Sagrada Familia Sub Parish Church - Matangtubig

Sagrada Familia Sub Parish Church - Matangtubig Bisita ng Banal na Pamilya - Matangtubig, Baliuag, Bulacan 3006

05/09/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon |Septyembre 6, 2026| 6:30 N.U.

Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)



PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

30/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon|Agosto 30, 2026| 6:30 N.G.
Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)


PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

DCY Cross: Tanda ng responsibilidad ng Bikarya ng San AgustinDinala ang Diocesan Commision on Youth (DCY) Cross at ang i...
23/08/2026

DCY Cross: Tanda ng responsibilidad ng Bikarya ng San Agustin

Dinala ang Diocesan Commision on Youth (DCY) Cross at ang imahen ni San Pedro Calungsod, patron ng mga kabataang Pilipino, sa Parokya ni Nuestra Señora Delas Flores, ngayong ika-23 ng Agosto, ika-21 linggo sa karaniwang panahon.

Magmula sa Parokya ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Makinabang, dinala ang mga imahen kasama ang Lupon ng Kabataan ng parokya ng Makinabang, at buong pusong sinalubong naman ng ating parokya at ng imahen ni Nuestra Señora De Las Flores

Matapos ang prusisyon ng pagsalubong. Ginanap ang Youth Mass kung saan hinimok ni Reb. Padre Gino Carlo B. Herrera ang mga kabataan na mas pag-alabin ang paglilingkod sa gitna ng mga kaguluhan sa mundo kung saan sangkot ang mga kabataan.

Ang DCY Cross at ang imahen ni San Pedro Calungsod ay tanda at hudyat ng nakaatang na responsibilidad sa Bikarya ng San Agustin bilang tigapagdaos o host ng taunang Diocesan Youth Day (DYD), na gaganapin sa ika-30 ng Nobyembre, 2026. Matatandaang ang Bikarya ng Plaridel ang huling naging tigapagdaos ng DYD 2025.

Mamamalagi ang mga imahen hanggang sa ika-30 ng Nobyembre sa ating parokya, at iikot sa mga nasasakupang bisita bago ito tuluyang lumipat sa Parokya ng Inmaculada Concepcion, Baliwag, Bulacan at iikot pa sa lahat ng parokya na sakop ng Bikarya ng San Agustin.

22/08/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon |Agosto 23, 2026| 6:30 N.U.

Like/Follow our official page:Nuestra Señora De Las Flores Parish (Baliwag, Bulacan)



PAALALA: Ang online na panonood ng Banal na Misa ay hindi dapat maging kapalit ng aktuwal na pagdalo sa simbahan. Hinihikayat pa rin ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa nang personal sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa kani-kanilang parokya. Ang livestream ay inilaan para sa mga may karamdaman, mga hindi makalabas ng tahanan, mga nasa malalayong lugar, at mga OFW na walang pagkakataong makadalo sa Misa.

𝐥𝐚𝐤𝐁𝐚𝐲𝐋𝐢𝐰𝐚𝐠: 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐃𝐂𝐘 𝐂𝐫𝐨𝐬𝐬 𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐤𝐚𝐫𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐠Halina at ating salubungin at ...
22/08/2026

𝐥𝐚𝐤𝐁𝐚𝐲𝐋𝐢𝐰𝐚𝐠: 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐃𝐂𝐘 𝐂𝐫𝐨𝐬𝐬 𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐤𝐚𝐫𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐠

Halina at ating salubungin at samahan ang pagdalaw ng Banal na Krus at ng ating Patron ng Kabataan sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario Makinabang, Lungsod ng Baliuag, Bulacan, mula ika-23 ng Agosto 2026 hanggang ika-30 ng Agosto 2026.

Dalhin ang inyong mga kahilingan, panalangin, at pasasalamat bilang pakikiisa sa banal na paglalakbay na ito at Nawa'y maging daan ang espiritwal na paglalakbay na ito upang patuloy nating maisabuhay ang ebanghelyo at ang ehemplo ng kabanalan ni San Pedro Calungsod.

PAANYAYAMalugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating 3rd Parish Pilgrimage na gaganapin sa Setyembre 26,...
18/08/2026

PAANYAYA

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating 3rd Parish Pilgrimage na gaganapin sa Setyembre 26, 2026 sa lalawigan ng Batangas. Patuloy pa rin po ang ating pagpaparehistro para sa mga nagnanais na maging bahagi ng makabuluhang paglalakbay na ito ng pananampalataya.

Mga Simbahang Bibisitahin:
• Minor Basilica and Parish of St. Martin of Tours – Taal, Batangas
• Archdiocesan Shrine of Our Lady of Caysasay – Taal, Batangas
• Minor Basilica and Parish of the Immaculate Conception – Batangas City
• Monte Maria International Pilgrimage and Conference Center
• National Shrine and Parish of Saint Padre Pio – Sto. Tomas, Batangas

Halaga ng Pilgrimage: ₱1,700.00

Kasama na sa registration ang:
• Parish Official Shirt
• Tote Bag
• I.D. with Lace
• Prayer Booklet
• Ballpen
• Rosary

Ang huling araw ng pagpaparehistro at pagbabayad ay sa Setyembre 15, 2026.

Inaanyayahan namin ang bawat isa na maging bahagi ng paglalakbay na ito bilang isang pagkakataon upang higit na mapalalim ang ating pananampalataya at debosyon.

Halina at makiisa sa LAKBAY-DASAL 2026.

Maraming salamat po.




𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐅𝐑. 𝐆𝐈𝐍𝐎! Taos-puso po ang pagbati ng buong pamayanan ng Nuestra Señora de las Flores Parish kay Re...
12/08/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐅𝐑. 𝐆𝐈𝐍𝐎!

Taos-puso po ang pagbati ng buong pamayanan ng Nuestra Señora de las Flores Parish kay Rev. Fr. Gino Carlo B. Herrera, ating Kura Paroko, sa kanyang kaarawan ngayong araw!

Maraming salamat po, Fr. Gino, sa inyong walang sawang paglilingkod, paggabay, at pagmamahal sa ating parokya. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya upang patuloy ninyong magampanan ang inyong misyon bilang pastol ng ating pamayanan.

Nawa’y maging puno ng saya, pagpapala, at pagmamahal ang inyong espesyal na araw. Patuloy nawa kayong gabayan at ingatan ng ating Panginoon, at lagi kayong ilapit sa puso ng ating Mahal na Patrona, Nuestra Señora de las Flores.

Maligayang Kaarawan, Fr. Gino!
Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod!



Address

Camia Street
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagrada Familia Sub Parish Church - Matangtubig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sagrada Familia Sub Parish Church - Matangtubig:

Shortcuts

Share