Bethel Global Ministries

Bethel Global Ministries Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bethel Global Ministries, Balagtas.

Hindi lahat ng blessing ay para ipakita.Pero may mga pagkakataon na kailangan nating ipahayag ang kabutihan ng Diyos.Tod...
22/02/2026

Hindi lahat ng blessing ay para ipakita.
Pero may mga pagkakataon na kailangan nating ipahayag ang kabutihan ng Diyos.

Today we blessed this vehicle —
a reminder that only God can give us good and perfect gift.
He provides what we truly need.

Lord, gamitin Mo ito para sa Iyong gawain. At makapaglingkod kasama namin ang aming kapatid. God bless you Brother Jehu

Maligayang kaarawan, Teacher Ate Benny Happy 26 years of existence Ramdam at kita namin ang lahat ng ginagawa mo.Hindi l...
28/01/2026

Maligayang kaarawan, Teacher Ate Benny
Happy 26 years of existence
Ramdam at kita namin ang lahat ng ginagawa mo.
Hindi lang sa sipag (kasi obvious talaga ),
kundi sa puso mong handang maglingkod kahit walang nakakakita.

sa bawat gawain na ginagawa mo nang tahimik at buong puso
sa bawat “sige po” kahit pagod na—
lahat iyon ay binibilang ng Diyos.

Maaaring hindi palaging napapansin ng tao,
pero sigurado kaming hindi ka invisible sa langit.
Ang faithfulness mo ay may bunga,
at ang buhay mo ay may layunin. 💛

“God is not unjust; He will not forget your work and the love you have shown Him as you have helped His people and continue to help them.”
— Hebrews 6:10

salamat po sa buhay moBenny Jane Africa Concepcion

26/01/2026

DAY 11 – Purity
📖 2 Chronicles 24

Hindi nagsisimula ang paglayo sa Diyos sa malalaking kasalanan.
Madalas, nagsisimula ito sa maliliit na kompromiso.

Sa 2 Chronicles 24, makikita natin na
ang panlabas na pagsunod ay hindi sapat
kung ang puso ay hindi nananatiling malinis at tapat sa Diyos.

Ano ang binabantayan mo ngayon—ang gawa lang ba, o pati ang puso?
May mga bagay bang dahan-dahang nagpapadumi sa iyong devotion kay Lord?

Ang purity ay hindi lang tungkol sa ginagawa—
kundi sa kung sino ang sinusunod ng puso.

Manood at sumama sa Day 11 Devotional
Isang paalala na panatilihing dalisay ang puso
upang manatiling malapit sa Diyos.

“Create in me a clean heart, O God.” – Psalm 51:10

Watch. Reflect. Choose purity.

26/01/2026

DAY 10 – Pagkakaisa Kahit May Pagkakaiba
2 Chronicles 23

Hindi pare-pareho ang pinanggalingan.
Hindi magkakapareho ang opinyon.
Pero iisa ang layunin kapag ang Diyos ang sentro.

Sa 2 Chronicles 23, makikita natin na
ang tagumpay ay hindi nagmumula sa pagkakapareho,
kundi sa pagkakaisang nakaugat sa kalooban ng Diyos.

Paano kung ang pagkakaiba ay hindi hadlang, kundi bahagi ng plano ng Diyos?
Paano kung mas mahalaga ang misyon kaysa sa sariling gusto?

Manood at sumama sa Day 10 Devotional
Isang paalala na ang tunay na pagkakaisa
ay nabubuo kapag pinipili nating maglakad
magkakasama, kahit magkakaiba.

“How good and pleasant it is when God’s people live together in unity.” – Psalm 133:1

Watch. Reflect. Walk together.

26/01/2026

DAY 9 – Letting Go of the Past
📖 2 Chronicles 22

May mga maling desisyon na may pinanggalingang kwento.
May mga pagkilos na bunga ng hindi pa hinilom na nakaraan.

Sa 2 Chronicles 22, makikita natin kung paano
ang mga sugat, impluwensya, at kasaysayang hindi binitiwan
ay pwedeng humila ng isang tao palayo sa kalooban ng Diyos.

May dinadala ka bang nakaraan na nakaapekto sa mga desisyon mo ngayon?
63Handa ka na bang bitawan ito para makalakad nang malaya?

Ang pagbitaw sa nakaraan
ay hindi pagtakbo—
kundi pagpili na hindi na ito ang magdidikta ng kinabukasan mo.

Manood at sumama sa Day 9 Devotional
Isang paanyaya na putulin ang cycle
at magsimulang muli kasama ang Diyos.

🕊️ “If anyone is in Christ, he is a new creation.” – 2 Corinthians 5:17

📌 Watch. Reflect. Let go.

22/01/2026

DAY 8 – Obedience
Kahit mahirap, susunod ako
📖 2 Chronicles 18

Hindi lahat ng utos ng Diyos ay madali.
Minsan, masakit.
Minsan, laban sa gusto natin.
Pero laging may dahilan kung bakit Siya ang sinusunod.

Susunod ka pa ba kahit hindi ka sigurado sa outcome?
Kahit hindi ka naiintindihan?

Ang tunay na obedience ay hindi dahil malinaw ang sitwasyon,
kundi dahil kilala mo kung sino ang Diyos.

Join us sa Day 8 Devotional
Isang paalala na ang pagsunod—
kahit mahirap—
ay daan patungo sa proteksyon at kalooban ng Diyos.

“To obey is better than sacrifice.” – 1 Samuel 15:22

Watch. Reflect. Obey.

https://youtu.be/BRrJsKFyYp4
21/01/2026

https://youtu.be/BRrJsKFyYp4

👉 Ano ba talaga ang inuuna natin—ang Diyos ba o ang comfort, opinyon, at sarili nating plano?Ang hunger for God ay hindi lang damdamin kapag may problema. I...

20/01/2026

2 Chronicles 18

May mga sandali na hindi natin sinasadyang magtiwala sa maling boses.
May pain na nagmula hindi lang sa nangyari—
kundi sa nadisappoint na tiwala.

Kanino ka unang nakinig nung nasaktan ka?
Sa Diyos ba… o sa takot, galit, at sariling isip?

Sa 2 Chronicles 18, pinapaalala sa atin na
hindi lahat ng advice ay mula sa Diyos—
pero laging tapat ang Kanyang Salita.

Manood at sumama sa Day 6 Devotional
Isang paanyaya na ibalik ang tiwala kay Lord,
kahit may sugat, kahit may takot—
dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagkukulang.

“Trust in the Lord with all your heart…” – Proverbs 3:5

Watch. Reflect. Trust again.

19/01/2026

DAY 5 – Guarding the Heart

Hindi lahat ng laban ay panlabas.
Minsan, ang pinaka-delikado ay yung tahimik sa loob.

Bitterness na nagsimula sa sugat.
Offense na hindi napag-usapan.
Pride na dahan-dahang tumigas ang puso.

👉 May hinahayaan ka bang manatili sa puso mo na unti-unting sumisira sa’yo?
👉 Binabantayan mo pa ba ang puso mo… o hinahayaan mo na lang?

Sabi ng Salita ng Diyos:
“Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.” – Proverbs 4:23

Join us sa Day 5 Devotional
Isang paalala na ang healing ay hindi lang pag-alis ng sakit,
kundi pag-iingat ng puso araw-araw.

Watch. Reflect. Guard your heart.

18/01/2026

DAY 4 – Healing from Hurt and Loss

May mga sugat na hindi halata.
Ngiti sa labas, pero may kirot sa loob.
Sakit dahil sa mga umalis,
nasaktan, o hindi naunawaan…

May sugat ka bang pilit mong tinatakpan?
May pain ka bang tahimik mong dinadala?

Hindi ka nag-iisa.
May healing na inihahanda ang Diyos—kung handa kang harapin ang sugat kasama Siya, hindi mag-isa.

Manood at sumama sa Day 4 Devotional
Isang paanyaya para sa pag-amin, paghilom, at pag-asa.

“The Lord is close to the brokenhearted.” (Psalm 34:18)

📌 Watch. Reflect. Be healed.

17/01/2026

“What if yung breakthrough mo… naka-hold kasi may kailangan ka munang bitawan?
What if God is calling you not just to pray, but to repent?

Repentance is not about shame—
it’s about returning, realigning, and cleansing the heart.

Sa 2 Chronicles 15, makikita natin:
When God’s people turned back to Him,
clarity returned, strength followed, and peace was restored.

If you’re tired, confused, or dry inside—
maybe this is your sign.

✨ Pause.
✨ Listen.
✨ Come back to God.

👉 Watch the devotional video.
This might be the cleansing your heart needs.”

15/01/2026

Honest Surrender

Hanggang kailan mo ipaglalaban ang laban na hindi mo naman kayang panalunin mag-isa?
Kailan ka huling tumigil at nagsabing,
“Lord, Ikaw na”?
Ano ang hawak-hawak mo pa na dapat matagal mo nang binitawan?
Lakas ba? Kontrol? Pride?

Kailan mo huling inamin na hindi mo na kaya?
At handa ka bang sumuko—hindi dahil talo ka,
kundi dahil nagtitiwala ka sa Diyos......

Kapag hindi na sapat ang lakas mo, doon nagsisimula ang kapangyarihan ng Diyos.
Hindi lahat ng laban ay panalo sa galing—ang iba, sa pagbitaw.
2 Chronicles 14

Address

Balagtas

Telephone

+639068572409

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bethel Global Ministries posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share