Laudate Chorale Music Ministry-Immaculate Conception Parish

Laudate Chorale Music Ministry-Immaculate Conception Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Laudate Chorale Music Ministry-Immaculate Conception Parish, Religious organisation, Puerto Rivas Ibaba, Balanga.

Feast day of the Immaculate Heart of Mary❤️PANALANGIN NG PAGTATALAGA SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA(Ito ay darasalin ...
12/06/2021

Feast day of the Immaculate Heart of Mary❤️

PANALANGIN NG PAGTATALAGA
SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA
(Ito ay darasalin matapos ang pagdarasal ng Santo Rosaryo o kung sa loob ng Banal na Misa, ito ay darasalin pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang. Ang lahat ay luluhod sa harap ng imahen ng Mahal na Birheng Maria.)

O Mahal na Ina ng Diyos, lumalapit kami sa iyong kalinga. Habang sinasambit namin ang bawat kataga ng awiting ito na daang taon nang dinarasal ng Simbahan ni Kristo, humaharap kami sa iyo, aming ina. Kami na bumubuo ng “Katawan ni Kristo” sa bayang ito ay naghahayag sa mga salitang ito ng aming Pagtatalaga at Paghahabilin, kung saan napapaloob, una sa lahat, ang pag-asa at agam-agam ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. O Ina ng sambayanang nagagalak na tawaging “pueblo amante de Maria,” bayang sumisinta kay Maria, batid mo ang lahat ng aming mga pagdurusa at pag-asa. Natatanto mo bilang Ina ang mga tunggalian sa pagitan ng kabutihan at kasamaan, ng liwanag at kadiliman, na ngayon ay hinaharap ng daigdig. O Ina ng aming bansa, dinggin mo ang aming hibik na tahasan naming inihahatid sa iyong puso bunsod ng Banal na Espiritu. Yapusin mo nang may pagmamahal ng Ina at Lingkod ng Panginoon, ang aming sambayanan at bansa, na ngayon ay ipinagkakatiwala at itinatalaga namin sa iyo, dahil hangad namin sa bawat isa at sa buong sambayanan ang isang mabuting buhay sa kasalukuyan at ang pagkakamit ng buhay na walang hanggan. “O Mahal na Ina ng Diyos, lumalapit kami sa iyong kalinga; huwag mo nawang tanggihan ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan.”

O Mahal na Ina ni Kristo, habang natitipon kami sa iyong harapan, -- habang natitipon kami sa harap ng iyong Kalinislinisang Puso, nais sana namin na ang Simbahan ng Panginoon sa bayang ito, nagkakaisa sa puso at isipan ng iba pa naming kababayan, isang bayang Filipino, -- na makiisa sa pagtatalaga na ginawa ng iyong Anak sa Ama, dahil sa pagmamahal sa amin: “At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili,” wika ni Hesus, “upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan” (Juan 17:19). Hangad naming makiisa sa aming Manunubos sa kanyang pagtatalagang ito para sa sanlibutan at para sa sangkatauhan, na sa kanyang kamahal-mahalang puso ay may kapangyarihang magpatawad at maganap ang pagbabayad-puri. Ang bisa ng pagtatalagang ito ng iyong Anak, ang aming Panginoon ay nananatili sa habang panahon at para sa bawat tao, mga lipi at mga bansa. Kabilang rin dito ang ating bayan. Ang kapangyarihan ng pagtatalagang ito ay makasusupil sa kasamaang inihahasik ng kampon ng kadiliman, at sa katunayan ay nasa sa puso na ng mga tao sa kasalukuyan. Lubos na naming nadarama ngayon ang pangangailangan para sa pagtatalaga ng aming bayan, kaisa ni Hesukristo. Dahil ang gawa ng pagliligtas ng aming Manunubos ay dapat maibahagi sa mundo, at sa aming kapwa Filipino, sa pamamagitan ng Simbahan. Bumabaling kami sa iyo, O Ina ng aming Manunubos at aming Ina: sa lahat ng mga nilikha, pagpalain ka nawa, ikaw ang alipin ng Panginoon, na tunay na naging masunurin sa tawag ng Panginoon. Ikaw ang ganap na nakiisa sa mapangligtas na pagtatalaga ng iyong Anak. O Ina ng Simbahan! Liwanagan ang Bayan ng Diyos sa landas ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig! Tulungan mo kaming mamuhay sa katotohanan ng pagtatalaga na inialay ni Hesus na iyong Anak para sa sangkatauhan, at para sa amin, ang sambayanang Filipino at para sa aming minamahal na bayang tinubuan. Sa paghahabilin namin sa iyo, O mahal naming Ina, ng aming bayan, ang iyong “pueblo amante de maria,” ipinagkakatiwala namin sa iyo ang mismong pagtatalagang ito, na itinatagubilin namin sa iyong maka-inang puso.

O Kalinis-linisang puso! Tulungan mo kaming magapi ang banta ng kasamaan, na madaling nakapapasok at nag-uugat sa puso ng mga tao sa kasalukuyan, at ang di masukat na epekto nito ay nagpapahirap na sa aming bansa, at nagiging balakid sa maaliwalas na kinabukasan!

N: Mula sa pagkamuhi, karahasan, mga paglalaban-labang naghahati at sumisira
sa aming bayan,

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula sa paglabag sa buhay ng tao, lalo na sa buhay sa sinapupunan

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula sa paglapastangan sa karangalan ng mga anak ng Diyos,

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula sa lahat ng uri ng kawalan ng katarungan sa lipunan,

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula sa kahandaang labagin ang mga Utos ng Diyos,

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula kawalan ng pang-unawa sa mabuti at masama,

L: Ipag-adya mo kami.

N: Mula sa kasalanan laban sa banal na Espiritu,

L: Ipag-adya mo kami.

Hibik nami’y pakinggan, O Mahal na Ina ni Kristo, lakip nito ang aming pag-asa at mga pasanin, ang mga paghihirap ng bawat isa at ng buong bayan. Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tulungan mo kaming pagtagumpayan at lupigin ang kasalanan; mga kasalanan ng bawat isa at ‘kasalanan ng sanlibutan’, ang kasalanan sa lahat ng anyo nito. Ipakita mong muli sa amin, sa kasaysayan namin bilang isang bayan, ang walang hanggang kapangyarihan ng Pagliligtas, ang kapangyarihan ng maawaing pag-ibig! Puksain nawa nito ang kapangyarihan ng kasalanan at kasamaan sa amin! Baguhin nawa nito ang mga budhi ng bawat isa! Ipakita nawa ng iyong kalinis-linisang puso sa lahat, sa aming lupain at sa buong mundo, ang liwanag ng pag-asa! O Maria, Ina ni Hesus at aming ina, Ikaw ang aming buhay, aming katamisan at aming pag-asa!

Mary our Mother,Pray for us!

June 11,Kapistahan ng Banal Puso ni Hesus𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗡𝗜 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗦O Kabanal-banalang Puso ni Hesus...
11/06/2021

June 11,
Kapistahan ng Banal Puso ni Hesus

𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗡𝗜 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗦

O Kabanal-banalang Puso ni Hesus, bukal ng lahat ng biyaya, sinasamba Kita, iniibig Kita, at ako’y nagsisisi sa lahat ng aking mga kasalanan. Iniaalay ko sa Iyo ang puso ko. Gawin Mo po akong mapagkumbaba, mapagbigay, malinis at laging handang sundin ang Inyong kalooban. Igawad Mong mabuhay ako sa Iyong Pag-ibig at para lamang sa Iyo.

Ipagsanggalan Mo po ako sa gitna ng mga panganib, aliwin ako sa gitna ng aking kapighatian, gawaran ako ng kalusugan sa aking pangangatawan, pag-alalay sa lahat ng aking mga pansamantalang pangangailangan, at ang Inyong pagbabasbas sa lahat ng aking mga minimithi, adhikain at mga gawain, at biyayaan po ako ng banal na pagtawid sa kabilang buhay.

O Pinaka-maawaing Hesus, itinatalaga ko ang aking sarili ngayon at sa lahat ng panahon sa Inyong Kabanal-banalang Puso. Hesus na may maamò at mapag-kumbabang Puso, gawing ang puso ko ay matulad sa Inyong Puso. Amen.

Kabanal-banalang Puso ni Hesus, kaawaan mo kami!
Divino Hesus, Doctorcito ng Maysakit, kalingain mo kami!

29/05/2021

Solemnity of the Most Holy Trinity (Mateo 28,16-20)

Hayaan nating ang pag-ibig ang manguna sa ating mga puso upang tayo ay magkaisa.

~ Parish Youth Ministry (ICP)

Happy Anniversary po Father Vic❤️
13/05/2021

Happy Anniversary po Father Vic❤️

05.13.21

Pagbati sa ating Local Economer at Local Pastoral Director ng isang Maligayang Anibersaryo sa pagkapari.

Kayo po ay laging kasama sa aming mga panalangin at nawa ay patuloy po ninyong magampanan ang inyong tungkulin sa pagiging isang pari.

Happy Presbyteral Anniversary po,
Fr. Victor Marlon Ma. Semillano, MMHC

GAUDIUM IN CRUCE
TU ES SACERDOS IN AETERNUM



May 13First Apparition of Our Lady of Fatima❤️PRAYER TO OUR LADY OF FATIMA❤️O Most Holy Virgin Mary, Queen of the most h...
13/05/2021

May 13
First Apparition of Our Lady of Fatima

❤️PRAYER TO OUR LADY OF FATIMA❤️

O Most Holy Virgin Mary, Queen of the most holy Rosary,
you were pleased to appear to the children of Fatima and reveal glorious message. We implore you, inspire in our hearts a fervent love for
the recitation of the Rosary. By meditating the mysteries of the redemption that are recalled therein may we obtain the graces and virtues that
we ask, through the merits of Jesus Christ, our Lord and Redeemer. Amen.






MAPAGPALANG ARAW!Ang atin pong parokya Ng Inmaculada Concepcion ay bukas SA mga nais tumulong at magbahagi para sa ating...
10/05/2021

MAPAGPALANG ARAW!

Ang atin pong parokya Ng Inmaculada Concepcion ay bukas SA mga nais tumulong at magbahagi para sa ating community pantry na layong makatulong SA mga Tao na kapos palad at mga pamilya na naapektuhan Ng pandemya...
Ano man pong donasyon at tulong Ang inyo pong maibabahagi ay maaaring makipagugnayan sa opisina ng ating parokya..
Inmaculada Conception Puerto Rivas Ibaba,Balanga City,Bataan..
Maraming Salamat Po!

Pagpalain po kayo Ng p**n maykapal..

LAUDATE CHORALE MUSIC MINISTRYSaturday CleaningMaraming Salamat Po SA mga kabataan at members na tumugon...Sasusunod Po ...
08/05/2021

LAUDATE CHORALE MUSIC MINISTRY
Saturday Cleaning
Maraming Salamat Po SA mga kabataan at members na tumugon...
Sasusunod Po ulet...
Pagpalain Po Kayo Ng panginoon...❤️❤️❤️



Ika-1 Ng MayoKapistahan Ni San Jose Manggagawa...PANALANGIN KAY SAN JOSE MANGGAGAWA( patron ng Simbahang Pangkalahatan)P...
01/05/2021

Ika-1 Ng Mayo
Kapistahan Ni San Jose Manggagawa...
PANALANGIN KAY SAN JOSE MANGGAGAWA
( patron ng Simbahang Pangkalahatan)

Patron ng mga Mabubuting Esposo, mga Manggagawa at ng Maluwalhating Kamatayan
Dakilang Patriarkang San Jose, ulirang ama ng tahanan, amang tinuring ni Hesus at kalinis-linisang Esposo ng Birheng Maria, sa tulong ng iyong makapangyarihang pagkupkop bilang mabisang katiwala sa trono ng Diyos, kami po ay dumudulog sa iyong maka-amang pagmamahal at tanging pag-aampon. Mahal naming San Jose, itinataas po namin sa Diyos Ama ang aming mga pangangailangan sa buhay at mga hangarin sa buhay espiritwal, na sa iyong tulong ay makamit ang pagpapala ayon sa kalooban ng Panginoon:
(Banggitin ang Kahilingan)
Pagindapatin mo po na ihatid sa Diyos Amang bukal ng awa ang aming taos-pusong panalangin na may lubos na pasasalamat sa lahat ng Kanyang mga biyayang kaloob. San Jose, nabuhay po kayo sa piling ni Hesus. Sa lagi kong naaalala na habang siya’y dinuduyan mo sa iyong mga bisig at nakahimlay sa iyong dibdib, yakapin mo Siya at gawaran mo ng halik sa noo para sa akin, sa gayon po ang halik na yaon ay madama ko ngayon at sa oras ng kamatayan. AMEN.

San Jose, Esposo De Santa Maria at Patron ng Simbahang Pangkalahatan,
Ipanalangin mo kami!


.D

LAUDATERIANS.❤️❤️❤️Sunday mass...
20/04/2021

LAUDATERIANS.❤️❤️❤️
Sunday mass...

Holy Week 2021Sakabila Ng kinakaharap nating pagsubok Ang pandemya Hindi muling maisasagawa Ang tradisyunal na prusisyon...
26/03/2021

Holy Week 2021
Sakabila Ng kinakaharap nating pagsubok Ang pandemya Hindi muling maisasagawa Ang tradisyunal na prusisyon tuwing miyerkules Santo at biyernes Santo...
Ngunit Ang mga imahe ng mga Mahal nating Santo na kasama SA pagpapakasakit Ng ating panginoon kasama Ang imahe NG Mahal na inang nagdadalamhati at Ang imahe NG bangkay Ng ating panginoong hesu-kristo ay nakalagak SA ating parokya na maaari nyong masilayan at makita,magdasal at mag-nilay...

LENTEN EXHIBIT 2021
-BUKAS PO ANG ATING EXHIBIT SA GANAP NA IKA-8 NG UMAGA HANGGANG IKA-9 NG GABI SA ATING PAROKYA..MAAARI NYO PONG MASILAYAN ANG MGA SANTO NA INILALABAS NG PAROKYA TUWING PRUSISYON NG PAGPAPAKASAKIT AT LIBING NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO...MAAARI LAMANG PO NA KUNG TAYO AY BIBISITA AY SUNDIN PO NATIN ANG MGA NAKASAAD NA PROTOCOL PARA PO MAIWASAN ANG KUMAKALAT NA PANDEMYA,MAGSUOT PO NG FACEMASK AT FACESHIELD AT MAGDALA DIN PO NG HAND SANITIZER OR ALCOHOL GAYUN DIN PO PANATILIIN ANG SOCIAL DISTANCING,IWASAN DIN PO NA HAWAKAN ANG MGA SANTO NA ATING MAKIKITA PARA DIN PO ITO SA ATING KALIGTASAN...
MARAMING SALAMAT PO...

04/03/2021

500years of Christianity In the Philippines...

Pakikiisa SA Limang daang taong pananampalataya bilang isang kristyano❤️
Immaculate Conception Parish
Puerto Rivas Ibaba Balanga,City Bataan..

Address

Puerto Rivas Ibaba
Balanga
2100

Telephone

+639637420749

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laudate Chorale Music Ministry-Immaculate Conception Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share