15/05/2025
BILANG PILIPINO | PILI-PINAS 2025
Sa muling pagkakataon, ngayong Mid-term National, and Local Elections sa Bataan muling ipinahayag ng mga mamayan ang kanilang karapatan sa pagpili ng kanilang magiging lider para sa susunod na 3 taon sa pamamagitan ng demokrasiyang nananalaytay sa ating bansa.
Sa pamamagitan din nito ay muling naihalal ang mga lider na muling pinili ng mga Bataeรฑo dahil sa kanilang mga nagawa para sa ekonomiya, pangangalaga sa probinsiya, at mga bagong pangako para sa probinsiya.
Ang proklamasyon na ginawa ng Provincial Board of Canvassers o PBOC ay isinagawa sa Bataan People's Center sa Kapitolyo ng Probinsiya kung saan ganap na pinoroklama ang mga nanalong kandidato matapos maukha o maitransmit ang lahat ng boto mula sa iba't-ibang munisipalidad sa buong lalawigan noong ika-3 ng masaling araw noong Martes, ika-13 ng Mayo, 2025.