24/05/2026
█▓▒▒░░░HALINA'T MAGBALIK TANAW!░░░▒▒▓█
Balikan natin ang
9𝒕𝒉 𝑨𝒏𝒏𝒖𝒂𝒍 𝑨𝒓𝒄𝒉𝒅𝒊𝒐𝒄𝒆𝒔𝒂𝒏 𝑻𝒂𝒓𝒄𝒊𝒔𝒊𝒂𝒏 𝑽𝒊𝒈𝒊𝒍
na may temang
“𝙀𝙪𝙘𝙝𝙖𝙧𝙞𝙨𝙩𝙞𝙘 𝘿𝙚𝙫𝙤𝙩𝙞𝙤𝙣: 𝘿𝙚𝙨𝙩𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙋𝙞𝙡𝙜𝙧𝙞𝙢𝙨 𝙤𝙛 𝙃𝙤𝙥𝙚”.
Ang nasabing pagtitipon ay naganap noong ika-23 ng Agosto, taong 2025, sa Nuestra Señora de la Merced Parish, Taysan, Batangas, na dinaluhan ng Adorador Tarcisiano, mga kabataan, at mga tagapagtaguyod ng pagsamba sa Santisimo Sakramento mula sa iba't ibang parokya ng Arsidiyosesis ng Lipa at sa mga karatig probinsya.
Mapapansin na ang Kasantusantuhang Sakripisyo ng Misa sa “Forma Ordinaria” ay inialay sa wikang Latin, ang opisyal na wika ng Simbahan, at isinagawa Ad Orientem ("Nakaharap sa Silangan," na minsan ding tinatawag na Ad Deum o Nakaharap sa Diyos—kung saan ang pari at mga sumasamba ay nasa iisang direksyon na nakaharap sa Tabernakulo). Pinangunahan ito ni 𝙍𝙙. 𝙋𝙙. 𝙈𝙞𝙠𝙝𝙖𝙞𝙡 𝙎𝙖𝙣𝙙𝙤𝙫𝙖𝙡, direktor ng mga Lipa Archdiocesan Tarcisian Council. Kasama rin ang Kura Paroko, 𝙍𝙙. 𝙋𝙙. 𝙊𝙨𝙘𝙖𝙧 𝙇𝙖𝙧𝙧𝙮 𝙁𝙖𝙢𝙖𝙧𝙞𝙣, sampu ng mga pari at diakono mula sa MSP.
Kabilang sa pagtitibong ito, inireenact din ang Corpus Christi Festival na nakaugalian sa Taysan, Batangas. Kung saan iniikot ang Santisimo Sakramento sa buong bayan.
Nagbigay din ng pananalita si 𝙍𝙙. 𝙋𝙙. 𝙅𝙤𝙝𝙣 𝘽𝙚𝙧𝙘𝙝𝙢𝙖𝙣𝙨 𝙊𝙍𝘾, sa pamamagitan ng kanyang mga salita, ipinapaalala sa atin ang dakilang biyaya ng Eukaristiya at ang ating banal na tungkulin bilang mga Tarcisiano. Nawa’y ang sandaling ito ang maglapit sa atin kay Kristo at magsilbing inspirasyon upang mamuhay tayo nang may katulad na debosyong ipinamalas nina San Tarcisio at San Carlo Acutis, sa patnubay ng karunungan ni San Papa Pio X.
Adoretvr Dominvm- In Aeternvm!
Kaya naman muli tayong magsama-sama sa 10th Annual Archdiocesan Vigil na gaganapin sa San Roque Parish, Lemery, Batangas!
Tarcisian Adorers PH
#