Bahay Dalanginan ng Mahal na Poong Krus sa Wawa

Bahay Dalanginan ng Mahal na Poong Krus sa Wawa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bahay Dalanginan ng Mahal na Poong Krus sa Wawa, Religious organisation, Wawa, Balagtas.

Opisyal na Pahina ng Bahay Dalanginan ng Mahal na P**n ng Krus sa Wawa, na nasasakupan ng Butihing Ama't Pintakasi ng Bayan ng Balagtas na si San Lorenzo, Diyakono at Martir at nasa pagkakandili ng Nuestra Seรฑora de la Consolaciรณn Y Correa.

๐—ฉ๐—œ๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—ฆ ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”: Ang Daan ng Inang NagdadalamhatiAng gawaing ito ay isang sulyap at pagtanaw, isang paghahanda, at p...
26/03/2026

๐—ฉ๐—œ๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—ฆ ๐——๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”: Ang Daan ng Inang Nagdadalamhati

Ang gawaing ito ay isang sulyap at pagtanaw, isang paghahanda, at paalala sa mga pinagdaanan ng ating Panginoong Hesukristo. Ang Inang nagdadalamhati ngayo'y ating aliwin, samahan, at itangi upang sa darating na mga Mahal na Araw ay ituro niya sa atin ang tamang daan patungo sa kanyang Anak na ating hantungan.

๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—บ๐—ถ'๐˜† ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฑ!



**ngKrussaWawa

Ikalimang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A) Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay ang isa sa mga dakilang kababalaghan...
21/03/2026

Ikalimang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay ang isa sa mga dakilang kababalaghan ni Hesukristo bago ang kanyang Pasyon, Kamatayan, at Pagkabuhay, at ito ang kwento ng Pagbangon niya may Lazaro mula sa kamatayan. Si Lazaro ay isa sa mas malapit na kaibigan ng Panginoon, kasama ang mga kapatid nitong na sina Marta at Maria. Natatandaan natin sa Lc. 10:38-42 noong binista ng Panginoon ang dalawang dalagita sa kanilang tirahan sa Betania, at nakiisa siya sa kanila at kapwa silaโ€™y nagpakita kung paano nila tinatanggap si Kristo sa pamamahay nila. Matapos iyan ay narinig natin ngayon sa Ebanghelyo ni San Juan kab. 11 kung paanong si Lazaro ay nagkasakit, at pinatawag nila si Hesus para pagalingin siya. Ngunit nagtagal ito ng apat na araw hanggang sa puntong pumanaw si Lazaro at inilibing na siya. Diyan pa lamang nagpakita si Hesus sa Betania, at sinalubong ni Marta dala ang hinanakit na kung maaga lang ang kanyang pagdating ay hindi mamamatay ang kapatid nito. Ganun din nang pagdating ni Hesus sa bahay ng magkapatid, at nagpatirapa sa kanya si Mariang dala ang lungkot na kung sanang mas maaga ang pagdating ni Hesus ay hindi mamamatay ang kapatid nitong si Lazaro. Ngunit nakita natin sa pagdalamhati ng magkapatid at ng mga kasamahan nila ang pagpadama ni Kristo ng kanyang lungkot, kaya nga sinasabi rito ang pinakaikling bersikulo sa Bibliya- โ€œDominus Flevitโ€ (Tumangis si Hesus). Ngunit alam naman ni Hesus na ang lahat ay nangyari upang maipahayag niya ang kaluwahatian ng Diyos Ama sa lahat, kaya nga ito ang kanyang tugon kay Marta nang magkaroon ito ng balisa na baka mangamoy ang bangkay ni Lazaro kung bubuksan ang libingan. Kaya nga sa kabila ng matinding kalungkutan at ganun na rin ang pagduda ng mga tao pati na rin ng kanyang alagad ay tinawag niya si Lazaro na bumangon at lumabas sa libingan. At ganun nga ang nangyari sa ikagugulat ng lahat, na para bagang malakas ang kutob nila na binuhay ni Hesus ang taong ito. Kaya nga ang maganda sa Ebanghelyo nito ay ang tugon ni Kristo ay Marta nang pagdudahin siya kung bakit huli na ang pagdating nito, na kung saan tugon ng Panginoon ay siya ang Pagkabuhay at ang Buhay, at ang sinumang sumasampalataya ay mabubuhay kailanman at hindi na mamamatay. Kaya ang tugon dito ni Sta. Marta ay ang pagsampalataya na si Hesus nga ang Kristo, ang Anak ng Diyos.

**ngKrussaWawa

  | ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Œ๐๐Ž๐๐†: ๐Š๐š๐ญ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ค๐ข๐ฉ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ˆ๐ฆ๐š๐ก๐ž๐งIsa sa mga matandang tradisyon ng ating Simbahang ang paglalambon...
21/03/2026

| ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐Œ๐๐Ž๐๐†: ๐Š๐š๐ญ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ค๐ข๐ฉ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ˆ๐ฆ๐š๐ก๐ž๐ง

Isa sa mga matandang tradisyon ng ating Simbahang ang paglalambong o pagtatakip ng mga imahen kapag nalalapit na ang mga Mahal na Araw. Ginagawa ito tuwing ikalimang Linggo ng Kuwaresma na tinatawag ding ""Passion Sunday"" sa lumang kalendaryo ng Simbahan. Sa kasalukuyan ay isinasagawa ito ng Sabado, pagkamisa sa gabi bago ang Domingo de Lazaro.

Ito ay tungkol sa pagpapahayag ni Hesus ng kanyang pagka-Diyos na hindi naman matanggap ng mga Hudyo kaya't pinagtangkaan nila siyang patayin. Hindi sila nagtagumpay dahil itinago ni Hesus ang kanyang sarili. Naglaho siya sa kanilang paningin at umalis.

Kung ang kadakilaan ng Diyos ay natatago, ang kadakilaan ng kanyang mga tagasunod ay marapat lang din na matago. Hindi aalisin ang mga takip na ito hanggang sa pagsapit ng Easter Vigil sa gabi ng Sabado de Gloria, ang muling pagsilay ng liwanag at kulay ng ating mga bahay-dalanginan, at ng ating mga puso.

Nakakatulong din ito sa pag-aayuno ng mata at natutuon ang ating pansin sa pinakamahalagang bahagi ng pananampalatayang Katoliko: ang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus. Ito ang pinakadakilang misteryo sa ating pananampalataya. Kung si Hesus ay hindi nagpakasakit, namatay, at muling nabuhay, walang Simbahan, walang kapatawaran ng mga kasalanan.

*Ang telang ginagamit sa paglalambong, sang-ayon sa alituntunin ng Misal Romano, ng Breviario at ng Ceremonial Episcoporum, sa mga Imahen ng Krus, ng Panginoon, ng Mahal na Birhen at ng mga Banal ay telang Lila na payak at walang dekorasyon. (S.R.C. 3638 ad. 11)

*Pinagkuhanang Tala: The Custom of Passiontide Veiling, Liturgical Arts Journal (liturgicalartsjournal.com)

**ngKrussaWawa

Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtatagpo ni Hesus at ang kanyang mg...
14/03/2026

Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtatagpo ni Hesus at ang kanyang mga alagad sa isang lalaking pinanganak na bulag. At ayon sa lumang paniniwala ng mga Hudyo, ang mga taong pinanganak na bulag ay nangyari dahil sa kanyang pagkakasala o kaya namana dahil sa kasalanan ng kanyang mga magulang. Kayaโ€™t dito makikita natin na kahit matapos siyang pagalingin ng Panginoon ay nagbubulag-bulagan ang mga Pariseo na siyaโ€™y pinagaling ni Hesus, at nais kunin ng pagkakataong pagbintangin si Hesus ng paglabag sa batas ng Araw ng Pamamahinga (dahil sa paggaling na itinuturing nila na pinagbabawal na trabaho sa banal na araw). Kahit mga magulang ng anak ay pilit na pinapaamin kung paano napagaling ang kanilang anak, na siya lamang ang nakakasaksi sa nangyari sa kanya. At dito binalik tayo sa puntong ayaw nila tanggapin ang mabuting gawain ni Hesus sa isang bulag (lalo na sa isang taong ipinanganak na bulag), kayaโ€™t pinipilit nila ang lalaking huwag iugnay ang kanyang paggaling sa itinuturing nila na kaaway ng Kautusan ni Moises. Ngunit nakita natin kung paanong tumindig ang lalaki sa pagpapahayag ng katotohanang si Hesus nga ang nagpagaling sa kanya, at itoโ€™y sapat na biyaya na para sa kanya na dating bulag sapagkat nakita niya sa ginawa ni Hesus sa kanya ang mabuting kalooban ng Diyos. Subalit nakita rin natin kung paanong itanggi ng mga Pariseo ang kanyang pahayag dahil sa paniniwalang siya ay nabuhay sa kasalanan, kayaโ€™t nabulag, at pinatiwalag pa. Subalit sa kabila nito ay nasumpung niya pa rin si Hesus at nagpasalamat, at nagpahayag nang may pananampalataya na ang nagpagaling sa kanya at nag-utos na maghilamos sa tubig ng Siloe ay ang Mesiyas. At ang pangyayaring itoโ€™y nagpapatunay sa mga sinabi ni Hesus, na ang lalaking ipinanganak na bulag ay kailanmaโ€™y hindi galing sa kasalanan ni namana sa kasalanan ng mga magulang, kundi itoโ€™y isang pagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos Ama upang ang liwanag ay magningning sa mga bulag na silaโ€™y makakita. Subalit alam ni Hesus na kahit ang mga nakakakita ay patuloy na nagbubulag-bulagan sa tunay na kagandahang-loob ng Ama. At nakita natin dito sa pag-uugali ng mga Pariseo at mga pinuno ng Judaismo na patuloy na nagbubulag-bulagan sa mga mabuting kababalaghan ni Hesus, na pilit nilang hinahanapan ng butas para lang masabi na kabalastugan lamang at nagmula raw sa Diyablo ang kanyang ministeryo. Sa kabila nito ay patuloy ang misyon ni Kristo na pagpaparangal at pagpapagaling upang maihayag niya ang kaluwalhatian ng Diyos Ama at maging masunurin sa kanyang dakilang kalooban.

**ngKrussaWawa

Ikatlong Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)Pagninilay: Mahalaga ang tubig sa ating buhay. Siguro ito ang pinaka...
07/03/2026

Ikatlong Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Pagninilay: Mahalaga ang tubig sa ating buhay. Siguro ito ang pinakamahalagang pangangailangan natin. Kailangan natin ito sa pag-iinom upang hindi tayoโ€™y mauhaw. Kailangan din natin gumamit ng tubig bilang panlinis ng mga bagay, pagkain, at pati na rin ang ating mga katawan. Sa Bibliya, maraming beses binanggit ang tubig. Ang Aklat ng Genesis ay naglalarawan sa tubig bilang lalang ng Panginoong Diyos. Ito rin ay hiniwalay ng Diyos upang mabuo ang mga katubigan at kalangitan. Ang mga tubig ng baha sa panahon ni Noe ay nagsilbing tagalinis ng kasamaan ng mundo, at makalipas ang 40 araw ay sumikat ang isang bahaghari bilang tanda ng tipan ng Diyos na hindi niya kailanmaโ€™y lilipulin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang Aklat ng Exodo naman ay nagbangit sa tubig bilang paraan ng kaligtasan mula sa pagkaalipin sa Egipto at paglalakbay ng mga Israelita patungo sa Lupang Pangako. At narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong inilaan ng Panginoong Diyos ang tubig mula sa bato. Bagamat sinubok siya ng kanyang bayan, minarapat pa rin niya na bigyan sila ng tubig sa pamamagitan ni Moises. Sa Bagong Tipan, binanggit diyan unang-una ang tubig ng Ilog Jordan na nagpabinyag ng maraming tao, at mismo kay Hesus. Ang ating Ebanghelyo ay nagsasalaysay sa pagtatagpo ni Hesus sa isang babaeng Samaritana. Ang babaeng ito ay kabilang sa mga tinagurang โ€œpaganoโ€ sapagkat ayon sa mga Hudyo, ang kaligtasan ay makakamtan lamang daw sa loob ng piniling bayan ng Diyos. Kung mapapansin po natin ang kwento, nag-igib siya sa balon sa ganap ng alas dose ng tanghali, ang oras kung saan mainit sa labas at halos walang tao sa balon. Dito natunghayan natin na mayroon siyang limang asawa dati at ngayon isang lalaking kanyang tinitirhan. Kaya nang humingi sa kanya si Hesus ng tubig, parang itinanggi niya ang hiling nito. Ngunit sumagot ang Panginoon na malalaman ng babaeng ito ang nais ng Diyos, ibibigay niya ito sa kanya. At ang sinumang iinom ng tubig na nagbibigay-buhay ay kailanmaโ€™y hindi mauuhaw. At marami pang pangangaral si Hesus sa Samaritana tungkol sa kaligtasan ng Diyos na nagaganap sa kabutihan ng puso ng tao, kayaโ€™t nagulat ang babae nang malaman niya na nakausap at nakaharap niya ang Mesiyas [Hesus]. At ang mga tinawag niyang mga kababayan ay nagsitakbuhan nang marinig nila ang balitang iyon mula sa kanya. Kayaโ€™t sinabi ni San Juan sa dulo ay maraming mga Samaritano ay sumampalataya kay Hesus dahil nabatid na nila na siya ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos.
Mahalaga ang tubig upang linisin ang ating mga katawan at bigyan tayo ng lakas at kaginhawaan matapos mapagod. Higit pa dito, mahalaga rin ang tubig na nagbibigay-buhay na si Hesukristo. Sinasabi ng Salmo 63 na ang kaluluwa natin ay naghahangad at naghahanap sa Diyos katulad ng pagkauhaw natin sa tubig. Nawaโ€™y kilalanin pa natin ang Panginoon at ang kanyang kagandahang-loob sa bawat isa, kahit anupamang lahi, relihiyon, kulay, o kasarian niyan. Nawaโ€™y maging bukas tayo sa handog na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging buhay at pagbibigay kulay sa buhay ng ibang tao.

**ngKrussaWawa

Ikalawang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)Pagninilay: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma...
28/02/2026

Ikalawang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Pagninilay: Mapapansin po natin na tuwing Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, ang Ebanghelyo sa araw na ito ay palagi tungkol sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Makikita po natin ang isang โ€œparadigm shiftโ€ mula noong si Hesus ay tinukso ng Diyablo sa disyerto subalit lumabas na tagumpay. Ang kanyang Pagbabagong-Anyo naman ay isang maluwalhating pangyayari na ang Anak ng Diyos bagamat may mataas na kalagayan ay naging masunurin sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Nakita si Hesus ng tatlong alagad na nangungusap kina Moises at Elias. Si Moises ay sumasagisag sa Kautusan, habang si Elias ay sumasagisag sa mga Propeta. Kaya ang kanilang presensiya sa Bundok ng Tabor ay nagpapatunay na si Hesukristo ay ang katuparan ng Kautusan at mga Propeta. At makikita na ang katuparang ito ay mangyayari sa magaganap kay Hesus na ating ipagdiwang sa Semana Santa: ang kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay na itinuturing na โ€œbagong exodusโ€. Kaya ang pagkasalaysay nito ni San Lucas ay nagpapahayag na ang kaligtasan ng Diyos ay para sa lahat ng tao. Nakatulala ang 3 Apostol sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyayari, kayaโ€™t hiniling ni Pedro na gumawa sila ng tatlong tolda para kina Hesus, Moises, at Elias. At ditoโ€™y makikita natin ang pagpapalibot ng isang ulap sa bundok at ang tinig ng Amaโ€™y nagpapahayag na si Kristo ay ang kanyang kinalulugdang Anak. Kaya makikita natin sa Pagbabagong-Anyo ang presensiya ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Santatlo: Ang Ama ang lumikha ng mabuting bagay, ang Anak ang nagligtas mula sa ating mga kasalanan, at ang Espiritu ang patuloy na nagpapahiwaga ng mensahe ng pag-ibig sa atin. Makikita natin dito na tunay ngang natutupad ang pangako ng Diyos na kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging masunurin ni Kristo sa dakilang kalooban. At ipinapakita sa atin ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa kalooban ng Panginoon, lalung-lalo na sa patuloy na pakikinig sa kanyang Anak sa pagsasabuhay natin sa Banal na Salita. At ang maluwalhating pangyayaring ito ay isang magandang paalala na ayon nga kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa, ang ating pagiging mamamayan ay walang hangganan sa kalangitan kahit lahat po tayo ay papanaw balang araw sa daigdig na ito. Kaya ang hamon dito ay maging matapat sa plano at kalooban ng Diyos katulad ni Abraham sa Unang Pagbasa, upang mas biyayaan pa tayo at tumulad ang ating mga susunod na henerasyon.

**ngKrussaWawa

๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฅ๐—จ๐—ฆAraw ng pagsasagawa ng Daan ng Krus kasama ang sambayanan mula sa Pamayanan ng Barangay Wawa. ...
27/02/2026

๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฅ๐—จ๐—ฆ
Araw ng pagsasagawa ng Daan ng Krus kasama ang sambayanan mula sa Pamayanan ng Barangay Wawa.

Unang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)  Pagninilay:  Unang Linggo ng Kuwaresma, palagi nating naririnig sa Eb...
21/02/2026

Unang Linggo sa Apatnapung Araw na Paghahanda (A)

Pagninilay: Unang Linggo ng Kuwaresma, palagi nating naririnig sa Ebanghelyo ang salaysay ng Pagtukso ng Diyablo sa ating Panginoong Hesukristo (Taon A ayon kay San Mateo). Matandaan natin na matapos binyagan si Hesus sa Ilog Jordan, siyaโ€™y dinala ng Espiritu patungo ng disyerto. Dito siyaโ€™y nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi hanggang sa punto na siyaโ€™y nagugutom. Kaya lumapit ang Diyablo sa kanya at nag-alok ng 3 tukso. Una ay ang tukso ng kasiyahan sa paghiling ng Diyablo na gawin ni Hesus ang mga bato para maging tinapay. Subalit ang tugon ng Panginoon ay hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang. Ikalawa ay ang tukso ng kayabangan sa pagpapamana ng Diyablo ng lahat ng kaharian kung si Hesus ay magpapatirapa at sasamba. Subalit ang tugon naman diyan ng Panginoon ay ang Diyos Ama ang tanging dapat sambahin. At ang ikatlo ay ang tukso ng kapangyarihan na nais ng Diyablo ipagtihulog ni Hesus ang kanyang sarili upang sasagipin daw kamo siya ng mga anghel. Subalit sa huling pagkakataon ay tugon ng Panginoon ay hindi pwedeng subukin ang Diyos Ama. Kaya natalo ang Diyablo, at si Hesus ay pinangalagaan ng mga anghel. Makikita natin sa 40 araw na pag-aayuno ni Hesus sa disyerto ang pakikiisa niya sa ating pagkatao bagamat siya rin ay may kalagayan na pagka-Diyos. Subalit ginawa ito upang iako ang ating pagkatao patungo sa Diyos. Siya ay ang bagong Adan na hindi katulad ng unang Adan na nagsuway sa utos ng Panginoong Diyos, siya naman ay naging masunurin sa dakilang kalooban hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Tinuro niya tayo na labanan natin ang mga tukso ng buhay. Ang tukso ay hindi pa kasalanan, subalit kung tayo ay magbibigay rito, iyan ay isang ganap na pagkakasala. Kaya ang Panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapanibago ng ating kalooban upang mas maging matatag ang ating relasyon sa Diyos at kapwa-tao. Patuloy tayo sa paggawa ng kabutihan at nawaโ€™y talikdan natin ang mga masasamang gawain.

**ngKrussaWawa

Sa pagsisimula ng apatnapung araw ng paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, inaanyayahan ang buong pamayanan ng Bahay D...
18/02/2026

Sa pagsisimula ng apatnapung araw ng paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, inaanyayahan ang buong pamayanan ng Bahay Dalanginan ng Mahal na P**ng Krus sa Wawa na makiisa sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo.

Sa araw na ito, tayoโ€™y pinapaalalahanan ng pagpapakumbaba, pagsisisi, at pagbabalik-loob sa Diyos. Nawaโ€™y maging simula ito ng mas malalim na panalangin, pag-aayuno, at kawanggawa bilang paghahanda sa dakilang tagumpay ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Sama-sama tayong maglakbay sa Kuwaresma na may pusong nagsisisi at pananampalatayang buo.



Address

Wawa
Balagtas
3016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bahay Dalanginan ng Mahal na Poong Krus sa Wawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share