15/07/2026
HULYO 16, 2026 || KAPISTAHAN NG NUESTRA SEÑORA DEL CARMEN
PANALANGIN
Mahal na Nuestra Señora del Carmen, mapagmahal na Ina at mapagkalingang Tagapagtanggol ng mga lumalapit sa Iyong piling, sa araw na ito ng Iyong dakilang kapistahan ay buong kababaang-loob kaming nagpupugay at nagpapasalamat sa Iyong walang sawang paggabay at pamamagitan.
Tulungan Mo kaming manatiling tapat kay Kristo, ang Iyong Anak, at maging matatag sa pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok at pagbabago ng buhay. Nawa’y ang banal na Eskapularyo ay maging paalala sa amin ng Iyong pag-aaruga at ng aming panata na mamuhay nang may kabanalan, pag-ibig, at pagtitiwala sa Diyos.
Amen.
💙🤍