Nuestra Sra.de Aranzazu-Baguio,City

Nuestra Sra.de Aranzazu-Baguio,City A Devotion to Our Lady of Aranzazu

Isang Matandang Panalangin sa Mahal na Birhen ng AntipoloAng lugod sa Kalangitan Bukal sa pusong timtiman,Ikaw po ay igi...
22/11/2023

Isang Matandang Panalangin sa Mahal na Birhen ng Antipolo

Ang lugod sa Kalangitan
Bukal sa pusong timtiman,
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.

Iadya, Birheng marangal
Mga pulong Iyong tahanan,
Yamang pagsunod ay tunay
Sa utos ng Diyos na mahal.

Gayon din mga bukirin
Sa ani ay pasaganahin,
At mangyaring pahupain
Ang unos, lakas ng hangin.

Iligtas Mo po sa lahat
Na madlang nakasisindak,
Huwag nawang mapahamak
Ang lupai’t, mabagabag.

At sa dilang masasama
Ikaw ang siyang papayapa,
At sukat makasansala
Yamang batis ka ng awa.

NOBENA SA KARANGALAN NG BIRHEN NG ARANZAZU IKALIMANG ARAW | SETYEMBRE 4 O Inang masintahin na lumuklok sa bundok ng Aran...
04/09/2023

NOBENA SA KARANGALAN NG BIRHEN NG ARANZAZU

IKALIMANG ARAW | SETYEMBRE 4

O Inang masintahin na lumuklok sa bundok ng Aranzazu, isa kang tanod sa lahat ng makasalanan. Pukawin mo ang aming loob at pawiin sa aming puso at kalooban ang masasamang binhi ng kasalanan. Puspusin mo kami ng biyaya ng kabanalan nang sa gayon kami'y maligtas sa apoy ng impiyerno at makapanirahan sa maaliwalas at maningning na kalangitan. Kami ay nagpapasalamat sa awa Mong walang katapusan. Patuloy mong ipadama sa amin ang iyong pagkalinga, damitan at bigkisin kami ng iyong kadalisayan upang kami ay makapagpuri kasama mo sa Banal na Santatlo sa kaluwalhatian sa langit.
Nagsusumamo rin kami, Inang Mahabagin, na kami ay saklolohan at ipanalangin na matamo namin ang aming kahilingan kung ito ay sa ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng aming kaluluwa. AMEN

NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG ARANZAZUIkatlong Araw ng Nobena || SETYEMBRE 2️⃣PAMBUNGAD NA PANALANGIN:O, Mahal na Birhen ...
04/09/2023

NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG ARANZAZU

Ikatlong Araw ng Nobena || SETYEMBRE 2️⃣

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

O, Mahal na Birhen ng Aranzazu, aming Ina, takbuhan ng mga makasalanan, nagsusumamo kami at humihiling na ipagkaloob mo ang iyong tulong at panalangin upang sa pamamagitan ng pagsisiyam na ito ay kaawaan kami ng iyong makapangyarihang Anak, at makamit nawa namin ang biyayang aming idinudulog.

(Sandaling manahimik at sambitin ang mga biyayang inaasam.)

Nawa ito ay maging ayon sa kalooban ng Diyos at sa ikagagaling ng aming sugatang kaluluwa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Jesukristong aming Panginoon. Amen.

IKATLONG ARAW:

O ubod ng gandang Reyna ng ipinagkaloob ng kalangitan sa kabundukan ng Aranzazu! Ikaw ay apoy na nagbibigay liwanag sa mga puso ng iyong bayang hinirang. Dahil sa pagsamba mo sa iyong Anak na si Jesus, ang iyong bayan ay nagkasama-sama sa isang maalab at walang katapusang pagsinta sa Kanya at nagkaisang tahakin ang landas ng pagpapakasakit para sa pangakong kaluwalhatian.

Buong kababaang loob kaming nagsusumamo sa iyo na bigyan mo kami ng tapang upang mapagtagumpayan namin ang lahat ng pagsubok dito sa lupa. Maging gabay nawa ng aming kaluluwa ang walang sawa mong pag-aaruga sa amin upang madaig namin ang pandaraya ng mundo, makamtan ang buhay na walang hanggan at ang aming mga kahilingan kung ito ay sa ikaluluwalhati ng Diyos at sa ikagagaling ng aming kaluluwa. Amen.

Mahal na Birhen ng Aranzazu, ipanalangin mo kaming makasalanan.

Nobena alay sa Kapistahan ngMahal na Birhen ng Bayang San MateoNUESTRA SEÑORA DE ARANZAZUIkalawang Araw - Setyembre 1PAN...
01/09/2023

Nobena alay sa Kapistahan ng
Mahal na Birhen ng Bayang San Mateo
NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU

Ikalawang Araw - Setyembre 1

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW

Mapaghimalang Birhen ng Aranzazu, Ikaw ay nagpakita sa makapal na tinikan upang ipahayag mo sa amin na ikaw ay kumakalinga at nagmamahal. Sa pagdamay mo sa amin mula sa mga pagsubok ng buhay, ipinadama mo ang iyong awa at pagmamahal. Kaya ngayon, kami’y nagusumamo sa iyo na patuloy mo kaming tulungan na maligtas sa lahat ng kapahamakan dito sa mundo. Ipanalangin mo na kaawaan kami ng Ama, Anak at Espiritu Santo, bigyan ng biyaya at ipagkaloob an gaming kahilingan kung ito ay sa ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling n gaming kaluluwa. Amen.

NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU, Ipanalangin mo kami!

AGOSTO 3️⃣1️⃣UNANG ARAW NG NOBENA SA KARANGALAN NG BIRHEN NG BAYANG SAN MATEO, MAHAL NA BIRHEN NG ARANZAZUPANALANGIN SA ...
31/08/2023

AGOSTO 3️⃣1️⃣
UNANG ARAW NG NOBENA SA KARANGALAN NG BIRHEN NG BAYANG SAN MATEO, MAHAL NA BIRHEN NG ARANZAZU

PANALANGIN SA UNANG ARAW

Mapaghimalang Birhen ng Aranzazu, ikaw ay nagpakita sa makapal na tinikan upang ipahayag mo sa amin na ikaw ay kumakalinga at nagmamahal. Sa pagdamay mo sa amin sa mga pagsubok ng buhay, ipinadama mo ang iyong awa at pagmamahal. Kaya ngayon, kami'y nagsusumamo sa iyo na patuloy mo kaming tulungan na maligtas sa lahat ng kapahamakan dito sa mundo. Ipanalangin mo na kaawaan kami ng Ama, Anak at Espiritu Santo, bigyan ng biyaya at ipagkaloob ang aming kahilingan kung ito ay sa ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng aming kaluluwa. Amen

Nuestra Senora de Aranzazu,
Ipanalangin mo kami

FIRST SATURDAY DEVOTION!Holy Mother of Aranzazu, who appeared among thorns to pluck from our souls the sharp thorns that...
05/08/2023

FIRST SATURDAY DEVOTION!

Holy Mother of Aranzazu, who appeared among thorns to pluck from our souls the sharp thorns that are our sins; intercede with your Most Holy Son to forgive us and receive us in His divine grace.
Heavenly Mother of Aranzazu, We humbly give you the affections of our heart. O sweetest Mother, under your protection we take refuge, deliver us from all danger, instill in us a deep faith and an ardent love for God so that together we can spread the teaching of Jesus.
AMEN

NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU🍎
Pray for Us.

PANALANGIN SA BIRHEN NG ANTIPOLO 📿Masintahing Ina, sumasamo at dumududulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat ...
10/07/2023

PANALANGIN SA BIRHEN NG ANTIPOLO 📿

Masintahing Ina, sumasamo at dumududulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga grasya at pagpapalang ipinakaloob Niya sa amin. Sa tulong at awa mo, lingapin mo po ang mga naglalakbay, lalo na ang mangingibang bansa, upang maluwalhating makarating sa kanilang paroroonan. Kami rin pong lahat ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay.

Sa aming pagtahak sa buhay na puno ng pag-aalinlangan at pangamba, pagkalooban po ninyo kami ng lakas at tapang na tahakin ang landas ng iyong mahal na Anak.

Mahal na Ina, lumalapit po kami sa iyo na dulutan mo ng mapayapang kalinga ang aming tahanan. Tulungan mo po kami na maitaguyod ng maayos at matuwid ang aming pamilya. Sa aming paglalayag sa buhay, palakasin at patatagin mo ang bawat isa sa amin na makabuo ng isang pamayanang pinaghaharian ng iyong mahal na Anak.

Nawa’y sa tulong at biyaya mo, mahal naming Ina, kami ay kupkupin ng iyong mahal na Anak at ilagay Niya kami sa ilalim ng Kanyang pagkakandili at huwag kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay lalung lalo na sa oras ng kagipitan.

Sa pamamagitan mo Inang Mahal pagpalain at tangkilikin mo po ang aming paglalakbay, upang mabuhay kami sa kapayapaan at marating namin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Amen.

Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Birhen ng Antipolo, ipanalangin mo kami.

06/10/2022
MGA KAPISTAHAN NG SIMBAHANAgosto 8Paggunita sa Labing-apat na Banal na Tagapamagitan (Fourteen Holy Helpers)Ang Labing-a...
08/08/2022

MGA KAPISTAHAN NG SIMBAHAN

Agosto 8
Paggunita sa Labing-apat na Banal na Tagapamagitan (Fourteen Holy Helpers)

Ang Labing-apat na Banal na Tagapamagitan ay isang kalipunan ng mga Banal, kabilang ang ating Mahal na Patronang si Santa Catalina de Alejandria, na kung saan sila ay pinaniniwalaan na mabisang tagapamagitan sa iba't-ibang uri ng sakuna at karamdaman lalo't higit ang mga pandemya.

Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan,
kami'y tugunin mo sa aming kahilingan
ngayong ang Labing-apat na Banal na Tagapamagitan
ay aming ginugunita
upang kaming mga nagdiriwang
ng pagpaparangal sa kanila
ay makasunod sa kanilang katatagan
sa pananampalataya
at magkamit ng ibayong kagalingan
sa lahat ng sakuna at karamdaman
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Labing-apat na Banal na Tagapamagitan, Ipanalangin ninyo kami!

Hulyo 12 | Kapistahan ni Sta. Maria VeronicaNilaang araw para sa mga CAMARERO.
12/07/2022

Hulyo 12 | Kapistahan ni Sta. Maria Veronica
Nilaang araw para sa mga CAMARERO.

Pentecost Sunday
05/06/2022

Pentecost Sunday

Address

Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Sra.de Aranzazu-Baguio,City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Sra.de Aranzazu-Baguio,City:

Share