15/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
Dati, pakiramdam ko ay nawawala ako at walang malinaw na direksiyon sa buhay. Natigil ako sa pag-aaral habang pasan ang hirap ng buhay, at dumating sa punto na puro pag-aalala at takot ang laman ng puso ko. Pero nang makilala ko si Lord at maunawaan ang tunay na kaligtasan, doon nagsimulang mabago ang buong buhay ko.
Binigyan Niya ako ng courage para maging mas matapang kaya ang mga worries ko dati, napalitan ng kapayapaan. Ang dating walang direksiyon ay nagkaroon ng purpose, at ang dating mabibigat na problema ay gumaan dahil natutunan kong hindi ko kailangang dalhin mag-isa ang lahat. Kasama ko si Lord sa bawat hakbang ng buhay ko. Totoo ang sinasabi sa Romans 8:18 na may dahilan ang bawat pagsubok at may magandang plano ang Diyos sa likod ng lahat ng paghihirap.
Hindi man ako perpektong Kristiyano, pero patuloy akong natututo, lumalaban, at nagtitiwala. At iyon ang pinakamahalagaโang hindi sumuko sa pananampalataya at patuloy na hayaan si Lord ang gumabay.
- Sis Cryzelle