25/05/2026
Breakthrough Faithfulness that Endures
2 Mga Cronica 16:9 ASND
[9] Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa kanya.
NAGHAHANAP ANG DIYOS NG MGA TAPAT
Paano tingnan ng Diyos ang mga tapat sa Kaniya?
I. Nakatingin Ang Diyos Upang IPARANAS Ang kaniyang kapangyarihang
A. Si Daniel
Daniel 6:22
“Sinugo ng aking Diyos ang kaniyang anghel, at kaniyang itinikom ang mga bibig ng mga leon…”
B. Si Shadrach, Meshach, at Abednego.
Daniel 3:25
“Narito, nakikita kong apat na lalake na walang gapos, na nagsisilakad sa gitna ng apoy…”
II.Nakatingin Ang Diyos dahil Hindi NIYA PABABAYAAN ANG MGA TAPAT
“Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan…” Awit 37:25
May tamang panahon ang Diyos:
para sa breakthrough, kagalingan,restoration, at tagumpay.
III. ANG TUNAY NA KATAPATAN AY NASUSUBOK
MGA PAGSUBOK SA KATAPATAN
Santiago 1:2-4 MBB05
[2] Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. [3] Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. [4] At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
A. Madaling maging tapat kapag:
-maayos ang buhay,
-maraming pagpapala,
- at walang problema.
B. Ngunit ang tunay na katapatan ay nasusubok:
-sa hirap,
-sa paghihintay,
-sa tukso,
-at sa panahon ng sakit at pagluha..
1. PAGSUBOK NG KAHIRAPAN AT KAKULANGAN
STORY: JOB.
Sa gitna ng lahat, nanatili siyang tapat.
Job 1:21
“Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.”
Aral: Nasusubok ang katapatan kapag Hindi na komportable sa buhay.
Filipos 4:12-13
“Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana… Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”
2. PAGSUBOK NG PAGHIHINTAY
STORY: ABRAHAM AT SARA.
Ngunit nanatili silang umaasa sa Diyos
Roma 4:20-21
“Hindi nagalinlangan sa pangako ng Diyos… lubos na naniniwalang ang ipinangako niya ay may kapangyarihang kaniyang gawin.”
Aral:Minsan sinusubok ang katapatan sa tagal ng sagot ng Diyos.
3. PAGSUBOK NG TUKSO
STORYA ni JOSE.
Pero pinili niyang maging tapat sa Diyos.
Genesis 39:9
“Paanong magagawa ko nga ang malaking kasamaan na ito, at magkasala laban sa Diyos?”
Aral: Ang tunay na katapatan ay ginagawa kahit walang nakakakita.
1 Corinto 10:13
[13] Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.
4. PAGSUBOK NG PAG-UUSIG AT PANANAKOT
DANIEL
Daniel 6:10
“Lumuhod siya sa kaniyang mga tuhod na makaitlo isang araw, at nanalangin".
Note:Ang katapatan ay nasusubok kapag may kapalit na panganib.
5. Pagsubok Ng Kayamanan
-Pagtitiwala sa kayamanan
Mayamang Hangal Lukas 12: 20
Kawikaan 11:20
Ang nagtitiwala sa kayamanan ay mabubuwal
2. Kapag inagaw Ng Kayamanan Ang inyong puso
Mateo 6:21 kung saan naroon Ang inyong kayamanan ay naaroon din Ang inyong puso
Ang tunay na tapat sa Diyos ay di nakakapit sa Kayamanan kundi sa Diyos n a nagbibigay Ng kayaman
CONCLUSION
Galacia 6:9
“At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisiani tayo, kung tayo'y hindi manganghihimagod.”.
All Glory to God