29/04/2026
Habang may buhay pa tayo, may reason pa rin tayo para papurihan ang Panginoon!
Dati, simpleng churchgoer lang ako papasok sa church, uupo, makikinig, tapos uuwi. š
Isa ka rin bang ganito? Baka para po sa iyo itong message na ito.š
Nagsimula akong magpagamit sa Panginoon noong inaya ako ni Ate Jas umawit. Mahiyain, walang tiwala sa sarili at pinangungunahan nang kaba, hanggang sa heto ako ngayon, nagtuturo na nang choir at ginagamit sa ibat-ibang ministry. Iba pala yung saya kapag hindi ka lang nakikinig kundi naglilingkod at nagpupuri ka rin sa Panginoon na may kasamang gawa.
Noong pandemic nagkaroon nang E-Camp doon ko narealize na ang praise ay hindi lang pala tungkol sa pagkanta o pagbigkas ng words, kundi yung buong buhay mong iniaalay sa Kanya ang lahat. Marami akong binitawan sa Panginoon; kaibigan, pangsarili kong kasiyahan at oras pero wala nang bawian. Sabi nga sa kanta "I have decided to follow Jesus, no turning back, no turning back."
Kapag nakikita natin kung gaano kabuti at katapat ang Diyos sa ating buhay kusa talaga tayong mapapapuri sa Kanya. Doon natin maiintindihang magkakaugnay ang love, praise at service. Opo, hindi ito pwedeng paghiwalayin.
Church, yung tunay na pagpupuri ay hindi lang sa pagkanta o pag-awit tuwing Sunday kundi ito ay isang lifestyle. Yes, mahirap sa simula pero kapag naging routine na natin ito magiging madali nalang ito sa atin.
Godbless us allš
Words by: Sis. Rachel Sapicoš«¶