Parish Ministry On Health- SLOP

Parish Ministry On Health- SLOP San Luis Obispo Parish- Ministry on Health is a NON- GOVERNMENT ORGANIZATION under the SAN LUIS OBISPO PARISH Baler, Aurora

SUMAKSES NA NAMAN TAYO MGA KA-PAROKYA!✨Libreng Tuli 2025 – San Luis Obispo Parish Outreach ProgramHunyo 3, 2025 | SLOP H...
03/06/2025

SUMAKSES NA NAMAN TAYO MGA KA-PAROKYA!✨
Libreng Tuli 2025 – San Luis Obispo Parish Outreach Program
Hunyo 3, 2025 | SLOP Hall, Brgy. 4, Baler, Aurora

Isang matagumpay na araw na naman ng paglilingkod at malasakit sa komunidad ang ating nairaos sa pamamagitan ng Libreng Tuli 2025 sa ilalim ng San Luis Obispo Parish – Ministry on Health!

Lubos ang pasasalamat ng buong parokya sa lahat ng bumuo at tumulong sa tagumpay ng outreach program na ito. Maraming salamat sa ating mga masisipag na doktor, nars, MSK workers, BFP personnel, at higit sa lahat, sa ating mga dedikadong VOLUNTEERS na buong puso at ngiti ang inialay ang kanilang oras at kakayahan para sa ating mga kabataan.

Isang espesyal na pasasalamat din sa bagong halal na SB Councilor Aris Angara Egargue sa kanyang walang sawang suporta at pagkalinga sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan. Ang kanyang presensiya at pagtustos sa programang ito ay patunay ng kanyang tunay na malasakit sa sambayanan.

Ang pagkakaisang ito ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa ating parokya. Salamat sa Diyos sa isang ligtas, maayos, at makabuluhang programa!

Padayon, mga Ka-Parokya! Sama-sama nating ipagpatuloy ang misyon ng paglilingkod at pag-asa sa bawat tahanan!

📍 San Luis Obispo Parish – Ministry on Health
📅 Hunyo 3, 2025 | Martes | 8:00 AM
📌 SLOP Hall, Brgy. 4, Baler, Aurora

🔔 LIBRENG TULI 2025: NGAYON NA ANG TAMANG PANAHON! 🔔Inaanyayahan ang lahat ng kalalakihang may edad 10 taong gulang pata...
26/05/2025

🔔 LIBRENG TULI 2025: NGAYON NA ANG TAMANG PANAHON! 🔔

Inaanyayahan ang lahat ng kalalakihang may edad 10 taong gulang pataas na makiisa sa taunang Libreng Tuli ng San Luis Obispo Parish – Ministry on Health, na gaganapin sa:

📅 Hunyo 3, 2025
📍 SLOP – Function Hall
🕘 Magsadya nang maaga para sa maayos na proseso at preparasyon!

Ang programang ito ay handog ng ating parokya upang masiguro ang kalinisan, kalusugan, at tamang pangangalaga sa mga kabataang Pilipino sa panahong sila’y tumatahak sa pagbibinata. Hindi lang ito serbisyong medikal—ito ay isang panimulang hakbang sa pagiging responsable, malinis, at matapang na kabataan.

Bakit ka dapat sumali?
✔️ LIBRE at abot-kamay!
✔️ Isinasagawa ng mga lisensyado at bihasang medical team
✔️ May gabay mula sa ating masisipag na parish volunteers
✔️ Ligtas, malinis, at may kasamang dasal at pag-aaruga
✔️ Isang tradisyong may halaga sa kalusugan at kultura ng bawat kabataang Pilipino

📌 MAGPALISTA NA AGAD SA INYONG MGA MSK LEADERS!
Upang maisama sa listahan ng kalahok at mapaghandaan nang maayos ang inyong partisipasyon.

🎒 Pakitandaan: kailangang samahan ng magulang ang batang tutulihin.

📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa opisina ng parokya o sa inyong MSK Leader.


💉👦 HANDANG-HANDA KA NA BANG SUMAKSES? 👦💉Ngayong Hunyo, muling magbabalik ang inaabangan ng mga kabataang lalaki sa ating...
24/05/2025

💉👦 HANDANG-HANDA KA NA BANG SUMAKSES? 👦💉
Ngayong Hunyo, muling magbabalik ang inaabangan ng mga kabataang lalaki sa ating parokya—ang Operation TULIhan ng San Luis Obispo Parish Ministry on Health! 🏥💙

📢 Para sa mga batang lalaki na nais sumailalim sa ligtas, maayos, at may pagkalingang tuli, ito na ang inyong pagkakataon! Kasama ang ating mga propesyonal at boluntaryong medical team, tiyak na mapapawi ang kaba at mapapalitan ito ng tapang at ngiti. 😷💪

🎉 Bukod sa serbisyo medikal, asahan din ang masayang samahan, libreng gamit pang-medikal, at ang pagiging bahagi ng isang makabuluhang tradisyon at serbisyong pampamayanan.

🗓️ ABANGAN ngayong HUNYO ang mga detalye ng registration at schedule
📲 Stay tuned sa aming official page para sa mga anunsyo!


11/11/2024
27/10/2024

𝐎𝐍𝐋𝐈𝐍𝐄 𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐟𝐨𝐫 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒
"Pagsama-sama nating ipanalangin ang ating mga mahal sa buhay ngayong Undas 2024. Ipadala ang inyong mga intensiyon para sa misa sa pamamagitan ng online na form. Simple at madali lang, mag-scan ng QR code o pindutin ang link sa ibaba. Sama-sama tayong magdasal para sa kanilang kapayapaan."

Instructions:

1. 𝐌𝐚𝐠-𝐬𝐜𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐑 𝐂𝐨𝐝𝐞: Gamit ang inyong smartphone, buksan ang camera o QR code scanner app at i-scan ang QR code na makikita sa poster. Ito ay magdadala sa inyo sa Google Form para sa mass intentions.

2. 𝐏𝐢𝐧𝐝𝐮𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐤: Kung mas gusto ninyong mag-click sa link na ito, https://forms.gle/pVq8NvYtHG5vJqN86 Pindutin lang ang link at awtomatikong dadalhin kayo sa online form.

3. 𝐏𝐮𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐨𝐫𝐦: Sagutan ang Google Form sa pamamagitan ng paglagay ng pangalan ng mga mahal sa buhay na nais ninyong ipanalangin, at iba pang kinakailangang detalye. Maaari rin kayong maglagay ng personal na mensahe o intensyon para sa misa.

4. 𝐈-𝐬𝐮𝐛𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬:: Kapag kumpleto na ang form, pindutin ang 'Submit'. Makakatanggap kayo ng kumpirmasyon na natanggap na ang inyong intensyon para sa misa.

5. 𝐈𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐚𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐥𝐢𝐩 sa ating page messenger o sa ating email address 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒂𝒏𝒍𝒖𝒊𝒔𝒐𝒃𝒊𝒔𝒑𝒐𝒑𝒂𝒓𝒊𝒔𝒉@𝒈𝒎𝒂𝒊𝒍.𝒄𝒐𝒎 para sa maayos na prosesyo

Para sa karagdagang katanungan, mag-message lamang sa amin sa ating official page.




05/10/2024

𝐓𝐀𝐑𝐀, 𝐒𝐈𝐌𝐁𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎! 𝐡𝐢𝐡𝐢𝐧𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐡𝐚!
Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

Bilang mga Mapanagutang Kristiyano, Inaanyayaan tayo na sama-samang Pasalamatan at Papurihan ang Panginoong Diyos Ngayong araw ng Linggo Oktubre 06, 2024

𝑵𝒂𝒓𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑶𝒓𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝒎𝒊𝒔𝒂:
𝟔:𝟎𝟎 𝐀𝐌- Parokya
𝟔:𝟎𝟎 𝐀𝐌- MSK Reserva
𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌- Parokya
𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌- MSK Calabuanan
𝟏𝟎:𝟎𝟎 𝐀𝐌- Parokya ( English Mass)

𝟒:𝟎𝟎 𝐏𝐌- Parokya
𝟔:𝟎𝟎 𝐏𝐌- Parokya

Maraming salamat at magkita-kita po tayong lahat!

Layout: John Gabriel Santos




20/09/2024

20 September 2024

🗓 350 araw bago ang ika-75 taon ng Prelatura ng Infanta!

75 Taon ng Prelatura ng Infanta (1950-2025)
PASASALAMAT SA DIYOS NA ATING KAPILING AT KASAMA

Sa ating ika-75 taon, ipagdiwang natin ang patuloy na pagkilos ng Diyos sa ating mga buhay at misyon. Sama-sama nating palalimin ang ating pasasalamat, pananampalataya, at paglilingkod, bilang isang sambayanan na naglalakbay at kumikilos kasama ang Diyos.

The country will be celebrating the annual National Nutrition Month or “Buwan ng Nutrisyon” this coming July. Hence, the...
01/07/2024

The country will be celebrating the annual National Nutrition Month or “Buwan ng Nutrisyon” this coming July. Hence, the National Nutrition Council (NNC) has announced that the theme for this year’s celebration is “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!” (“Through PPAN, let’s collaborate on nutrition security for all!“). The NNC is celebrating its 50th foundation anniversary this 2024.

caption from: https://www.filipinoscribe.com/2024/06/05/nutrition-month-theme-2024/

Today June 30, 2024 our Volunteers received a CERTIFICATE of APPRICIATION from San Luis Obispo Parish Baler, Aurora led ...
30/06/2024

Today June 30, 2024 our Volunteers received a CERTIFICATE of APPRICIATION from San Luis Obispo Parish Baler, Aurora led by our Parish priest, Fr. Isarael Gabriel during the 6 am mass for their valuable efforts to our successful Circumcision drive 2024.

LOOK | the total number of beneficiaries to our PAROCHIAL FREE CIRCUMCISION DRIVE 2024
30/06/2024

LOOK | the total number of beneficiaries to our PAROCHIAL FREE CIRCUMCISION DRIVE 2024

Maraming Salamat, Brgy. Zabali
28/06/2024

Maraming Salamat, Brgy. Zabali

27/06/2024

Address

Rizal Street Corner San Luis Street
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Ministry On Health- SLOP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share