01/02/2021
DAKILANG KAPISTAHAN NG CANDELARIA
Tanging Panalangin sa Mahal na Birhen ng Candelaria
Lahat: O Maria, Ina ng Liwanag, Birhen ng Candelaria,
napupuno ka ng grasya, pinagpala ka na nanalig sa katuparan ng pangako ng Tagapagligtas mula sa Diyos na mapagpala.
Ang pangakong Liwanag sa bayang malaon nang nasa kadiliman ay sa iyong sinapupunan nagmula sa pagkakatawang-tao ng Mesiyas sa kapangyarihan ng Espiritu Santong dakila.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: Nagbunyi ang langit sa iyong bantog na tugon sa dakilang paghahayag ng Diyos ng pag-ibig na tumutubos sa Anak niyang iyong isisilang ang hatid sa sangkatauhan ay
kagalakang lubos. Kahanga-hanga ang iyong pagkamasunurin at kababaan ng loob na totoong kinalugdan ng Diyos.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: Iningatan mo sa iyong puso ang inilahad ng mga pastol sa mga salitang sa Anak mo ay nauukol, gayundin ang mga Pantas na nagsikhay na matagpuan ang Sanggol mong Anak na taglay ang kariktan, masigasig na dumalaw na hangad ay sambahing tunay at handugan ng maringal nilang alay bilang pagkilala sa pagkahari niyang taglay.
Tugon: Masintahing Ina,ipanalangin mo kami.
Namumuno: O Maria, pakiusap nami’y iyong ibulong sa iyong
giliw na Anak na kalong mo sa iyong bisig itong aming mga kahilingang sa iyo’y idinadaing
(Mag-ukol ng sandaling katahimikan at ipahayag ang mga kahilingan.)
kung ito ay sa aming kaligtasan at sa kaluwalhatian ng Diyos.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: Ipanalangin mo kami sa iyong Anak na kami ay pagpalaing makatulad sa pakikinig mong mahusay
sa inihayag ng sugong anghel Gabriel sa panukala ng pagliligtas hanggang kay Simeong inakay ng Espiritung Banal na nangusap pagtubos ng Diyos sa lahat.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: Ibinuhos mo ang iyong sarili sa pakikipag-kaisa sa iyong Anak, sumang-ayon kang ganap sa layunin
ng pagkasugo sa kanya. Ikaw na kumikinang na larawan ng pananalig, idalangin mo kami para sa isang tapat na buhay –alagad na sa pangako sa
Binyag kami ay maging matatag.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: Sa iyong pusong sisidlan ng misteryo ng iyong Anak, na tinarakan ng punyal ng dalamhati at pagdurusa sa tapat na pakikipag-lakbay mo sa kanyang misyong dakila, ipanalangin mo na maging buo ang
aming loob na maging saksi sa katotohanan ng amin pananampalataya.
Tugon: Masintahing Ina, ipanalangin mo kami.
Namumuno: At sa wakas ng aming paglalakbay dito sa lupang bayang kahapis-hapis ay ipagkaloob sa amin na ang iyong Anak na si Hesukristo sa kaluwalhatian sa langit ay mamasdan ng walang hanggan.
Lahat: Amen.