Bisita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno - Barangka, Baliwag

Bisita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno - Barangka, Baliwag Mga Kapatid! Ito po ang opisyal na pahina ng Bisita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno ng Barangay Barangca, Lungsod ng Baliwag, Bulacan.

πŸ“£ PAANYAYA PARA SA MGA BATA! πŸŒžπŸ™Magandang araw po sa ating lahat!Inaanyayahan po namin ang mga batang may edad 7–12 taong...
08/03/2026

πŸ“£ PAANYAYA PARA SA MGA BATA! πŸŒžπŸ™

Magandang araw po sa ating lahat!

Inaanyayahan po namin ang mga batang may edad 7–12 taong gulang na lumahok sa Summer Catechism na gaganapin mula May 1 hanggang May 31. Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalalim ang kaalaman at ugnayan ng ating mga kabataan sa ating Panginoon habang sila ay natututo at nakikipagkaibigan sa kapwa bata.

πŸ—“ Schedule: Lunes hanggang Biyernes
⏰ Oras: Humigit-kumulang 2 oras bawat araw (maaaring magbago depende sa talakayan)

πŸ“š Magandang balita!
Ang mga gamit sa pag-aaral tulad ng lapis, notebook, krayola, plastic envelope, at iba pang kailangan ay ipagkakaloob na po ng simbahan sa oras ng kanilang pagpapatala, kaya wala na po kayong dapat alalahanin.

✨ Inaanyayahan po namin ang mga magulang, lolo’t lola, at tagapag-alaga na hikayatin ang kanilang mga anak at apo na makibahagi sa gawaing ito upang sila ay lumaking may matibay na pananampalataya.

πŸ“© Magpatala na po at ibahagi ang balitang ito sa iba!

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal. πŸ™

PAALALA: Mamaya na po gaganapin ang Sakramento ng Kumpisal sa ating bisita. Sama-sama po tayong humingi ng kapatawaran s...
05/03/2026

PAALALA: Mamaya na po gaganapin ang Sakramento ng Kumpisal sa ating bisita. Sama-sama po tayong humingi ng kapatawaran sa ating mga pagkakasala. (Marso 05, 2026 | 6:00 ng gabi)

π’π€πŠπ‘π€πŒπ„ππ“πŽ 𝐍𝐆 πŠπ”πŒππˆπ’π€π‹

Inaanyayahan po ang mga mananampalataya ng Busita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa makiisa sa Sakramento ng Kumpisal na gaganapin sa ating Sintang Bahay-Dalanginan sa darating na ika-5 ng Marso 2026 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Ito po ay pangungunahan ni Rdo. P. Dennis Fidel I. Estrella, Panauhing Pari bilang Kumpesor.

Ating pagsisihan at talikdan ang nga nagawang kasalanan, magbagong-buhay at magbalik sa piling ni Kristo. Manatili sa piling niya sa pamamagitan ng pagdalangin sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Bisita nang sa gayon, hindi tayo matukso ng kalaban, sa isip man o sa gawa.

π’π€πŠπ‘π€πŒπ„ππ“πŽ 𝐍𝐆 πŠπ”πŒππˆπ’π€π‹Inaanyayahan po ang mga mananampalataya ng Busita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa makiisa sa S...
26/02/2026

π’π€πŠπ‘π€πŒπ„ππ“πŽ 𝐍𝐆 πŠπ”πŒππˆπ’π€π‹

Inaanyayahan po ang mga mananampalataya ng Busita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa makiisa sa Sakramento ng Kumpisal na gaganapin sa ating Sintang Bahay-Dalanginan sa darating na ika-5 ng Marso 2026 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Ito po ay pangungunahan ni Rdo. P. Dennis Fidel I. Estrella, Panauhing Pari bilang Kumpesor.

Ating pagsisihan at talikdan ang nga nagawang kasalanan, magbagong-buhay at magbalik sa piling ni Kristo. Manatili sa piling niya sa pamamagitan ng pagdalangin sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa sa ating Bisita nang sa gayon, hindi tayo matukso ng kalaban, sa isip man o sa gawa.

Natitipon tayo upang maging isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya. Halina't makiisa sa Banal na Misa mamayang i...
30/01/2026

Natitipon tayo upang maging isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya. Halina't makiisa sa Banal na Misa mamayang ika-5:00 ng hapon sa ating bisita.

DALAW PATRON 2026 | 15 ENERO 2026Kasalukuyang nagaganap ang   ng Mahal na Patron Poong Jesus Nazareno patungo sa Bisita ...
15/01/2026

DALAW PATRON 2026 | 15 ENERO 2026

Kasalukuyang nagaganap ang ng Mahal na Patron Poong Jesus Nazareno patungo sa Bisita ng Mabunying Prinsipe ng Kabukiran ng Baliwag, Ang SeΓ±or Santo NiΓ±o Hesus de Baliwag!

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 ππ€π“π‘πŽπ πŸπŸŽπŸπŸ”Halina't makiisa at saksihan sa kauna-unahang pagkakataon ay pag-uwi muli ng pamayanan ng Barangka sa d...
15/01/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 ππ€π“π‘πŽπ πŸπŸŽπŸπŸ”

Halina't makiisa at saksihan sa kauna-unahang pagkakataon ay pag-uwi muli ng pamayanan ng Barangka sa dati nitong bisita, ang Bisita ng Santo NiΓ±o Hesus!

Nagkaroon man ng pagkakahiwalay, mahalaga pa rin na sariwain ang nakaraan at patuloy na pinagbubuklod ng pananampalataya. Hindi man maganda ang dulot nito sa iba subalit ito ang itinakda ng maykapal na siyang nagpabago sa buhay natin sa kasalukuyan.

"At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan." (Colosas 3:14)

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 ππ€π“π‘πŽπ πŸπŸŽπŸπŸ”
Prusisyon ng Pagkakaisa

Bayan ng Diyos! Halina at sama-samang magdiwang sa pagdalaw ng Nuestro Padre Jesus Nazareno de Barangca kasama ang kanilang pamayanan bilang pagsariwa sa kasaysayan na ang Barangay Sto. NiΓ±o at Barangay Barangca ay minsang naging iisang Barangay o Barrio.

Ang Maringal na prusisyon ay magsisimula sa Bisita ng Sto. NiΓ±o mamaya, sa ganap na ika-3:30 ng hapon at sama-samang tutungo sa Bisita ng Barangca upang ang Imahen ng Mahal na Poong Nazareno at ang kanilang pamayanan ay sunduin. Ang Rito ng pagtanggap ay gaganapin sa Bisita ng Santo NiΓ±o, ito ay susundan ng pagdarasal ng Rosaryo at Nobena, at ng Banal na Misa.

PISTANG NAZARENO 2026ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππŽπŽππ† 𝐉𝐄𝐒𝐔𝐒 ππ€π™π€π‘π„ππŽMISA MAYOR  |  ENERO 9, 2026Halina at makiisa sa pagdi...
08/01/2026

PISTANG NAZARENO 2026
ππ€πŒππ€ππ’π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππŽπŽππ† 𝐉𝐄𝐒𝐔𝐒 ππ€π™π€π‘π„ππŽ
MISA MAYOR | ENERO 9, 2026
Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa karangalan ng ating Mahal na Patron Poong Jesus Nazareno.
Ito ay pangungunahan ni Rdo. P. Lazaro M. Benedictos sa ganap na ika-10 ng umaga.

PISTANG NAZARENO 2026Ikatlong Araw ng Banal na Triduo | Visperas Mayoresπ‡π„π€π‹πˆππ† πŒπ€π’π’  |  Enero 08, 2026Halina at makiisa...
08/01/2026

PISTANG NAZARENO 2026
Ikatlong Araw ng Banal na Triduo | Visperas Mayores
π‡π„π€π‹πˆππ† πŒπ€π’π’ | Enero 08, 2026
Halina at makiisa sa ikatlong araw ng Banal na Triduo sa karangalan ng ating Mahal na Patron Poong Jesus Nazareno.
Ito ay pangungunahan ni Rdo. P. Dennis I. Estrella sa ganap na ika-6:00 ng gabi.

Address

Luis Tongco Street , Barangka
Baliuag
3006

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 7pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno - Barangka, Baliwag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Bisita ng Mahal na Poong Jesus Nazareno - Barangka, Baliwag:

Share