New Life Christian Fellowship - Baguio City

New Life Christian Fellowship - Baguio City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from New Life Christian Fellowship - Baguio City, Christian church, No. 407 Purok 4, Hillside Barangay, Baguio City.

New Life Christian Fellowship is a Full Gospel Church that is passionate about vibrant worship, intentional discipleship, Life Groups, solid Biblical teaching, preaching and ministering to all age groups.

Ang ating training track last Sunday!Glory to God!
17/06/2026

Ang ating training track last Sunday!

Glory to God!

Ready na ang ating booklet para sa darating na Level 1 Training Track this Sunday 12:30-1:30 pm. See you!
12/06/2026

Ready na ang ating booklet para sa darating na Level 1 Training Track this Sunday 12:30-1:30 pm.

See you!

New Life Christian Fellowship - Baguio, Launching Day.As a city set on a hill, we step forward in faith, called to be a ...
07/06/2026

New Life Christian Fellowship - Baguio, Launching Day.

As a city set on a hill, we step forward in faith, called to be a light that points people to Christ and glorifies God.

Matthew 5:14-16 ESV
[14] โ€œYou are the light of the world. A city set on a hill cannot be hidden. [15] Nor do people light a lamp and put it under a basket, but on a stand, and it gives light to all in the house. [16] In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven.

See you New Life Baguio!
06/06/2026

See you New Life Baguio!

Join us as we celebrate the official launching of New Life Christian Fellowship - Baguio City!We would be honored to hav...
03/06/2026

Join us as we celebrate the official launching of New Life Christian Fellowship - Baguio City!

We would be honored to have you, your family, and your friends join us on this special occasion.

๐Ÿ“… Date: June 7, 2026
โฐ Time: 10:30 AM
๐Ÿ“ Venue: 407 Gabriela Silang Road, Hillside Barangay, Baguio City

Everyone is welcome! We look forward to worshiping and celebrating with you.

See you tomorrow. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š
30/05/2026

See you tomorrow. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

29/05/2026

๐–๐ก๐ž๐ง ๐–๐จ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐๐ž๐œ๐จ๐ฆ๐ž๐ฌ ๐š ๐๐ฎ๐›๐›๐ฅ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ญ๐ž๐š๐ ๐จ๐Ÿ ๐š ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐ญ๐จ ๐†๐จ๐

โ€œ๐˜ ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฑ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜บ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฆ ๐˜‹๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ฅ.โ€ โ€ญโ€ญ๐˜ผ๐™ข๐™ค๐™จโ€ฌ โ€ญ6โ€ฌ:โ€ญ5โ€ฌ โ€ญ๐™‰๐™‡๐™โ€ฌโ€ฌ

๐“˜๐“ท๐“ฝ๐“ฎ๐“ป๐“น๐“ป๐“ฎ๐“ฝ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ๐“ท:

Part ito ng โ€œwoeโ€ oracle ng Diyos laban sa mga mayayaman at kampanteng leaders ng Israel. Pinagsasabihan ni Amos ang mga elite sa Samaria na sobrang komportable sa buhay habang unti-unti nang bumabagsak ang spiritual condition ng bansa. Nagpapasasa sila sa luxury, masasarap na pagkain, mamahaling pabango, at walang tigil na kasiyahan habang hindi nila pinapansin ang kasalanan, injustice, at paparating na judgment ng Diyos.

Hindi naman music mismo ang problema. Gift ng Diyos ang music at ginamit din ito ni David para sa tunay na worship. Pero sa panahon ni Amos, ginagamit ng mga tao ang music bilang distraction at pampamanhid ng konsensya. Habang may corruption at suffering sa paligid nila, tuloy pa rin sila sa entertainment at self-indulgence. Ginagaya nila ang instruments at musical style ni David, pero wala naman ang humility, repentance, at devotion niya sa Diyos. Panlabas lang ang worship pero malayo ang puso nila sa Panginoon.

Ang warning ni Amos ay hindi laban sa art, talent, o worship ministry. Ang warning ay laban sa paggamit ng spiritual activities para takasan ang conviction ng Diyos. Posibleng abala ang isang tao sa music, ministry, at church culture pero insensitive naman sa kasalanan, injustice, at tunay na kalagayan ng puso niya. Ayaw ng Diyos ng worship na maganda lang pakinggan pero walang surrender at obedience sa buhay.

๐“Ÿ๐“ป๐“ฒ๐“ท๐“ฌ๐“ฒ๐“น๐“ต๐“ฎ(๐“ผ)/ ๐“ฝ๐“ป๐“พ๐“ฝ๐“ฑ(๐“ผ):

๐—ถ. ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ถ๐˜€ ๐—ต๐˜†๐—ฝ๐—ผ๐—ฐ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†.

Hindi sa performance nakatingin and Diyos kundi sa puso. Puwedeng kompleto ang tao sa religious activities, music, at outward expressions of worship, pero kung ang puso ay nakapirme sa comfort at self-interest, malayo pa rin siya sa tunay na pagkilala sa Diyos. Ang problema hindi kakulangan sa form, kundi kawalan ng tunay na loob.

๐—ถ๐—ถ. ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฏ ๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜†.

Kapag nasanay ang isang tao sa komportableng buhay, unti-unting numinipis ang pakiramdam niya sa bigat ng kasalanan, injustice, at warning ng Diyos. Nagiging priority ang personal enjoyment kaysa sa pag-intindi sa kalagayan ng iba at sa seriousness ng spiritual condition ng isang bansa o community.

๐—ถ๐—ถ๐—ถ. ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ถ๐˜€ ๐—บ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ป ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—š๐—ผ๐—ฑ, ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜ ๐˜†๐—ผ๐˜‚ ๐—ณ๐—ฟ๐—ผ๐—บ ๐—›๐—ถ๐—บ.

Ang tunay na worship hindi lang nagpapagaan ng pakiramdam kundi nag-aadjust ng puso sa kalooban ng Diyos. Ibinabalik nito ang tao sa holiness, justice, at mercy ng Diyos. Kapag ang worship naging escape lang sa conviction, nawawala na ang tunay nitong layunin.

๐—ถ๐˜ƒ. ๐—œ๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ถ๐˜€๐—ปโ€™๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป.

Gusto nilang maging โ€œgreat musicians like David,โ€ pero hindi naman nila dala ang puso ni David na marunong magpakumbaba, magsisi, at umasa sa Diyos. Ang panlabas na paggaya ay hindi kapalit ng tunay na relasyon. Hindi naaakit ang Diyos sa imitation. Ang hinahanap Niya ay tunay na devotion at pagsunod sa Kanya, hindi sa religious culture o outward form. Ang Diyos ay hindi nabibighani sa panlabas na anyo ng kabanalan, kundi sa pusong tunay na nagpapasakop at nagtitiwala sa Kanya.

๐“๐“น๐“น๐“ต๐“ฒ๐“ฌ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ธ๐“ท(๐“ผ):

๐—ถ. ๐—œ-๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜ ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐—บ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ โ€œ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ต๐—ถ๐—ฑ.โ€

Noon, wine, ivory beds, at walang kwentang kanta. Ngayon, pwede yan maging Netflix binge, endless scrolling, shopping, galaan, gaming, o kahit Christian playlists na di mo naman talaga pinapakinggan.

๐—ถ๐—ถ. ๐—–๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐—ฟ ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜.

Kung nasa church band ka, nagle-lead ka, o kahit simpleng kumakanta ka lang, madali talagang mahulog sa โ€œperforming lang, hindi engaging.โ€ Puwedeng tama ang notes, tama ang timing, pero malayo na ang puso sa Diyos.

Bago ka kumanta o mag-pray, huminto ka muna sandali at itanong sa Lord, โ€œAno po ba talaga ang concern Ninyo sa buhay ko at sa mga tao sa paligid ko ngayon?โ€ Hayaan mong ang sagot Niya ang magtuwid ng puso mo, para ang worship mo ay hindi lang awit, kundi tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya.

๐—ถ๐—ถ๐—ถ. ๐—œ-๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—บ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ.

Bumuo ka ng habit na nagbo-break ng self-centered na routine mo. Manalangin para sa isang injustice, tumulong sa taong nangangailangan, o kumustahin nang totoo ang kaibigang dumaraan sa mabigat na pinagdadaanan. Ang ganitong pamumuhay ay tumutulong para hindi tumigas ang puso at manatiling sensitive ka sa Diyos at sa kalagayan ng ibang tao.

๐—ถ๐˜ƒ. ๐—ฃ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ.

Gusto nila magmukhang musicians na tulad ni David, pero wala naman ang puso. Sa faith, work, at relationships mo, iwasan mo yung mga bagay na ginagawa mo lang para sa porma o para magmukhang maganda sa paningin ng iba. Mas mahalaga sa Diyos ang totoo kaysa sa mukhang maayos lang sa labas.

๐˜ƒ. ๐—›๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป, ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€.

Walang masama sa paggawa ng music, art, content, o events. Pero kung para lang sa sariling kasiyahan at pag-iwas sa katotohanan, doon nagiging problema. Nandoon ang babala ni Amos, kapag ang gifts ay ginagamit para manhidin ang puso imbes na ilapit ito sa Diyos.

Bago ka gumawa ng kahit ano, itanong mo, โ€œItinuturo ba nito ang truth at love ng Diyos, o para lang sa akin at sa good vibes?โ€

- Ps. Tine L. Javier

25/05/2026

๐Ž๐ข๐ค๐จ๐ฌ ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ: ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š

โ€œAnd they said, โ€˜Believe in the Lord Jesus, and you will be saved, you and your household.โ€™โ€ Acts 16:31 ESV

โ€œHe first found his own brother Simon and said to him, โ€˜We have found the Messiahโ€™โ€ฆ He brought him to Jesus.โ€ John 1:41โ€“42 ESV

๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง

Maraming mananampalataya ang matagal nang nagpe-pray para sa kaligtasan ng kanilang pamilya. Tama at mabuti iyon. Pero ang tunay na prayer with faith ay hindi lang naghihintay. Kumikilos din ito ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi sapat na sabihin nating, โ€œLord, iligtas Mo ang pamilya ko,โ€ kung wala naman tayong intentional na pag-aabot ng Gospel sa kanila.

Ang oikos evangelism ay nagsisimula sa sariling tahanan. Ang salitang โ€œoikosโ€ ay tumutukoy sa household, family, close relationships, at mga taong malapit sa buhay natin. Ito ang unang mission field ng bawat believer. Bago tayo tumingin sa malalayong lugar, kailangan muna nating makita na may mga tao mismo sa loob ng bahay natin na kailangang makarinig ng Gospel.

Ito ang challenge ko sa bawat mananampalataya. Huwag lang nating ipag-pray ang ating pamilya. Simulan natin silang i-outreach at intentional na turuan ng Gospel lessons.

๐ˆ. ๐“๐ก๐ž ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐ˆ๐ฌ ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐…๐ข๐ž๐ฅ๐

Sa Bible, maraming pagkakataon na ang Gospel ay unang pumasok sa isang tahanan. Ang household ni Cornelius ay nakarinig ng Gospel sa Acts 10. Ang jailer sa Philippi at ang kanyang pamilya ay naabot din sa Acts 16. Si Andrew naman, pagkatapos niyang makilala si Jesus, agad niyang hinanap ang kanyang kapatid na si Peter at dinala ito kay Cristo sa John 1:41โ€“42. Makikita natin na maraming beses ginagamit ng Diyos ang isang tao para maging daan ng kaligtasan sa loob ng sariling pamilya.

Ipinapakita nito na ang Gospel ay hindi dapat manatili lang sa personal experience. Ito ay dapat din nating dalhin sa ating tahanan at ibahagi sa mga taong pinakamalapit sa atin. Hindi aksidente na inilagay ka ng Diyos sa iyong pamilya. Maaaring ikaw ang unang believer sa bahay dahil nais ka Niyang gamitin para maabot sila at ipakilala si Cristo sa kanila.

๐ˆ๐ˆ. ๐๐ซ๐š๐ฒ๐ž๐ซ ๐–๐ข๐ญ๐ก ๐…๐š๐ข๐ญ๐ก ๐‹๐ž๐š๐๐ฌ ๐ญ๐จ ๐€๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง

Sinasabi sa James 2:17, โ€œSo also faith by itself, if it does not have works, is dead.โ€ Ipinapakita nito na ang tunay na pananampalataya ay hindi lang puro salita o emosyon. Ito ay may kasamang action. Kung tunay tayong naniniwala na ang tao ay hindi maliligtas without Christ, na ang Gospel ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan, at nais ng Diyos na maligtas ang mga tao, hindi tayo mananatiling passive tungkol sa ating pamilya.

Ang prayer na may pananampalataya ay nagtutulak sa atin na gumawa ng intentional steps. Hindi lang natin sasabihin, โ€œLord, save my family,โ€ habang wala naman tayong ginagawa para maabot sila. Kasama sa prayer with faith ang pagiging available sa Diyos at pagsasabing, โ€œLord, gamitin Mo ako para maabot sila.โ€ Ginagamit ng Diyos ang ating buhay, testimony, at intentional na pagtuturo ng Gospel lessons para maabot at madala ang ating pamilya kay Cristo.

๐ˆ๐ˆ๐ˆ. ๐Ž๐ข๐ค๐จ๐ฌ ๐„๐ฏ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐‘๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ž๐ฌ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐†๐จ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ฅ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ข๐ง๐ 

๐€. ๐“๐ก๐ž ๐†๐จ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ฅ ๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐๐ž ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐’๐ก๐š๐ซ๐ž๐

Hindi sapat na mabait lang tayo sa pamilya natin. Hindi sapat ang pagiging religious, generous, o moral. Kailangan nilang marinig at maintindihan ang Gospel. Sinasabi sa Romans 10:14, โ€œHow are they to believe in him of whom they have never heard?โ€ Ipinapakita nito na mahalaga ang malinaw na pagpapahayag ng mensahe ni Cristo para ang tao ay makapanampalataya.

Kaya mahalaga ang intentional na pagtuturo ng Gospel lessons. Hindi puro casual reminders o basta pagbabahagi ng Bible verses. Kailangan ng malinaw at organized na pagtuturo tungkol sa kasalanan, kabanalan ng Diyos, repentance, faith in Christ, the cross, salvation, lordship of Jesus, assurance of salvation, at discipleship. Habang intentional nating itinuturo ang Gospel, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang ating pamilya na maintindihan kung sino si Cristo at ano ang tunay na kaligtasan.

๐. ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐ˆ๐ฌ ๐Œ๐จ๐ซ๐ž ๐“๐ก๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ข๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Maraming believers ang hanggang invite lang sa church. Maganda iyon, pero hindi doon nagtatapos ang responsibility natin. Ang invitation ay simula pa lang ng mas malalim na proseso ng pag-abot sa tao.

Ang Great Commission ay hindi lang โ€œInvite people.โ€ Kundi โ€œMake disciplesโ€ฆ teaching themโ€ฆโ€ (Matthew 28:19โ€“20). Ibig sabihin, ang pamilya natin ay hindi lang iniimbitahan, kundi kailangang maturuan nang intentional at tuloy-tuloy hanggang lumalim sila sa pagkakakilala kay Cristo.

๐ˆ๐•. ๐„๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐๐ž๐ฅ๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ซ ๐‚๐š๐ง ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ ๐š๐ง ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐š๐ญ ๐‡๐จ๐ฆ๐ž

๐€. ๐˜๐จ๐ฎ ๐ƒ๐จ๐งโ€™๐ญ ๐‡๐š๐ฏ๐ž ๐ญ๐จ ๐๐ž ๐š ๐๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ

Maraming mananampalataya ang iniisip, โ€œHindi ako preacher,โ€ โ€œHindi ako nakapag Bible school,โ€ o โ€œHindi ako magaling magsalita,โ€ pero ang unang mga alagad ay mga ordinaryong tao na tinawag ni Jesus at tinuruan sa Kanyang paanan, at ginamit ng Diyos sa makapangyarihang paraan. Hindi nito ibig sabihin na wala nang pag-aaral ng Salita ng Diyos, kundi ang punto ay hindi mo kailangang maging pastor para magsimulang sumunod, matuto, at magbahagi ng Gospel sa iyong pamilya.

Ang kailangan ay pusong handa na matuto sa Salita ng Diyos, willingness to be taught by Christ, compassion, consistency, at obedience sa natututunan habang isinasabuhay at itinuturo ang Gospel sa tahanan.

๐. ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ ๐’๐ฆ๐š๐ฅ๐ฅ ๐›๐ฎ๐ญ ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ

Maaaring magsimula sa:
โ€ข weekly family devotion,
โ€ข one Gospel lesson every week,
โ€ข prayer gathering sa bahay,
โ€ข Bible reading with discussion,
โ€ข intentional conversations tungkol kay Christ.

Ang importante ay may direction at consistency.

๐•. ๐“๐ก๐ž ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐ž๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š๐ฒ๐ž๐ ๐Ž๐›๐ž๐๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž

We cannot assume there will always be tomorrow. Minsan, years tayong nagpi-pray para sa pamilya pero hindi tayo nagiging intentional sa pag-share ng Gospel. Habang tumatagal, tumitigas ang puso, lumalalim ang attachment sa mundo, at nawawala ang urgency. Ang pamilya natin ay hindi lang nangangailangan ng ating pagmamahal, kailangan nila si Cristo.

Ang hamon ay ito, paano kung inilagay ka ng Diyos sa pamilya mo hindi lamang para maging bahagi nila, kundi upang maging saksi Niya sa kanila? Ito ay paalala na huwag ipagpaliban ang pagsunod, dahil ang pagkakataong ibinibigay ng Diyos ngayon ay hindi dapat sayangin.

๐•๐ˆ. ๐€ ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐ ๐ž ๐ญ๐จ ๐„๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐๐ž๐ฅ๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ซ

Ito ang hamon sa bawat mananampalataya, simulan mong tingnan ang bahay mo bilang mission field. Huwag kang makuntento na ipinag-pray mo sila lang, ininvite mo sila minsan, o pinaringgan mo ng verse. Ang pamilya mo ay kailangang maabot sa mas intentional at mas malinaw na paraan ng Gospel.

Magkaroon ng intentional plan para maturuan sila ng Gospel. Maglaan ng panahon, maghanda ng lessons, ipunin ang pamilya, i-share si Cristo nang malinaw, at magsimulang mag-disciple sa simpleng paraan na kaya mong gawin sa loob ng tahanan.

Maaaring hindi agad makita ang resulta, pero ang obedience natin ay bahagi ng paraan ng Diyos para maabot ang mga mahal natin sa buhay. Ang mahalaga ay faithful tayong sumusunod at patuloy na ginagamit ng Diyos sa proseso ng pag-abot sa kanila.

๐‚๐จ๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐จ๐ง

Ang oikos evangelism ay hindi maaaring ipagwalang-bahala para sa believer. Ang tahanan ay isa sa pinakamahalagang lugar ng evangelism at discipleship. Kung tunay nating mahal ang ating pamilya, hindi lang natin sila ipagpe-pray, kundi intentional natin silang aabutin, tuturuan, at dadalhin kay Cristo.

Address

No. 407 Purok 4, Hillside Barangay
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Life Christian Fellowship - Baguio City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share