29/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐ฎ๐ฅ๐๐ง
Ama naming makapangyarihan,
Ikaw ang aming kanlungan at lakas.
Sa gitna ng malakas na ulan at habagat,
lingapin Mo ang Iyong bayan.
Patahimikin Mo ang unos,
pahupain ang tubig na umaapaw,
at ilayo sa kapahamakan
ang bawat tahanan at pamayanan.
Tulad ng mga alagad na tumawag sa Iyo sa gitna ng bagyo,
kami rin ay buong tiwalang sumisigaw:
โPanginoon, iligtas Mo kami!โ (Mt 8:25)
Ipadama Mo ang Iyong awa sa mga nangangamba,
kalakasan sa mga naglilingkod,
at pag-asa sa mga nasalanta.
Sa Iyong salita, Panginoon,
โPinatatahimik Mo ang unos, at humuhupa ang mga alon.โ (Awit 107:29)
Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay Iyong iligtas.
Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami.
San Jose Manggagawa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami