31/08/2026
TINGNAN | Ginanap ngayon sa opisina ng Diocesan Catechetical Commission ang pulong ng mga Head Catechists.
Layunin ng pulong na ito ay ang mga sumusunod: Una, kumustahin ang mga Katekista sa pangunguna ng mga Heads ng bawat parokya. At pinagbahaginan ang naging pagbisita ng mga Katekista sa mga Paaralan bilang simula ng kanilang pormal na pagtuturo ng Katesismo sa mga bata.
Pangalawa, inilatag at pinag-usapan ang mga gawain at programa para sa mga Katekista.
Pangatlo, tinalakay rin ang mga mas maagang pag-aanyaya sa mga nagnanais maging Katekista. Ang nasabing recruitment ay isasagawa sa darating ng buwan ng Oktubre 2026.