12/02/2026
May mga araw bang pakiramdam mo kulang ang lahat?
Pagod na pagod si Mara nang gabing iyon. Nakaupo siya sa gilid ng k**a, hawak ang resibo ng kuryente at tuition ng anak niya. Ilang linggo na siyang nag-o-overthink kung paano pagkakasyahin ang sweldo niya bilang cashier. May mga araw na parang kulang ang lahat—kulang ang pera, kulang ang oras, kulang pati ang lakas ng loob.
Habang natutulog ang anak niya, napansin niyang may maliit na papel na nakadikit sa ref. Sulat iyon ng anak niya para sa project sa Sunday school:
"The Lord is my shepherd, I shall not want." – Psalm 23:1
Napangiti siya. Naalala niya ang paliwanag ng teacher noon: Kapag may pastol, hindi nagugutom o naliligaw ang tupa. Inaalagaan siya. Napabuntong-hininga si Mara. “Pero Lord, parang kulang pa rin,” bulong niya.
Kinabukasan, may tumawag mula sa dating katrabaho. May extra raket daw sa weekend—inventory work, bayad agad. Hindi iyon milyon, pero sapat para maibsan ang bayarin. Pag-uwi niya, sinalubong siya ng anak niya na may yakap at sabing, “Ma, okay lang kahit hindi tayo mayaman. Basta magkasama tayo.”
Doon niya naintindihan.
Hindi pala ibig sabihin ng “I shall not want” na magkakaroon siya ng lahat ng gusto niya. Ibig sabihin, hindi siya pababayaan. May darating na sapat. May lakas na ibibigay. May taong ilalapit. At higit sa lahat, may presensyang gumagabay.
Sa gitna ng kakulangan, hindi siya kulang sa pag-aaruga ng Diyos.
Kapag ang Diyos ang pastol mo, hindi ibig sabihin magkakaroon ka ng lahat ng gusto mo—pero siguradong hindi ka Niya pababayaan. Ibibigay Niya ang sapat sa tamang oras.
Type ‘Amen’ kung naniniwala kang hindi ka pababayaan ng Diyos.