24/08/2026
"๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข ๐๐ ๐ฆ๐๐ฃ๐จ๐ซ๐๐ฆ ๐๐๐ข ๐ ๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฆ
๐๐จ๐ญ๐ฎ๐ฌ ๐ญ๐ฎ๐ฎ๐ฌ, ๐๐ฆ๐๐ง"
Kamusta ka?
Isang tanong na sa labi'y,
hirap naming sambitin,
Sapagkat sa likod ng ngiti'y,
may luhang kinikimkim;
May mga sugat na pilit mong nililihim,
At mga bigat na sa tahimik na gabi'y
ayaw kang patahimikin.
Hindi madali ang iyong naging paglalakbay,
Mga unos na dumating, mga salitang
sumugat nang tunay;
Mga taong sa iyo'y nagsakdal
humusga nang walang malay,
Ngunit tulad ni Kristo, pinili mong magpatawad,
tumindig, at maglingkod na tunay.
Sa araw na ito, muli nating gunitain,
Ang anibersaryo ng iyong pagkapari'y
ating alalahanin;
Bagama't nais mong itoรฝ aming limutin,
Dahil sa akala mong kami sa iyo'y
Walang pagsasaalang-alang.
Hindi kayang burahin ang sugat ng nakaraan,
Hindi rin kayang baguhin mga salitang
dahilan ng kalungkutan;
Ngunit kaya naming maging bahagi
ng iyong bagong kabanata't kinabukasanSa pamamagitan ng panalangin,
pagmamahal, at tapat na pagsasamahan.
At kung sakaling sa amin ay iyong itanong, "Kamusta kayo?"
Ang aming sagot ay ito: "Mas mabuti kami
dahil nakasama ka namin dito.
Isang ama, isang pastol, isang lingkod,
at isang pusong handang magmahal
kahit ika'y nasasaktan nang husto.
At sa huli, isang panalangin ang aming iiwan:
Nawa'y sa bawat bukas,
Diyos ang manatiling iyong sandigan;
Sa bawat pagsubok, pag-ibig Niya
ang iyong maging kalasag at tahanan;
At sa bawat hakbang ng iyong banal na misyon
at paglilingkod sa sambayanan,
ay magdulot nawa sa iyong puso ng kapayapaan.
โ โSa Likod ng mga Sugat, Isang Pananampalatayaโ mula kay Sis. Mila Macapagal
Mapagpalang Anibersaryo ng Pagkapari, Fr. Rhody!