Cofradia de San Agustin de Baliuag

Cofradia de San Agustin de Baliuag Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cofradia de San Agustin de Baliuag, Religious organisation, Diocesan Shrine and Parish of Saint Augustine, Baliuag.

21/08/2026

Nagsimula na po ang Augustinian Color Fun Run 2026 na may temang:

“Hakbang ng Misyon, Alab, at Debosyon”

20/08/2026
20/08/2026

Agosto 21, 2026 | Biyernes
IKATLONG ARAW NG NOBENA

8:00 n.u. :: WALANG KUPAS
(Programa para sa Senior Citizens)
Parish Gazebo

4:00 n.h. :: ROSARIO CANTADA at
Nobena sa Mahal na Patrong San Agustin

5:30 n.h. :: PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Tagapagdiwang:
LUB. KGG. HERMAN GUINTO ABCDE, RCJ, D.D.
Obispo ng Daet

20/08/2026

MITRA
Kasuotan ng Dangal

Ang mitra ay nakasanayan na nating makitang kasuotang pang-ulo ng mga obispo at Santo Papa. Isinusuot sa mga prusisyon, sa pangangaral at sa mga pagbabasbas. Ang pangkaraniwang hugis nito’y animo’y isang simbahan. Sagisag nito ang dangal ng orden at kapangyarihan upang mamuno. Idalangin natin ang ating Santo Papa Leon XIV at lahat ng mga Obispo upang sila ay mapuspos ng Espiritu ng karunungang magpasya at tibay ng kalooban, ng Espiritu ng kaalaman at pagpipitagan. Nawa’y maging matapat silang tagapagturo ng dapat sampalatayanan at lingkod na maasahan ng Sambayanan.

San Agustin, dangal ng Ordeng Agustino at marangal na tagapagtanggol ng Simbahan, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

SINGSING EPISCOPAL
Singsing ng katapatan

Ang Singsing Episcopal ay tanda ng matalik na ugnayan ng Obispo sa diyosesis na kanyang pinangangasiwaan. Ito rin ay sumasalamin sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Kristo sa kanyang Simbahan. Ito nawa ay maging paalala ng ating kahandaang pahalagahan ang Pamilyang Kristiyano at ipaglaban ang kasagraduhan nito lalo’t higit ang buhay ng tao.

Alalahanin natin ang mga pamilya na hindi nagkakasundo, ang mga anak na lumilimot sa magulang at mga taong hindi nagpapahalaga sa buhay. Nawa’y sa tulong ng ating Patrong San Agustin sila ay maging matibay sa pagmamahalan, katapatan at pagmamalasakit.

San Agustin, bantog na tagapagtanggol laban sa kaaway ng simbahan, Tagapangalaga ng Pamilya at ng buhay ng tao, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

PABANGO
Halimuyak ng Kabanalan

Maraming mga pagkakataon sa kasaysayan ng simbahan na ang isang taong banal matapos ang kanyang paglalakbay sa daigdig ay hindi nakararanas ng pagkabulok o pagkaagnas ng katawan, Sa halip ay naglalabas ito ng mabangong samyo na iniuugnay sa pagiging banal nito hanggang sa kamatayan. Pinababanguhan natin ngayon ang imahen ni San Agustin upang tayo ay maakit sa halimuyak ng kabanalan.

Ipanalangin natin ang ating mga kaparokyang nagsisikap na mamuhay sa samyo ng kabanalan upang maihanda sila nito sa kanilang pagkakamit ng gantipalang kaligtasan.

San Agustin, maningning na salamin ng kabanalan, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

BAKULO
Tungkod ng Tungkulin

Ang baculo ay tanda ng kapangyarihan at pamamahala ng isang obispo sa kanyang pagganap sa banal na tungkulin. Sa ebanghelyo pinapaalala sa atin na ang Mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang sarili para sa kanyang kawan.

Nagpapaalala ito sa lahat na ang kapangyarihan ay hindi dapat samantalahin para sa pansariling kapakanan bagkus ay hamon para sa paghahandog ng sarili para sa kapwa.

Idalangin natin ang mga namumuno sa pamahalaan, mga samahan at kilusang pangsimbahan upang sa pamamagitan ng baculo ni San Agustin ay maakay sila sa tama at patas na pamumuno.

San Agustin, gabay sa pamamatnugot ng buhay paglilingkod, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

KRUS PECTORAL
Krus ng Pag-ibig at Pagtalima sa Kalooban ng Diyos

Ang Krus ay simbolo ng pagsunod ni Hesus na nagpakasakit at namatay upang sundin ang kalooban ng Ama. Sa kanyang pagtalimang ito, nailarawan ang pinakadakilang pagpapamalas ng pag-ibig.

Ito ay paanyaya sa lahat na matuto sa aral ng pag-ibig, kababaang-loob at pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Ating alalahanin ang mga relihiyoso at relihiyosa mula sa ating Parokya at ang lahat ng mga taong nagdaranas ng krus sa buhay dulot ng pagsunod kay Hesus.

San Agustin, na ang puso ay pinag-aalab ng apoy ng pag-ibig ng Diyos, mapagkumbaba at maawaing ama, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

KAPA
Yakap sa mga dukha

Ang pagsusuot ng kapa sa liturhiya ay tanda ng pagkamaringal ng isinasagawang mga pagdiriwang tulad ng mga prusisyon, pagsamba sa Banal na Sakramento at mga panalangin ng mga kristiyano. Ito ay paalala ng dangal ng bawat pagtitipon na may kaugnayan sa pagsamba.

Ating alalahanin ang tunay na yaman ng Simbahan ang mga dukha at mga taong nilimot ng lipunan. Nawa’y ang kapa ng karangyaan ay maging paalala rin ng yakap natin sa kanila lalo’t higit sa ating mga kababayan na dumaraan sa mga pagsubok at kagipitan.

San Agustin, kaibigan at kaagapay ng mga dukha, ipanalangin mo kami.

20/08/2026

ESTOLA
Atas ng Paglilingkod

Ang estola ay tanda ng kapangyarihan ng orden. Isinusuot ng mga inordenahan sa mga pagdiriwang na liturhikal at sakramental.

Ipinaaalala nito ang tungkuling iniaatang sa balikat ng isang inordenan gayundin ang mga kaakibat na biyayang kakabit nito.

Ating alalahanin ang mga paring anak ng Baliwag, lahat ng mga paring naglingkod sa ating Parokya, gayundin ang mga maysakit at retiradong pari at mga nagmimisyon sa malalayong lugar. Patuloy nawa silang magkaroon ng bagong bugso ng pananalig at kabanalan, maging maalam at masigasig lalo na sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos at pagdiriwang ng mga Sakramento.

San Agustin, masigasig na tagapagpahayag ng Salita ng Diyos at natatanging tagapagpaliwanag ng Banal na Kasulatan, ipanalangin mo kami.

Address

Diocesan Shrine And Parish Of Saint Augustine
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cofradia de San Agustin de Baliuag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share