12/05/2026
COVER-UP O REBELASYON? (Walang Lihim na Di Mabubunyag!) 🏛️💰
Akala nyo ba “Cover-up” lang sa Senado ang uso? Noon pa man, may “Confidential Funds” na para itago ang katotohanan! Pero spoiler alert: Kahit gaano kalaki ang suhol, ang katotohanan, laging lumalabas!
THE BIBLICAL SCANDAL:
Balik tayo sa Mateo 28. Nabuhay na muli si Jesus, pero ang mga punong saserdote? Nag-panic! Sinuhulan nila ang mga sundalo ng 'malaking halaga ng salapi' para lang mag-sinungaling. Sabi nila, “Sabihin nyo ninakaw lang ang bangkay habang tulog kayo.” In short, binayaran ang mga witnesses para mag-fake news!
THE SENATE CONNECTION:
Parang sa Senado lang, ‘di ba? Palit Senate President, vacate ang mga positions, pati Blue Ribbon Committee—yung dating tagapag-bantay, parang naging tagapag-takip sa Flood Control scandal! Akala nila, kapag binago ang line-up o itinago ang ulat, matatabunan na ang nakawan. Pero mga kapatid, walang pinondohang cover-up ang hindi nabubunyag!
Sabi ni Lord sa Lucas 8:17, “Walang natatago na di malalantad.” Yung perang pampataba sa bulsa mula sa Flood Control, lalabas at lalabas 'yan kapag bumaha na ng ebidensya. Kahit pa protektahan sila ng mga “Gobernador” o makapangyarihan, ang Diyos na ang mag-uungkat niyan!
Wag maging alipin ng suhol, maging saksi ng katotohanan.
Be a Whistleblower! Gising mga Kapatid na Matino at Mahusay!