16/11/2025
𝐈𝐤𝐚-33 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧
𝐒𝐀𝐋𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐆𝐔𝐍𝐀𝐍
Salmo 97, 5-6. 7-8. 9a. 9bk
Poong Hukom ay darating,
taglay katarungan natin.
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀
Lucas 21, 5-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilan sa mga tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”
Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?”
Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesiyas!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian laban sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.
“Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isa