ๐—ฉ.๐—™. Parish Priest

๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜๐—ฆ:
Monday - Saturday : 6:30am
Wednesday : 5:30pm
Sunday : 6:00am, 7:30am & 5:30pm

๐——๐—˜๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ:
Wednesday : Our Lady of Perpetual Help (Novena and Mass)
First Frida

y : Most Sacred Heart of Jesus (Holy Hour and Mass)
First Saturday : Our Lady of the Most Holy Rosary of Makinabang (Novena, Mass & Procession)

๐—ฆ๐—”๐—–๐—ฅ๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—”๐—–๐—ฅ๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—ฆ:
Baptism : Every Sunday, 11:00am
Confession : After Mass / First Friday
Vehicle Blessing : After Mass
Annointing of the Sick : By Appointment
Matrimony / Wedding : By Appointment
Misa sa Patay : By Appointment
House Blessing : By Appointment

๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—› ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐—›๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ฆ:
Monday - Sunday:
8:00am - 12:00pm
2:00pm - 5:00pm

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

For ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—š๐—ฅ๐—œ๐— ๐—”๐—š๐—˜๐—ฆ, please contact us at:
[email protected]

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ : Every last Sunday of April
๐—ฃ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป : October 7th

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”

๐•๐ข๐ฏ๐š, ๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐š ๐’๐žรฑ๐จ๐ซ๐š ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ ๐๐ž ๐Œ๐š๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ง๐ !
๐•๐ข๐ฏ๐š, ๐‹๐š ๐•๐ข๐ซ๐ ๐ž๐ง ๐๐ž ๐Œ๐š๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ง๐ !

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐ŽO Mahal na Poong Hesus Nazareno, dumudulog kami sa Iyo nang may pananalig at ...
28/08/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‡๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐Ž

O Mahal na Poong Hesus Nazareno, dumudulog kami sa Iyo nang may pananalig at pagtitiwala. Turuan Mo kaming lapitan nang may pag-ibig ang kapatid na nagkamali at huwag humatol nang walang awa.

Kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Iyong pangalan, manahan Ka sa kanilang kalagitnaan. Bigyan Mo kami ng pusong marunong makinig at magpatawad. Amen.




๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก ๐——๐—˜ ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—จ๐—”๐—š!Taos-pusong pagbati mula sa Parokya ng Our Lady of the Most Holy Rosary โ€“ ...
28/08/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก ๐——๐—˜ ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—จ๐—”๐—š!

Taos-pusong pagbati mula sa Parokya ng Our Lady of the Most Holy Rosary โ€“ Makinabang sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Agustin de Baliuag sa pagdiriwang ng maringal na kapistahan ni San Agustin, Obispo at Pantas ng Simbahan.

Nawaโ€™y sa pamamagitan ng kanyang halimbawa ng malalim na pananampalataya, karunungan, at ganap na paghahandog ng sarili sa Diyos, patuloy tayong maging mga saksi ng pag-ibig ng Panginoon at tagapagdala ng Kanyang Mabuting Balita.

San Agustin, ama at g**o ng Simbahan, ipanalangin mo kami!




๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จโ€™๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก23 Agosto 2026Ipinagdiwang sa ating Parokya ang Ikadalawampuโ€™t Isang Li...
28/08/2026

๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จโ€™๐—ง ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก
23 Agosto 2026

Ipinagdiwang sa ating Parokya ang Ikadalawampuโ€™t Isang Linggo sa Karaniwang Panahon, na pinangunahan ng ating Kura Paroko, Reb. P. Nicanor Castro, V.F.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon. Hindi sapat na marami lamang tayong nalalaman tungkol kay Hesus. Higit na mahalaga na makilala natin Siya sa pamamagitan ng ating pakikipag-ugnayan, pagmamahal, at pagsunod sa Kanyang kalooban.

Nawaโ€™y ang ating pananampalataya ay hindi manatili sa kaalaman lamang, kundi maging buhay na ugnayan kay Kristo na nakikita sa ating mga salita, kilos, at paraan ng pamumuhay.

โ€”

Written by: MAL, Ang Layag SocCom
Photos by: MES, Ang Layag SocCom



๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก ๐——๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—”28 Agosto 2026Sa araw na ito, ginugunita natin si San Agustin de Hipona, isang dakilang...
28/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ก ๐——๐—˜ ๐—›๐—œ๐—ฃ๐—ข๐—ก๐—”
28 Agosto 2026

Sa araw na ito, ginugunita natin si San Agustin de Hipona, isang dakilang obispo, g**o ng Simbahan, at huwaran ng pagbabalik-loob. Matapos ang mahabang paghahanap sa katotohanan, natagpuan niya ang tunay na kapayapaan sa Diyos at buong buhay na inilaan sa paglilingkod sa Simbahan at sa pagpapalalim ng pananampalataya.

PANALANGIN

San Agustin de Hipona, huwaran ng pagbabalik-loob at paghahanap sa katotohanan, tulungan mo kaming buksan ang aming puso sa Diyos. Turuan mo kaming huwag panghinaan ng loob sa aming mga pagkukulang at laging manalig sa walang hanggang awa at pag-ibig ng Panginoon.

Sa aming paghahanap ng tunay na kaligayahan at kapayapaan, akayin mo kami palapit kay Kristo. Nawaโ€™y maging bukas kami sa pagbabago at magkaroon ng lakas na talikuran ang anumang naglalayo sa amin sa Diyos, upang buong puso naming maialay ang aming buhay sa Kanya.

San Agustin de Hipona, ipanalangin mo kami.




๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€28 Agosto 2026Mateo 25, 1โ€“13Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong panahong iy...
28/08/2026

๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
28 Agosto 2026
Mateo 25, 1โ€“13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang talinghaga tungkol sa sampung dalaga na kumuha ng kanilang mga ilawan at lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal. Lima sa kanila ay hangal at lima naman ay matatalino.

Ang mga hangal ay kumuha ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagdala ng ekstrang langis. Ang mga matatalino naman ay nagdala ng langis kasama ng kanilang mga ilawan. Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya nakatulog silang lahat.

Nang hatinggabi na, may sumigaw, โ€œNarito na ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo at salubungin siya!โ€

Bumangon ang lahat ng dalaga at inayos ang kanilang mga ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, โ€œBigyan ninyo kami ng inyong langis sapagkat mamamatay na ang aming mga ilawan.โ€ Ngunit sumagot ang mga matatalino, โ€œBaka hindi magkasya sa ating lahat. Mabuti pang pumunta kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyong sarili.โ€

Habang wala ang mga hangal upang bumili ng langis, dumating ang lalaking ikakasal. Ang mga dalagang nakahanda ay sumama sa kanya sa piging ng kasalan, at isinara ang pinto.

Nang dumating ang ibang mga dalaga, sinabi nila, โ€œPanginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!โ€ Ngunit sumagot siya, โ€œTinitiyak ko sa inyo, hindi ko kayo nakikilala.โ€

Kaya sinabi ni Hesus, โ€œKayaโ€™t magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

โธป

1. Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon

โ€ข Hindi natin alam kung kailan darating ang Panginoon, kaya dapat laging handa ang ating puso.
โ€ข Pagnilayan: Kung darating si Hesus ngayon, handa ba akong sumalubong sa Kanya?

2. Panatilihing Nagliliyab ang Pananampalataya

โ€ข Ang langis ay paalala ng ating patuloy na paghahanda at katapatan sa Diyos.
โ€ข Pagnilayan: Ano ang ginagawa ko upang mapanatiling buhay ang aking pananampalataya?

3. Ang Paghahanda ay Isang Personal na Pananagutan

โ€ข Hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng ating puso.
โ€ข Pagnilayan: May mga bagay ba akong patuloy na ipinagpapabukas sa aking buhay pananampalataya?

โธป

PAGNINILAY:

Sa talinghaga ng sampung dalaga, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na maging laging handa sa Kanyang pagdating. Hindi sapat na mayroon lamang tayong ilawan. Kailangang may sapat na langis upang manatili itong nagliliyab. Gayundin sa ating pananampalataya, hindi sapat ang minsanang pananalangin o pagsunod sa Diyos. Kailangan natin itong alagaan at patuloy na palalimin sa bawat araw. Hindi natin alam ang araw o oras ng pagdating ng Panginoon, kaya ngayon pa lamang ay ihanda na natin ang ating puso. Nawaโ€™y matagpuan Niya tayong gising, tapat, at handang sumalubong sa Kanya.

โธป

PANALANGIN:

Panginoong Hesus, tulungan Mo akong maging handa sa Iyong pagdating. Panatilihing nagliliyab ang apoy ng aking pananampalataya at huwag Mong hayaang itoโ€™y mamatay dahil sa kapabayaan at pag-aalinlangan. Turuan Mo akong mamuhay nang tapat at mapagbantay upang sa anumang oras ay handa akong sumalubong sa Iyo. Amen.

โธป




๐Œ๐€๐†๐€๐๐ƒ๐€๐๐† ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐„๐๐€๐๐†๐‡๐„๐‹๐˜๐Ž(23 Agosto 2026)โ€œHuwag lang nating punuin ang ating isipan ng mga impormasyon tungkol sa ...
27/08/2026

๐Œ๐€๐†๐€๐๐ƒ๐€๐๐† ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐„๐๐€๐๐†๐‡๐„๐‹๐˜๐Ž
(23 Agosto 2026)

โ€œHuwag lang nating punuin ang ating isipan ng mga impormasyon tungkol sa Panginoon, kundi mapuno rin ang ating puso ng pakikipag-ugnayan, pagmamahal, at pagsunod sa kalooban ni Jesus.โ€
โ€” Reb. P. Nicanor Castro, V.F.

Sa Mabuting Balita ayon kay Mateo 16, 13โ€“20, tinanong ni Hesus ang Kanyang mga alagad kung sino Siya para sa kanila. Sa tanong na ito, hindi lamang kaalaman tungkol kay Kristo ang hinihingi, kundi isang personal na pagkilala sa Kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo na suriin ang ating pananampalataya. Hindi sapat na marami tayong alam tungkol sa Diyos kung hindi naman Siya tunay na nakikilala at minamahal ng ating puso. Ang tunay na pagkilala kay Hesus ay nakikita sa ating pakikipag-ugnayan sa Kanya, sa pagmamahal sa kapwa, at sa tapat na pagsunod sa Kanyang kalooban. Nawaโ€™y hindi lamang ang ating isip ang mapuno ng kaalaman tungkol sa Panginoon, kundi higit sa lahat, ang ating puso ay mapuno ng Kanyang presensya at pag-ibig.




๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€27 Agosto 2026Mateo 24, 42โ€“51Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoNoong panahong i...
26/08/2026

๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€

27 Agosto 2026
Mateo 24, 42โ€“51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œKaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siyaโ€™y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

โ€œAng tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.

Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, โ€˜Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,โ€™ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Dooโ€™y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

โธป

1. Laging Maging Handa

โ€ข Hindi natin alam kung kailan darating ang Panginoon, kaya dapat tayong mamuhay nang handa.
โ€ข Pagnilayan: Kung darating si Hesus ngayon, handa ba akong humarap sa Kanya?

2. Maging Tapat

โ€ข Ang pagiging handa ay hindi lamang paghihintay, kundi patuloy na paggawa ng mabuti.
โ€ข Pagnilayan: Nanatili ba akong tapat sa aking mga tungkulin kahit walang nakakakita?

3. Gamitin nang Mabuti ang Panahon

โ€ข Ang bawat araw ay pagkakataong magmahal, maglingkod, at gumawa ng mabuti.
โ€ข Pagnilayan: Ginagamit ko ba nang tama ang oras at mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos?

โธป

๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐˜:

Hindi natin alam kung kailan darating ang Panginoon. Ngunit hindi ito dapat maging dahilan upang tayo ay matakot. Sa halip, ito ay paanyaya na mamuhay nang tapat at laging handa.

Ang tunay na paghahanda ay hindi lamang paghihintay sa pagdating ni Kristo. Ito ay ang pagpapatuloy ng paggawa ng mabuti kahit walang nakakakita, ang pagiging responsable sa mga ipinagkatiwala sa atin, at ang pagmamahal sa kapwa sa bawat araw.

Hindi natin kontrolado ang bukas, ngunit mayroon tayong magagawa ngayon. Huwag nating ipagpaliban ang kabutihan. Mamuhay tayo sa paraang kung dumating man ang Panginoon sa oras na hindi natin inaasahan, matagpuan Niya tayong tapat na naglilingkod.

โธป

๐Œ๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐“๐€๐˜๐Ž:

Panginoong Hesus, tulungan Mo akong maging laging handa sa Iyong pagdating. Bigyan Mo ako ng pusong tapat, mapagkumbaba, at masipag sa paggawa ng mabuti. Nawaโ€™y matagpuan Mo akong patuloy na nagmamahal at naglilingkod sa Iyo at sa aking kapwa. Amen.

โธป




๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ‘๐Ÿ’ ๐๐€ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐€๐‘๐ˆ๐‘๐ž๐›. ๐. ๐๐ข๐œ๐š๐ง๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ, ๐•.๐….Kura ParokoBuong galak na binabati ng buo...
26/08/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ‘๐Ÿ’ ๐๐€ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐€๐‘๐ˆ
๐‘๐ž๐›. ๐. ๐๐ข๐œ๐š๐ง๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ, ๐•.๐….
Kura Paroko

Buong galak na binabati ng buong Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario โ€“ Makinabang ang ating Kura Paroko, Reb. P. Nicanor Castro, V.F., sa kanyang ika-34 na taong anibersaryo sa pagkapari.

Sa loob ng 34 na taon, buong katapatan ninyong inialay ang inyong buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Sa pamamagitan ng inyong pagpapastol, paggabay, at paglilingkod, naging bahagi kayo ng maraming buhay at patuloy na naging instrumento ng pagmamahal at awa ng Diyos sa ating sambayanan.

Sa mahalagang araw na ito, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Panginoon sa biyaya ng inyong bokasyon at sa mga taon ng inyong tapat na paglilingkod. Nawaโ€™y patuloy kayong pagkalooban ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan, at pusong laging handang maglingkod.

Maligayang ika-34 na taong anibersaryo sa pagkapari, Padre Nic!
Nawaโ€™y patuloy kayong maging tapat na pastol at kasangkapan ng Panginoon sa pag-akay sa Kanyang bayan tungo kay Hesukristo.

Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Makinabang, ipanalangin mo kami.
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami.



๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐‹๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐Š๐‹๐Ž๐‹๐ŽO Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ikaw ang aming ilaw sa pagkakaisa. Dalisay...
26/08/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐‹๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐Š๐‹๐Ž๐‹๐Ž

O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ikaw ang aming ilaw sa pagkakaisa. Dalisayin mo ang aming mga pusong uhaw sa pag ibig, pagkaisahin mo ang sambayanang nananalig kay Hesukristong aming Panginoon.

Gabayan mokami sa panalangin at sa paggawa ng mabuti. Manahan kanawa sa aming samahan at gabayan mokami sa kapayapaan. Amen.




๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ. ๐€๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐•๐š๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐ž!SPPC Head, Bisita ng Sagrado Corazon de JesusIsang taos-pusong pagbati mula sa ...
26/08/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง, ๐๐ซ๐จ. ๐€๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐•๐š๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐ž!
SPPC Head, Bisita ng Sagrado Corazon de Jesus

Isang taos-pusong pagbati mula sa buong pamayanan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish โ€“ Makinabang sa iyong espesyal na araw. Nawaโ€™y ipagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal ang masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at kagalakan sa bawat araw ng iyong buhay.

Bilang SPPC Head ng Bisita ng Sagrado Corazon de Jesus, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong tapat na pamumuno at masigasig na paglilingkod sa inyong pamayanang sambahan. Sa iyong paggabay at pakikiisa, napalalakas ang buhay-pananampalataya, pagkakaisa, at pakikibahagi ng mga mananampalataya sa mga gawain ng Simbahan.

Muli, Maligayang Kaarawan, Bro. Alvin! Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain at patatagin ng Diyos sa iyong mahalagang misyon ng paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan.



Address

Baliuag
3006

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Layag - Our Lady of the Most Holy Rosary Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Layag - Our Lady of the Most Holy Rosary Parish:

Shortcuts

Share