22/05/2026
Sa gitna ng maraming negatibong nangyayari sa mundo, patuloy tayong pinapa-alalahanan ng Panginoon na magalak, manalangin, at magpasalamat sa lahat ng pagkakataon🙏❤️
1 Taga-Tesalonica 5:16-18
[16]Magalak kayong lagi, [17] palagi kayong manalangin, [18] at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Anuman ang ating pinagdaraanan, sa pag-aaral, pamilya, o sa mga nangyayari sa ating bayan, huwag tayong panghinaan bilang mga kabataan. Sa halip, sama-sama nating ipanalangin lahat sa Panginoon, sapagkat Siya lamang ang tunay na makakapagpabago ng tao at ng ating bansa✨
Patuloy tayong manalangin, magtiwala, at mamuhay para sa Kanya
God bless the youth! ❤️