Ministry of Altar Servers - St. Lawrence, Deacon and Martyr

Ministry of Altar Servers - St. Lawrence, Deacon and Martyr "Ministremus et non Ministremur" .

MINISTREMUS ET NON MINSITREMURMaligayang kaarawan, kapatid! 🥳Ang buong Ministry ay malugod na bumabati sa senior member ...
19/08/2026

MINISTREMUS ET NON MINSITREMUR
Maligayang kaarawan, kapatid! 🥳

Ang buong Ministry ay malugod na bumabati sa senior member ng ating samahan na si Bro. John Daniel Jose, na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Dalangin ng Ministry ang katatagan ng katawan, katuwiran ng isipan, at patuloy na pag-alab ng puso sa gawain ng paglilingkod para sa isang buhay na ganap at kalugod-lugod sa Diyos.

MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR!Tayo ay tinawag upang maglingkod at hindi paglingkuran!Kaalinsabay ng ika-15 Annual Paris...
17/08/2026

MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR!
Tayo ay tinawag upang maglingkod at hindi paglingkuran!

Kaalinsabay ng ika-15 Annual Parish Altar Servers' Day, mahigit animnapu na kalalakihan ang nagpanibago ng kanilang sarili sa paglilingkod sa Dambana ng Panginoon sa idinaos na Banal na Misa at Renewal Rites ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Lorenzo, Diyakono at Martir - Balagtas, Bulacan noong ika-16 ng Agosto 2026.

Ngayong taon, siyam na kasapi ng naturang samahan ang ginawaran ng Ministry Service Award para sa kanilang mga taon ng paglilingkod sa Dambana: mula lima, labinlima, hanggang dalawampung taon.

Sa tulong ng ating Patrong San Tarcisio, maganap pa natin nang may pagmamahal at kababaang-loob ang ating paglilingkod sa Dambana ng Panginoon Hesukristo, ang kataas-taasang at walang hanggang Pari.

Pagbati at panalangin sa lahat ng Lingkod ng Dambana ng ating Parokya!

---
(c) Mga larawang kuha nina Bro. Jerome, Bro. JD, at Bro. Lorenzo.

Tayo po ay makiisa at maging bahagi ng mga gawain ng ating samahan 🙏 Umulan  man o umaraw tuloy na tuloy po ang mga kaga...
14/08/2026

Tayo po ay makiisa at maging bahagi ng mga gawain ng ating samahan 🙏

Umulan man o umaraw tuloy na tuloy po ang mga kaganapan ng ating samahan.

Patuloy po nating ipanalangin ang ikakaayos at ikakapayapa ng panahon 🙏🙏🙏

  | Isinagawa ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Lorenzo ang ikatlo at huling araw ng Triduong pamimintuho alay...
14/08/2026

| Isinagawa ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Lorenzo ang ikatlo at huling araw ng Triduong pamimintuho alay kay San Tarcisio, gayon din sa Nuestra Señora de la Asuncion.

Bukas, ika-15 ng Agosto, ay ipagdiriwang ng mga Lingkod ng Dambana ang kapistahan ng patron nito na si San Tarcisio, kaalinsabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.

Kaugnay nito, samahan niyo po kami bukas sa pagdiriwang ng Banal na Misa dito sa Simbahan ng Parokya sa ganap na ika-6:30 ng umaga.

Ministemus et non Ministremur!
---
Mahal na Birheng iniakyat sa kalangitan, kaluluwa at katawan, ipanalangin mo kami!
San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!


Mga larawang kuha nina Bro. Lorenzo at Bro. Carl.

  | Ipinagpatuloy ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Lorenzo ang ikalawang araw ng Triduong pamimintuho alay ka...
13/08/2026

| Ipinagpatuloy ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Lorenzo ang ikalawang araw ng Triduong pamimintuho alay kay San Tarcisio, gayon din sa Nuestra Señora de la Asuncion.

Bukas ay isasagawa ang huling araw ng naturang Triduo ng 4:20 ng hapon. Ito ay bilang paghahanda sa Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa langit ng Birheng Maria at ng Patron ng Ministry na si San Tarcisio sa Agosto 15.

Halina at sama-sama tayo sa panalangin. Ministemus et non Ministremur!
---
Mahal na Birheng iniakyat sa kalangitan, kaluluwa at katawan, ipanalangin mo kami!
San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!


Mga larawang kuha nina Bro. Lorenzo at Bro. Gian.

  | Dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Patron ng Parokya na si San Lorenzo, sinimulan naman...
12/08/2026

| Dalawang araw matapos ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Patron ng Parokya na si San Lorenzo, sinimulan naman ngayong araw ng mga Lingkod ng Dambana ng Parokya ang unang araw ng Triduong pamimintuho alay kay San Tarcisio, gayon din sa Nuestra Señora de la Asuncion, na parehong ipagdiriwang sa ika-15 ng Agosto.

Isasagawa ng Ministry ang naturang Triduo hanggang sa ika-14 ng Agosto, tuwing 4:20 ng hapon.

Halina at sama-sama tayo sa panalangin, mga kapwa Lingkod ng Dambana. Ministemus et non Ministremur!
---
Mahal na Birheng iniakyat sa kalangitan, kaluluwa at katawan, ipanalangin mo kami!
San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!


Mga larawang kuha ni Bro. Lorenzo.

Malugod na pagbati  sa ating mga Kasamahan na sina Bro. Jared Agustin Bro. Cloud shin Alapar at Bro. Kane Loretizo  na n...
02/08/2026

Malugod na pagbati sa ating mga Kasamahan na sina Bro. Jared Agustin Bro. Cloud shin Alapar at Bro. Kane Loretizo na nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan. Sila ay mga aktibong kasapi sa ating samahan na itinalaga may ilang taon na ang nakalipas. Sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa ating Dambana ay tunay ngang kahanga-hanga.

Sina Bro. Jared, Bro. Shin at Bro Kane ay pawang mga nag-aaral pa. Tunay ngang hindi hadlang ang pagseserve o paglilingkod sa Panginoon sa ating pag-aaral o gawain bagkus ito ay nagiging gabay at Daan upang tayo ay patnubayan sa ating mga ginagawa at ginagampanan sa buhay.

Nawa ay patuloy kayong pagpalain mga kapatid na Jared, Shin at Kane at biyayaan ng kalakasan at huwag manghihinawa sa paglilingkod sa Panginoon at damhin ang galak at biyaya ng inyong araw ng kapanganakan.

"Ministremus Et non Ministremur"



02/08/2026
Malugod na pagbati sa ating mga kapatid na nagsitapos at mga bagong degree holder at nagtapos ng may Masteral ♥️🙏 Tunay ...
19/07/2026

Malugod na pagbati sa ating mga kapatid na nagsitapos at mga bagong degree holder at nagtapos ng may Masteral ♥️🙏 Tunay ngang sa pagtitiyaga, dedikasyon at husay na may kasamang taimtim na paglilingkod at panalangin ay makakamit ng bawat isa ang kanilang mga mithiin. Basta ang tanging kailangan ay magtiwala at manalig♥️😊🥰

Muli, sa ngalan ng ating samahan, kami ay malugod na bumabati sa inyo. Bro. Harvey Santos Bro. John Daniel Jose Bro. Lorenzo Jerome Maño Bro. Lois Pagpalain tayong lahat ng Panginoon at Mahal na birheng maria at ng ating patrong si San Tarcisio ♥️

Malugod na pagbati  sa ating mga Kasamahan na sina Bro Gabriel Ortega Bro. Elijah Bench Calixto Bro. Howard Doldig  Bro....
19/07/2026

Malugod na pagbati sa ating mga Kasamahan na sina Bro Gabriel Ortega Bro. Elijah Bench Calixto Bro. Howard Doldig Bro. Xian Antonio Bro. Ian Pineda at Bro. Frank Simon Gales na nagdiriwang ng kanilang mga kaarawan. Sila ay mga aktibong kasapi sa ating samahan na itinalaga may ilang taon na ang nakalipas. Sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa ating Dambana ay tunay ngang kahanga-hanga.

Sina Bro. Gab, Howard, Elijah, Ian, Xian at Simon ay pawang mga nag-aaral pa. Tunay ngang hindi hadlang ang pagseserve o paglilingkod sa Panginoon sa ating pag-aaral o gawain bagkus ito ay nagiging gabay at Daan upang tayo ay patnubayan sa ating mga ginagawa at ginagampanan sa buhay.

Nawa ay patuloy kayong pagpalain mga kapatid na Gab, Elijah, Howard, Ian, Xian at Simon at biyayaan ng kalakasan at huwag manghihinawa sa paglilingkod sa Panginoon at damhin ang galak at biyaya ng inyong araw ng kapanganakan.

"Ministremus Et non Ministremur"



Address

Balagtas
3016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - St. Lawrence, Deacon and Martyr posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry of Altar Servers - St. Lawrence, Deacon and Martyr:

Shortcuts

Share