12/03/2025
KUMPISAL SA PAROKYA
Bilang paghahanda sa paggunita sa panahon ng Kuwaresma at mga Mahal na Araw, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na magsagawa ng taimtim na pagsusuri ng budhi at tumanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo o Kumpisal.
Ayon sa Kodigo ng Batas Kanoniko, Can. 989:
“Ang bawat tapat, pagkaabot sa gulang ng katwiran, ay obligadong mangumpisal ng kanyang mga mabibigat na kasalanan nang hindi bababa sa minsan sa isang taon.”
Kaugnay po nito, ipinababatid sa lahat ang schedule ng Kumpisal na isasagawa sa mga bisitang nasasakupan ng ating Parokya tuwing Huwebes sa Panahon ng Kuwaresma.
MARSO 13, 2025
5:00 PM- San Roque Highway
6:00 PM- Santo Niño
MARSO 20, 2025
5:00 PM- Paitan
6:00 PM- Barangca
MARSO 27, 2025
5:00 PM- Tilapayong
6:00 PM- Piel
ABRIL 3, 2025
5:00 PM- Catulinan
6:00 PM- Pagala
ABRIL 10, 2025
5:00 PM- Sulivan
6:00 PM- Hinukay
7:00 PM- San Roque Loob
Pinaaalalahanan ang lahat na magtungo sa inyong mga Bisita ng mas maaga sa itinakdang oras ng inyong pangungumpisal. Ang mga SPPC ang inaasahang magpapaliwanag ng kahalagahan ng sakramentong ito at manghihikayat sa mga mananampalataya sa kanilang barangay na mangumpisal.
Samantala, ang Kumpisal para sa SPPC at Barangay ng Tangos ay isasagawa sa Parokya tuwing ika-7:00 ng umaga matapos ang Weekday masses.
Maraming salamat, pinagpalang Bayan ng Diyos!
Manalangin. Mag-ayuno. Mag-alay kapwa.