17/04/2026
𝗔 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗘𝗡𝗗𝗦, 𝗕𝗨𝗧 𝗔 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗨𝗘𝗦.
As we send off our beloved Provincial Couple Coordinator, we thank God for a life poured out in service. Your leadership has guided, inspired, and strengthened CFC Youth for Christ Cagayan. You may be stepping into a new mission, but your impact will forever remain in our hearts.
𝙈𝙚𝙨𝙨𝙖𝙜𝙚 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙏𝙞𝙩𝙤 𝙏𝙚𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙞𝙩𝙖 𝘼𝙣𝙣𝙚:
Our beloved YFC family, Titos and Titas, Kuyas and Ates,
As we come to this moment, punong-puno ang puso namin ng pasasalamat at pagkamangha sa lahat ng ginawa ng Panginoon sa atin at sa journey na pinagsamahan natin. Tunay nga, “The Lord has done great things for us, and we are filled with joy.” (Psalm 126:3)
Ang paglalakad namin kasama kayo ay hindi lang basta service, it has been a sacred calling. Nakita namin kung paano kumilos ang Panginoon sa buhay ninyo, sa inyong growth, sa inyong “yes,” at kahit sa inyong struggles. At sa lahat ng ito, naranasan natin ang Kanyang katapatan. Ang YFC ay hindi lang mission na pinagsilbihan namin, ito ay naging tahanan, pamilya, at isang vineyard kung saan pinahintulutan tayong maglingkod nang may pagmamahal para sa Kanya.
For all that has been, taos-puso kaming nagpapasalamat. Sa bawat dasal, sakripisyo, at buhay na naabot, maraming maraming salamat. Naging daluyan kayo ng biyaya ng Diyos hindi lang sa mga kabataan, kundi pati sa amin. And for all that will be, patuloy naming isinusuko ang lahat sa Kanyang kalooban. Bukas ang aming puso, at ang sagot namin ay mananatiling YES sa Panginoon, saan man Niya kami dalhin, paano man Niya kami tawagin. Bagamat nagtatapos na ang season na ito ng aming leadership, hindi natatapos ang journey namin kasama kayo. Tulad ng mga pastol na ipinagkakatiwala ang kawan sa Mabuting Pastol, iniiwan namin ang lahat sa mapagmahal na kamay ng Panginoon, nagtitiwala sa Kanyang pangako:
“I am with you always, until the end of the age.” (Matthew 28:20)
Patuloy kaming lalakad kasama ninyo, in prayer, in spirit, at sa pagmamahal. Naniniwala kami na ang Panginoon na nagsimula ng mabuting gawain sa mission na ito ay Siya ring magtatapos nito. Pinupuri at pinasasalamatan namin ang Diyos sa pribilehiyong makapaglingkod sa Youth for Christ. Isang karangalan ang masaksihan ang inyong mga buhay, mga kwento, at ang inyong walang sawang “yes.” Hindi ito paalam, kundi isang “see you soon,” sa tamang panahon at plano ng Diyos. Nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon, ingatan, at liwanagan ng Kanyang mukha sa lahat ng oras.
Mahal na mahal namin kayo, aming YFC family. ❤️🙏
Tito Teng & Tita Anne
CFC Cagayan
PCC YFC Cagayan (2019–2026)
Thank you for your faithful service, Tito Teng & Tita Anne. Your leadership has left a legacy of faith and Never Ending Love in CFC Youth for Christ Cagayan. Padayon sa mission!