Ignite Youth for Christ

Ignite Youth for Christ Until I come devote yourself to the public reading of Scripture to preaching and to teaching

1 Timothy 4:12-13
Dont let anyone look down on you because you are young but set an example for the believers in speech in conduct in love in faith and in purity.

Sa awa at dakilang tulong ng Makapangyarihang Diyos, matagumpay naming naipagdiwamg ang Balangiga 2nd Local Youth Camp n...
24/05/2026

Sa awa at dakilang tulong ng Makapangyarihang Diyos, matagumpay naming naipagdiwamg ang Balangiga 2nd Local Youth Camp na ginanap noong May 14–16, 2026. Tunay na mabuti ang Panginoon sapagkat sa kabila ng mga pagsubok at kakulangan, lalo na sa aspetong pinansyal, hindi Niya kami pinabayaan. Noong una ay tila napakalabo kung paano ito maisasakatuparan, ngunit sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya at ng mga taong Kaniyang ginamit, naging posible ang lahat.

Lubos at taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga kapatid at mga taong nagpaabot ng tulong pinansyal upang maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong kusang pagtulong, pagmamalasakit, at pakikiisa ay naging malaking bahagi upang maging matagumpay ang youth camp na ito. Nawa’y ang Diyos na nakakakita ng lahat ng inyong kabutihan ang Siyang magbalik ng masaganang pagpapala sa inyong buhay at sambahayan.

Nagpapasalamat din po kami sa LGU Balangiga para sa paglalaan ng tents at transportation para sa second day camp venue sa Barangay Guinmaayohan. Gayundin sa lahat ng mga nanay at mga kapatid na nagpuyat at nagpagal sa pagluluto at paghahanda ng mga pangangailangan, ang inyong pagod at sakripisyo ay hindi makakaligtaan ng Panginoon.

Maraming salamat din sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa banal na gawaing ito. Higit sa lahat, nagpapasalamat kami sa Diyos sapagkat naging mabunga ang youth camp na ito at ilan sa ating mga naimbitahan ay nagpapatuloy sa pagdalo sa mga araw ng pagsamba.

Sa Diyos lamang ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kapurihan magpakailanman. AMEN🙏

24/05/2026
24/05/2026

Balangiga 2nd Local Youth Camp 2026!

Late upload hehe😁

Salamat Lord sa katagumpayan!

18/05/2026

Napakasayang magpuri sa Panginoon!

Salamat oh Diyos sa iyong kabutihan, at sa katagumpayan ng iyong Gawain!

To God all be the Highest Glory!




Last night of the Camp!May 16, 2026Napakabuti ng Panginoon sa gabing ito, kung saan bawat Kabataan ay nagpahayag o nagla...
18/05/2026

Last night of the Camp!
May 16, 2026

Napakabuti ng Panginoon sa gabing ito, kung saan bawat Kabataan ay nagpahayag o naglabas ng kanya kanyang problema, bigat, at mga suliranin sa Buhay na ito, Isa ito sa mga patotoo ng Kabataan na tunay na kakaiba pagka ang Isang tao ay pinaghaharian ng Diyos...

Marami sa aming inimbita Ang nagbahagi, naluha, nagpasalamat at napuri ang kalwalhatian ng Diyos na sa maikling panahon ay ginamit ang mga kabataan sa lokal ng Balangiga upang maipakilala ang tunay na Diyos at maipakilala ang Iglisyang si Kristo mismo ang nagtayo...

May ilang kabataan din na nagpahayag na naway lubusan nilang makilala Ang Panginoon at walang pagdadalawang isip na kanilang yayakapin Ang turo ng Panginoon at papasok sa kanyang Iglisya...

Sobrang maraming salamat Panginoon sa pagkakataong iyong, ipinahintulot sa iyong mga abang lingkod, naway magpatuloy Ang ganitong mga gawain ng sa gayon mas maraming kabataan na nililigaw nang landas Ang magsilapit sayo!

Tunay na WALANG IMPOSIBLE SAYO!

To God all be the Highest Glory!



Day 2 of our 3-Day Youth Camp in Barangay Guinmaayohan was truly a blessed and unforgettable experience.We are thankful ...
15/05/2026

Day 2 of our 3-Day Youth Camp in Barangay Guinmaayohan was truly a blessed and unforgettable experience.

We are thankful to all the youth and children who joined especially to the Children’s Ministry. We did not expect such a great number of participants, and seeing everyone actively join made our hearts full.

Despite the tiredness, the games and activities were successful and brought so much joy to everyone.

Special thanks to the Barangay Captain of Barangay Guinmaayohan Hon. Kap Israel Fabillar Alvarez for allowing us to use the barangay facilities, to the school principal for letting us hold some activities at the school, and to the LGU Balangiga through the leadership of Mayor Atty. Danna Flench De Lira, for the transportation assistance.

Above all, all glory and thanks to God for making everything possible. ❤️



14/05/2026

Presenting...
Team ABEDNEGO!

14/05/2026

Presenting...
Team SHADRACH

14/05/2026

Presenting!
Team MESHACH

1st Day Camp!Salamat Panginoon sa katagumpayan ng Gawain...To God be all the Glory!
14/05/2026

1st Day Camp!

Salamat Panginoon sa katagumpayan ng Gawain...
To God be all the Glory!

Address

Balangiga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ignite Youth for Christ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share