Tilapayong Chapel - San Agustin

Tilapayong Chapel - San Agustin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tilapayong Chapel - San Agustin, Religious organisation, Baliuag.

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhayMga Gawa 8, 5-8. 14-17Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20Sangkalupaang nila...
10/05/2026

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 8, 5-8. 14-17
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.

1 Pedro 3, 15-18
Juan 14, 15-21

Ang lahat po ng Komisyon sa pangunguna ng Sangguniang Pastoral ay bumabati po sa ating NATATANGING INA ng ating barangay...
10/05/2026

Ang lahat po ng Komisyon sa pangunguna ng Sangguniang Pastoral ay bumabati po sa ating NATATANGING INA ng ating barangay na si GNG. EMILLIANA DELA CRUZ.

At para sa lahat ng Ina — yung lumalaban araw-araw para sa pamilya, yung nagbibigay kahit kapos, yung nagmamahal kahit pagod na pagod na, Kayo po ang ilaw ng tahanan at haligi rin ng ating komunidad at bisita. Saludo kami sa inyo. Kayo ang tunay na bayani. Kayo ang patunay na may diyos, kasi ang pagmamahal ninyo ay parang pagmamahal niya : Walang Kondisyon.
HAPPY MOTHER'S DAY po sa lahat! 💖

Narito na at nag-umpisa na ang UNANG ARAW ng ating SIMBA ARALAN, kaya TARA na sama na ang mga batang may edad 7-12. Ano ...
04/05/2026

Narito na at nag-umpisa na ang UNANG ARAW ng ating SIMBA ARALAN, kaya TARA na sama na ang mga batang may edad 7-12.

Ano ang SIMBA ARALAN?

Ang Simba-Aralan ay isang taunang Summer Catechetical Program ng Diyosesis ng Malolos na naglalayong hubugin ang pananampalataya, kaalaman, at debosyon ng mga bata at kabataan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga aral ng Simbahan at Ebanghelyo. Karaniwan itong ginaganap tuwing buwan ng Mayo at bukas para sa mga batang edad 7-12 taong gulang.

03/05/2026
Ika-2 || Mayo || 2026Maraming salamat po sa pag-imbita sa aming Mahal na Patrong San Agustin upang makiisa sa inyong kap...
03/05/2026

Ika-2 || Mayo || 2026

Maraming salamat po sa pag-imbita sa aming Mahal na Patrong San Agustin upang makiisa sa inyong kapistahan at kami ay bumabati sa inyo kasabay ng pagdiriwang ng ika-97 taon ng Viva Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje de Calantipay.

Taos-pusong pasasalamat po sa inyong imbitasyon at ito ay pagpapaalala na may Diyos tayong pinaglilingkuran, at may komunidad tayong pinagbubuklod.

Mayo || 3 || 2026Ika-5 Linggo ng Muling PagkabuhayUnang Pagbasa: Mga Gawa 6:1-7— Pagpili sa pitong diakono upang matugun...
03/05/2026

Mayo || 3 || 2026

Ika-5 Linggo ng Muling Pagkabuhay

Unang Pagbasa: Mga Gawa 6:1-7
— Pagpili sa pitong diakono upang matugunan ang pangangailangan ng pamayanan at paglaganap ng salita ng Diyos.

Salmo Responsorio: Salmo 33
— "P**n, pag-asa ka namin, pag-ibig mo'y aming hiling".Ikalawang Pagbasa: 1 Pedro 2:4-9 — Ang pagiging "buhay na bato" at "banal na bansa" na itinayo kay Kristo.

Mabuting Balita: Juan 14:1-12 — "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay".

Linggo, Abril 26, 2026Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhayMga Gawa 2, 14a. 36-41Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6Pasto...
26/04/2026

Linggo, Abril 26, 2026

Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

1 Pedro 2, 20b-25
Juan 10, 1-10

Pagbati ng buong Sangguniang Pastoral at kasama ang lahat ng Komisyon sa isa sa kabataang tumanggap ng parangal at sa ka...
24/04/2026

Pagbati ng buong Sangguniang Pastoral at kasama ang lahat ng Komisyon sa isa sa kabataang tumanggap ng parangal at sa kaniyang murang edad ay hindi naging sagabal sa kanya ang pag-aaral sa paglilingkod sa ating panginoon at nawa maging inspirasyon ka ng ibang katulad ninyong kabataan.

-ERICH ASHLYN SP. SALVADOR

-With High Honors
-Perfect Attendance
-Conduct Award

"Sa pamamagitan ng mga larawang ito, nawa’y maging diin ang kahalagahan ng pag-aaral at paghubog sa sarili habang bata pa upang maging produktibo kasabay ng kabanalan na sumisiklab sa puso ng bawat kabataan."

📣 PAANYAYA PARA SA MGA BATA! 🌞🙏Magandang araw po sa ating lahat!Inaanyayahan po namin ang mga batang may edad 7–12 taong...
20/04/2026

📣 PAANYAYA PARA SA MGA BATA! 🌞🙏

Magandang araw po sa ating lahat!

Inaanyayahan po namin ang mga batang may edad 7–12 taong gulang na lumahok sa Summer Catechism na gaganapin mula May 4 hanggang May 29. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalalim ang kaalaman at ugnayan ng ating mga kabataan sa ating Panginoon habang sila ay natututo at nakikipagkaibigan sa kapwa bata.

🗓 Schedule: Lunes hanggang Biyernes
⏰ Oras: Humigit-kumulang 2 oras bawat araw (maaaring magbago depende sa talakayan at gawain)

📚 Magandang balita!
Ang mga gamit sa pag-aaral tulad ng lapis, notebook, krayola, plastic envelope, at iba pang kailangan ay ipagkakaloob na po ng simbahan sa oras ng kanilang pagpapatala, kaya wala na po kayong dapat alalahanin.

✨ Inaanyayahan po namin ang mga magulang, lolo’t lola, at tagapag-alaga na hikayatin ang kanilang mga anak at apo na makibahagi sa gawaing ito upang sila ay lumaking may matibay na pananampalataya.

📩 Magpatala na po at ibahagi ang balitang ito sa iba!

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng P**ng Maykapal. 🙏

Linggo, Abril 19, 2026Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)Mga Gawa 2, 14. 22-23Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-...
19/04/2026

Linggo, Abril 19, 2026

Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 2, 14. 22-23
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

Ituro mo ang landasin
ng buhay kong hahantungin.

1 Pedro 1, 17-21
Lucas 24, 13-35

PAGBATI:Pagbati ng buong Sangguniang Pastoral at kasama ang lahat ng Komisyon sa ating mga kabataang tumanggap ng parang...
17/04/2026

PAGBATI:

Pagbati ng buong Sangguniang Pastoral at kasama ang lahat ng Komisyon sa ating mga kabataang tumanggap ng parangal at sa kanilang murang edad ay hindi naging sagabal sa kanilang pag-aaral ang paglilingkod sa ating panginoon at nawa maging inspirasyon kayo ng ibang katulad ninyong kabataan.

-ROJANN JACOB M. HERNANDEZ
-With honors
-Conduct award
-Liturgical Award
-Community Service Award

-NATHAN ELIAM ROBLES
-With High Honors)
-Best in English
-Best in computer
-Best in GMRC
-Stellar Leadership Award
-Conduct award
-Multiple Intelligences Award
-Liturgical Award
-Dugong Baliwag pusong Baliwag Award

"Sa pamamagitan ng mga larawang ito, nawa’y maging diin ang kahalagahan ng pag-aaral at paghubog sa sarili habang bata pa upang maging produktibo kasabay ng kabanalan na sumisiklab sa puso ng bawat kabataan."

Address

Baliuag

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tilapayong Chapel - San Agustin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share