16/06/2026
Maligayang Kaarawan, Sis. Roselle Baltazar!
Isang taos-pusong pagbati sa isa sa mga masigasig na myembro ng Saints of the Holy Rosary – Makinabang. Maraming salamat sa iyong patuloy na pakikiisa, suporta, at malasakit sa ating samahan. Ang iyong presensya at aktibong pakikibahagi sa ating mga gawain ay malaking biyaya na nagpapatibay sa diwa ng pagkakaisa at paglilingkod ng bawat kasapi.
Nawa’y pagpalain ka pa ng Panginoon ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na kaligayahan sa buhay. Dalangin naming gabayan ka Niya sa lahat ng iyong mga mithiin at pagkalooban ng lakas at inspirasyon sa bawat araw.
Mabuhay ka, Sis. Roselle, at nawa’y maging tunay na masaya, makahulugan, at pinagpalang kaarawan ang iyong ipagdiwang!