Almighty god sheep

Almighty god sheep Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Almighty god sheep, Full Gospel Church, Canlargo bais city, Bais City.

17/09/2024

🙏Almighty God SAY'S 📖📖

Gaano katagal sasapat ang kaunting lakas ng isang tao? Madalas pa rin siyang mabibigo at madadapa, at mapaparalisa siya kapag nahulog siya sa pagkanegatibo. Walang silbi ang manalig sa Diyos kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, o kung wala kang tunay na pananalig. Kung mayroon ka lamang kasigasigan o kasiglahan, wala itong silbi. Ang mga bagay na iyon ay hindi ang buhay, ang mga iyon ay panandaliang sigasig at interes lamang ng isang tao. Mayroong mga tiwaling disposisyon ang mga tao. Lalaki man sila o babae, matanda o bata, lahat sila ay may panandaliang sigla, pansamantalang sigasig, mga pansamantalang pagnanais; lahat sila ay may mga pagkakataong magsiglang-masigla sila, kapag nasasabik sila, pero iyon ay lakas ng loob na nagmumula lang sa pagiging padalos-dalos, at hindi ito nagtatagal. Babagsak sa isang kisap-mata ang mga teorya, mithiin, at pangarap ng mga tao, at kung wala ang katotohanan, hindi makakapanindigan ang mga tao. Magagawa ba nang maayos ng isang taong namumuhay sa pagiging padalos-dalos ang kanyang tungkulin? Kaya ba niyang palugurin ang Diyos? (Hindi, hindi niya kaya.) Kaya, kailangang magkaroon ng pagpasok sa buhay ang mga tao, dapat silang pumasok sa realidad ng katotohanan. May mga nagsasabing: “Bakit masyadong nakapapagod pumasok sa realidad ng katotohanan? Bakit ako nakagapos sa napakaraming gusot? Ano ang dapat kong gawin?” Makakaasa ba ang mga tao sa kanilang sarili para malutas ang problemang ito? May ilan na nagsasabing: “Mayroon akong lakas ng loob at determinasyon. Hindi ako natatakot sa mga paghihirap. Buo na ang isip ko. Lalampasan ko ang bawat balakid, haharapin ko ang mga pagsubok na ito. Hindi ako natatakot sa anumang bagay. Kahit gaano kahirap, magpupursige ako hanggang sa dulo!” Kapaki-pakinabang ba ito? Sa totoo lang, maaalalayan sila nito nang kaunti, ngunit mananatili pa rin ang kanilang mga praktikal na paghihirap, at mag-uugat pa rin sa loob nila ang isang tiwaling disposisyon, at hindi ito m

16/09/2024

Sabi ng Makapangyarihang Diyos,

“Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o nakaranas ng kalamidad. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapahayag ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at kung anuman ang pananaw ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiniling si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at sumunod sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II).

mula sa Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo

Address

Canlargo Bais City
Bais City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Almighty god sheep posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share