28/05/2024
Sa pangunguna ng Obispo Dennis Villarojo, ipinababatid ang pasasalamat sa mga mambabatas at kinatawan na sina Igg. Eric Martinez ng 2nd Congressional District ng Lungsod ng Valenzuela at Igg. Augustina "Ditse Tina" Pancho ng Ikalawang Distrito ng Bulacan sa kanilang hindi pagsang-ayon sa panukalang batas na absolute divorce.
Kinikilala rin si Igg. Rida Robes ng Lone District ng Lungsod ng San Jose del Monte na nag-abstain kaugnay ng pagpasa ng Absolute Divorce Bill sa mababang kapulungan.
Lubos na hinahangaan ang kanilang paninindigan para sa kalooban ng Diyos at para sa mas ikabubuti ng taong bayan.
Panalangin at hangarin natin na ang mga namumuno sa ating pamahalaan ay maging Maka-Diyos, Maka-tao at Maka-buhay.
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://malolosdiocese.ph
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos