06/09/2021
Pagsisiyam sa Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
IKAWALONG ARAW
Setyembre 06, 2021
PANIMULA
PAGSISISI
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Pagninilay sa Ika-walong araw
MAPAG-AMPON SA MGA BINYAGAN
Sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas, ay kasing liwanag ng sikat ng araw ang lunos na katotohanan na sadyang may mapag-ampon sa mga binyagan. Ganito ang nangyari nang matuklasan ni Magellan ang bansang Pilipinas na Perlas ng Silangan. Ang layunin ng mga Kastila ay ituro dito ang pananampalataya ni Kristo, sapagkat ibig ng Diyos na ilaganap ang Kanyang Mabuting Balita sa lahat ng tao. Si Magellan ang unang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas at nagturo ng daan patungo sa tagapagligtas na si Hesukristo at sa Mahal na Ina nito, na siyang Mapag-ampon sa mga Binyagan, ang Mahal na Birheng Maria.
Ang ikalawang katotohanan: na may Inang mapagkalinga doon sa mga may matibay na pananalig. Naganap ito nang ang labinlimang (15) Pragata ng mga Holandes ay lumusob sa dagat ng Maynila sa tangkang ito ay sakupin. Ang iniharap lamang ng mga Kastila noong ika-3 ng Oktubre 1646 ay dalawang Galyon na may pangalang “ La Encarnacion” at “La Rosario”. Ito ang ginamit ng mga Kastila at Pilipino laban sa mga Holandes. Ang mga Galyon na ito ay may larawan ng Birhen ng Santo Rosaryo na pinagdasalan nila bago sila nakidigma. Sa malaking awa ng Diyos at sa pamamagitan ng Mahal na Birhen del Rosario, na mapag-ampon sa mga binyagan, napalubog ang karamihan sa mga sasakyan ng mga Holandes at ang limang nalalabi ay nagsitakas. Nanalo ang dalawang Pragata ng mga Kastila at Pilipino laban sa labinlimang Pragata ng mga Holandes. Nang makabalik sa Maynila ay nagtuloy agad sa simbahan na kinaroroonan ng larawan ng Mahal na Birhen del Rosario at doon ay inawit ang “ Te Deum”, at mula noon hanggang ngayon ay ipinagdiriwang ang araw ng tagumpay ng mga Pilipino sa Pagdaraos ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng “ La Naval de Manila” na dili iba’t ang malaking parangal sa Mahal na Birhen na mapag-ampon sa mga binyagan.
PANALANGIN SA IKA-WALONG ARAW
Manalangin tayo:
Panginoong Diyos na makapangyarihan, kami po ay narito at nagdiriwang taglay ang buong pasasalamat alang-alang sa hindi mo ipinagkait sa amin, bagaman lipos kami ng kasamaan sa Iyong paningin, gayon man niloob Mong makipamuhay sa amin ang walang kawangis na kapangyarihan sa lahat ng nilalang, ang mapagpagaling sa mga maysakit at mapag-ampon sa mga binyagan, ang Mahal na Birheng Maria. Nagpapasalamat kami sa lubos mong katarungan, sapagkat kung may hindi man kami natatamo sa mga panalangin namin ay dahil sa aming hinihingi ay hindi naaayon sa iyong Mahal na kalooban. Pinasasalamatan Ka naming at pinupuri upang ang pag-aampon sa amin ng Mahal na Birheng Maria ay lagi naming matamo magpakailanman at magpasawalang hanggan. Siya nawa.
TANIKALA NG PAGPUPURI
Purihin ang Diyos
Purihin ang Kanyang Banal na Pangalan
Purihin si Hesukristo Diyos na totoo at tao namang totoo
Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw
Aba Mariang kalinis-linisan Ipanalangin mo kami
Aba Mariang kabanal-banalan “
Aba Mariang nagsilang sa Verbo ng Diyos “
Aba Mariang nag-iwi sa Verbo ng Diyos “
Aba Mariang nakiramay sa mga hirap ng Anak ng Diyos “
Aba Mariang binukalan ng salita ng Diyos dahil kay Kristo “
Ina ng Diyos Tulungan kaming lumakas kaysa walang Diyos
Ina ng Diyos Iligtas kami sa mga walang Diyos
Ina ng Diyos Ilayo mo kami sa masasamang gawa
Ina ng Diyos Iadya mo kami sa tukso
Ina ng Diyos Tulungan mo kami sa aming kahinaan
Ina ng Diyos Patibayin mo ang aming pag-ibig sa Diyos
Ina ng Diyos Panatilihin mo kaming magpuri sa Diyos
Ina ng Diyos Magtagumpay kami sa mga suwail sa Diyos
Ina ng Diyos Mabuhay at mamatay kami sa Panginoon
Ina ng Diyos Subukan kami ng lambong ng kaawaan
Ina ng Diyos Makinabang kami sa hamog ng kapatawaran
Ina ng Diyos Makilala naming gawang magaling katulad mo
Ina ng Diyos Maging mapagkawanggawa kami
Ina ng Diyos Magsisi nawa kami at magpakasakit
Ina ng Diyos Magbalik-loob nawa ang mga naliligaw
Ina ng Diyos Masugpo nawa ang mga lumalapastangan sa Diyos
Ina ng Diyos Lumakas nawa ang mga nagbabalik-loob
Ina ng Diyos Maligtas nawa kami sa mga sakuna at salot
Ina ng Diyos Matamo nawa namin ang magandang kamatayan
Ina ng Diyos Akayin mo kami patungo sa langit
Ina ng Diyos Makapagpuri at makapagpasalamat kami sa Santisima Trinidad
Ina ng Diyos Makasama nawa kami ng mga anghel sa langit
Ina ng Diyos Magkaroon kami ng maraming pari sa aming bayan
Ina ng Diyos Lakasan mo ang aming loob na maipahayag ang salita ng Diyos
Ina ng Diyos Ibigin namin ang Diyos magpakailanman
Ina na Diyos Ipanatag nawa kami sa kapayapaan
Ina ng Diyos Makatupad nawa kami sa mga utos at Sakramento ng Diyos
Manalangin Tayo:
Panginoon naming Diyos na makapangyarihan, batis na walang pagkaubos ng kapayapaan, tunghayan Mo po kami ng Iyong matang Mahabagin. Pakinggan Mo ang aming daing at papagbalik-loobin Mo ang mga nagpapakagumon sa kahalayan, ang mga walang habas na pumapatay ng kapwa at ang mapagsamantala . Linisin Mo po at pakabanalin ang mga nabubuhay sa dahas, ihilig nawa sila sa pagpapatulo ng pawis upang mabuhay; turuan mo kaming maging matapat, mapagkabuti, mag-ibigan, magdamayan at magtulungan sa isa’t-isa. Mahal na Birheng Maria, ikaw ang tagapagtangkilik nitong maralitang bayan ng Balanga , tulungan mo po kami na magising ang mga nahihimbing sa tunay na pananampalataya at biyaya ng Diyos. Matamo nawa namin ang ninanasa namin sa pagsisiyam na ito lalu’t higit para sa ikapapanuto at pagkakaunawaan at pagkakaisa ng buong bayan at ng bansang Pilipinas. Magkaroon nawa kami ng kaunlaran sa kabuhayan at kapanatagan at katahimikan sa pamamagitan mo. Siya Nawa.
HULING PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namumuno: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang Kabanal banalan at Makapangyarihang Diyos sa Santisimo Sakramento sa Altar.
Sambayanan:Alang-alang sa Kanyang walang hanggang kaawaan at pagpapatawad ngayon at magpakailanman.
Namumuno: Sambahin nawa, purihi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang Kabanal-banalan at Makapangyarihang Diyos sa Sakramento sa Altar.
Sambayanan: Alang-alang sa kanyang mahal at masaganang biyaya na ipinagkaloob sa tanang nilikha, sa ikaliligtas sa mga kapahamakan, ngayon at magpakailanman.
Namumuno: Sambahin nawa, puruhi’t pasalamatang walang humpay ng sangkatauhan ang Kabanal-banalan at Makapangyarihang Diyos sa Sakramento sa Altar.
Sambayanan: Alang-alang sa ikatitigil ng mga digmaan, Patayan at ikapapayapa ng sandaigdigan, ngayon at magpakailanman. Siya Nawa.
PANGHULING AWIT:
SALVE REGINA
Salve Regina mater misericordiae, vita, dulcedo et spes nostra, salve.
Ad te clamamus excluses filii Evae.
Ad te suspiramus, gementes et flentes in hae lacrimarum valle.
Eia ergo, advocata nostra, illos tuos miserecordes oculos ad nos converti.
Et Jesum, benedictum fructum ventis tui, nobis post hoc exsilium ostende
O Clemens, O pia, o dulcis Virgo Maria.