04/10/2026
Noong Hulyo 21, 2026, may isang araw na unti-unti naring nagiging alaala.
Maagang nagsimula ang lahat. May mga naghahanda, may mga kinakabahan, may mga tahimik na nagbabalik tanaw sa mga araw na kanilang dinaanan. At sa gitna ng lahat ng iyon, naroon ang mga taong minsan ay nangarap lamang na makarating sa araw na iyon.
Nang tanggapin ang kanilang mga diploma, hindi lamang isang pangalan ang tinawag.
Kasama sa bawat pangalan ang maraming araw ng pagsisikap. Mga gabing nag-aral kahit pagod. Mga araw na nangulila. Mga pagkakamaling pinag-aralan. Mga pagsubok na tiniis. At mga panalanging tanging Allah lamang ang nakarinig.
Sa sandaling iyon, marahil ay may mga matang napuno ng luha. Hindi dahil tapos na ang lahat, kundi dahil naalala kung gaano kahaba ang paglalakbay bago makarating doon, mga kasapi na iiwan, at mga kapatid na si Allah lamang ang batid kalian itatadhana muli sakanila ang pagkikita.
Alhamdulillah.
Isang yugto ang natapos. Ngunit ang kaalamang natutunan ay hindi para manatili lamang sa mga pahina o nakasulat sa isang diploma. Ito ay isang amanah na kailangang dalhin sa buhay, sa pamilya, sa pamayanan, at sa Ummah.
Ang isang pahina ay natapos.
Ngunit ang mas malaking amanah ay ngayon pa lamang nagsisimula.
الحمد لله الذي بنعمته تتم الصالحات
Nawa'y tanggapin ng Allah ang inyong mga pagsisikap, pagpalain ang inyong kaalaman, patatagin ang inyong mga puso, at gawin kayong kapaki-pakinabang sa Islam at sa Ummah.
بارك الله فيكم ونفع بكم