30/07/2026
ππππππππππ ππ ππππ βοΈ
"A shepherd's voice may fall silent, but the faith he nurtured echoes in the hearts of those he served."
Sa puso ng bawat mananampalataya ng Nuestra SeΓ±ora de las Flores Parish, mananatiling buhay ang alaala ng iyong tapat at masigasig na paglilingkod, Rev. Fr. Hamilton Cruz.
Maraming salamat, Father, sa iyong kababaang-loob at pagiging malapit sa bawat isa. Hindi lamang bilang pari, kundi bilang isang tunay na pastol na marunong makinig, umunawa, at makisama. Ang iyong mga homiliya ay nagbigay-liwanag sa aming pananampalataya, malalim, makahulugan, at tumatagos sa puso. Sa bawat Misa, lalo na sa mga Misa Cantada, nadarama namin ang iyong pagmamahal sa Banal na Liturhiya. Ang iyong pananalangin at pag-awit ay naging paanyaya sa aming lahat upang higit pang makiisa at magpuri sa Diyos.
Marami kang iniwang alaala, inspirasyon, at pananampalatayang patuloy naming dadalhin sa aming mga puso. Salamat sa iyong buhay na naging saksi ng paglilingkod at pagmamahal kay Kristo at sa Kanyang Simbahan.
Dalangin namin na yakapin ka nawa ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kaharian.
Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May he rest in peace. Amen. ποΈ