05/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐
[05 Agosto]
Tuwing ika-5 ng Agosto ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Basilica Papale di Santa Maria Maggiore, ang pinakamatanda at pangunahing simbahang inialay sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa Kanluran at isa sa apat na pangunahing Basilika Papal sa Roma.
Nag-ugat ang pagdiriwang na ito sa Miracolo della Neve o Himala ng Niyebe. Ayon sa tradisyon, noong ika-5 ng Agosto taong 358, sa gitna ng tag-init sa Roma, himalang nabalutan ng niyebe ang Burol Esquilino bilang tanda ng kalooban ng Mahal na Birheng Maria na doon itayo ang isang simbahan para sa kanyang karangalan.
Ang kasalukuyang basilika ay itinayo noong ika-5 siglo matapos ideklara ng Konseho ng Efeso si Maria bilang Theotokos o Ina ng Diyos. Dito rin matatagpuan ang bantog na banal na larawan ng Salus Populi Romani, isa sa pinakamatandang at pinakiginagalang na imahe ng Mahal na Birhen sa Roma.
Hanggang ngayon, ipinagdiriwang ang kapistahang ito sa pamamagitan ng Banal na Misa at ng tradisyunal na pag-ulan ng puting talulot ng bulaklak sa loob ng basilika bilang paggunita sa Himala ng Niyebe at sa patuloy na pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria sa Simbahan.
PANALANGIN:
Ama naming makapangyarihan,
patawarin mo ang aming mga utang
sapagkaโt kamiโy hindi makababayad nang lubusan
kayaโt makaligtas nawa kaming tanan
pakundangan sa pagdalangin ng Mahal na Birheng Ina ng Diyos
para sa aming kabutihan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.