22/07/2025
"The True Greatest"
Luke 22:24–27
“Sa halip, ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging tulad ng pinakabata, at ang namumuno ay tulad ng naglilingkod.” (v.26)
Sa passage na ito, pinaalalahanan ni Jesus ang Kanyang mga disciples — at pati na rin tayo — kung ano talaga ang ibig sabihin ng true greatness.
Sa mundo ngayon, madalas ang sukatan ng tagumpay ay power, title, o recognition. Pero si Jesus, binaliktad Niya ang standard.
Sabi Niya, ang tunay na dakila ay hindi ‘yung pinaglilingkuran, kundi ‘yung naglilingkod.
Kahit na nag-aaway ang mga disciples kung sino ang pinaka-dakila sa kanila, mahinahong itinuro ni Jesus pabalik sa kababaang-loob ang tamang daan.
Siya mismo — Hari ng mga hari — ay piniling maglingkod. Hinugasan Niya ang paa ng disciples, nagpagaling ng mga may sakit, at ibinigay ang Kanyang buhay para sa iba.
Ang tunay na greatness ay hindi pagiging mataas, kundi pagiging handang magpakumbaba. Maglingkod ng may pag-ibig, mamuno ng may kababaang-loob, at unahin ang kapakanan ng iba.
Handa ba akong magpakumbaba tulad ni Jesus?
United Pentecostal Church
Balagtas, Bulacan