22/03/2026
๐๐ฎ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐... ๐๐ช๐ข๐ช๐จ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐ค๐ฎ ๐ข๐ค ๐จ๐ ๐๐ค๐ง๐? ๐ฅ
Dati, ikaw 'yung unang dumarating sa Church. Excited ka pa lagi.
Ikaw 'yung laging may dalang notebook, punong-puno ng notesโ
Ngayon, hindi mo na maalala kung kailan ka huling tumutok sa Word.
Dati, ang init mo mag-pray. Hagulgol pa nga 'pag worship, 'di ba? HAHAHA
Pero bakit ngayon, kahit kanta na pag altar call, parang wala na lang?
Bakit? Anong nangyari sa apoy mo?
Oo, siguro nasaktan ka. May nakasakit sayo. Napagod ka. Nawala ka sa focus.
O baka hindi mo rin napansin, pero unti-unti kang lumamig.
Wala namang biglaang paglayo eh, 'di ba?
Laging pa-konti-konti lang, hanggang sa di mo na namamalayan, malayo ka na pala.
Hanggang sa isang araw, hindi ka na rin masyadong nagpe-pray,
hindi ka na rin excited kay Lord,
at natuto ka nang ngumiti sa harap ng tao kahit ang totoo, wala ka nang gana sa loob.
Pero ngayon, tinatanong ka ni Lord:
"Anak, nasaan ka na?"
Parang sa Genesis 3, nung si Adam at si Eve ay nagtagoโ
hindi dahil hindi alam ni Lord kung nasaan sila,
kundi gusto Niyang sila mismo ang humarap sa Kanya.
Ganun din ngayon.
Alam ni Lord kung nasaan ka. Alam Niya ang dahilan kung bakit nanlamig ka.
Pero gusto Niyang ikaw mismo ang umamin. Ang lumapit sa Kanya.
Gusto Niyang ikaw mismo ang magsabi:
"Lord, andito ako. Pagod. Malamig. Pero gusto ko po ulit lumapit."
Kapatid, this is not to condemn you.
This is a wake-up call. Hindi pwedeng manatili kang malamig.
Balik ka na sa Kanya. Magpagamit ka na ulit sa Lord.
Hindi naman issue kung gaano ka pa kalayo, ang mahalaga lang ay gusto mo pa bang bumalik?
Kasi kung gusto mo, sasamahan ka ni Lord. Hindi Siya magagalit.
Hindi Siya lalayo.
In fact, naghihintay lang Siya sa pagbabalik mo.
Kailangang buhayin at painitin ulit yung apoy mo.
At si Lord, Siya mismo ang magiging apoy mo. Siya mismo ang mag-restore sayo.
So today, 'wag ka nang magtago. Lumapit ka.
Kahit mahina. Kahit pagod ka. Kahit "Lord, sorry" lang ang kaya moโSapat na 'yon para magsimula ulit.
The fire can burn again. You just have to say yes again. ๐ฅ
โCome to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.โ โ Matthew 11:28
Godbless ๐
Words courtesy: Discipleshaped