17/05/2026
Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-Aakyat sa Langit ng ating Panginoong Hesukristo, ipinagdiriwang din ng Inang Simbahan ang 𝐢𝐤𝐚-60 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐢𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 (𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲).
Sa araw na ito, ating kinikilala at pinasasalamatan ang mga taong tahimik na naglilingkod sa likod ng mga kamera, lente, disenyo, at makabagong teknolohiya upang maipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo sa mas maraming puso.
Sa pamamagitan ng kanilang mga larawan, bidyo, poster, at iba pang likhang-sining, unti-unti nilang hinuhubog ang ating mata upang makakita ng kagandahan ng pananampalataya, at ang ating puso upang higit na manalangin, magnilay, at lumapit sa Diyos sa araw-araw.
Maaaring hindi sila laging nakikita, ngunit ang kanilang paglilingkod ay nagiging daan upang higit na maitanghal ang kadakilaan at kaluwalhatian ng Diyos.
Sa inyong talento, panahon, at tahimik na sakripisyo para sa misyon ng Simbahan, taos-puso po kaming nagpapasalamat.
𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙥𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩, 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣!