01/05/2026
Hindi lahat kilala si Rehoboam—anak ni Solomon at hari ng Judah. Pero ang buhay niya ay salamin ng maraming “on-off” na faith ngayon.
Sa simula, maayos siya. 2 Chronicles 11:17 — “For three years they walked in the way of David and Solomon.”
👉 May good start. May direction. May alignment sa Diyos.
Pero nagbago. 2 Chronicles 12:1 — “he forsook the law of the LORD.”
👉 Iniwan niya ang utos ng Diyos nang naging stable na siya. Familiar? Kaya na. Malakas na. May power na.
Nung dumating ang crisis, saka siya nagpakumbaba.
2 Chronicles 12:6 — “The LORD is righteous.”
👉 Umamin siya. Nag-humble. Pero take note—reaction lang sa problema.
Ito ang pinaka-diagnosis:
2 Chronicles 12:14 — “He did evil, because he did not set his heart to seek the LORD.”
👉 Hindi issue na hindi niya kilala ang Diyos.
👉 Ang issue: hindi niya sinet ang puso niya para hanapin ang Diyos consistently.
Reality check:
Maraming ganito ngayon—
• Malakas sa umpisa
• Active sa church
• Pero pag okay na ang buhay → nawawala na na ang Diyos sa daily life.
Faith becomes situational, not foundational.
Si Rehoboam? Hindi totally rebel, pero hindi rin committed.
May Diyos siya sa isip—pero wala sa sentro ng puso.
Hindi sapat na “naniniwala ka.” Ang tanong—naka-set ba ang puso mo hanapin ang Diyos araw-araw?
Thank you for following. Tara!