E.cclessia

Directions

E.cclessia Featuring Vector Churches in the Philippines

Heyyyy!!! Long time no see guys! Check out our latest work in TikTok through this link:
03/09/2024

Heyyyy!!! Long time no see guys! Check out our latest work in TikTok through this link:

1068 Followers, 444 Following, 29.9k Likes - Watch awesome short videos created by jilofication

12/05/2024

E.cclesia goes to Legazpi City!

E.cclesia goes to Baguio Cathedral
20/07/2023

E.cclesia goes to Baguio Cathedral

Pagbati sa ika-38 taong pagkakatatag ng Roman Catholic Diocese of Gumaca
29/01/2023

Pagbati sa ika-38 taong pagkakatatag ng Roman Catholic Diocese of Gumaca

Cathedral of the Divine Infant Jesus of Prague and St. MarkInfanta, Quezon
08/03/2022

Cathedral of the Divine Infant Jesus of Prague and St. Mark
Infanta, Quezon

Missing our posts? Hopefully, we may upload new content soon!For the meantime, see our compilation, take a screenshot of...
19/06/2021

Missing our posts?
Hopefully, we may upload new content soon!
For the meantime, see our compilation, take a screenshot of your favorite, and comment down below!

Our Lady of Fatima, pray for us!
13/05/2021

Our Lady of Fatima, pray for us!

Online Daan ng Krus at Visita Iglesia IKALABING-APAT NA ESTASYON – INILAGAY SI HESUS SA LIBINGANSinasamba ka namin at pi...
01/04/2021

Online Daan ng Krus at Visita Iglesia

IKALABING-APAT NA ESTASYON – INILAGAY SI HESUS SA LIBINGAN

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Mahal na Krus ay iniligtas Mo ang sandaigdigan.

PAGBASA:
Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, ang isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din ni Jesus. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Jesus, kaya't iniutos ni Pilato na ibigay ito kay Jose. Nang makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng lino. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan ang isang malaking batong panakip, at saka umalis.

PAGNINILAY:
Sa ilang mga pagkakataon nababalitaan natin ang tungkol sa mga Overseas Filipino Workers na naging daan ng pagbabalikloob ng mga pamilya at kaibigang kasama nila sa trabaho. Maraming mga OFWs ang naging matapat sa kanilang pananampalatayang
Kristiyano at sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, marami ang naakay sa pananampalatayang ito.

Sinabi ni Papa Francisco na ang bawat isa ay kailangang maantig ng kaaliwan at pang-aakit ng mapagligtas na pagibig ng Diyos, na mahiwagang kumikilos sa bawat isa nang higit at lumalampas pa sa kanilang mga kamalian at pagkukulang. Ang Simbahan ay lumalago hindi sa pamamagitan ng pangungumberte sa pananampalataya kundi “sa pamamagitan ng panghihikayat tungo sa pananampalataya.”

PANALANGIN:
Panginoon, pagkalooban Mo kami ng Iyong pagkahabag upang sa tuwina’y makapagbigay kami sa mga nangangailangan. Basbasan Mo ang lahat ng mga Overseas Filipino Workers lalo na yaong mga pinili Mong maging daan ng pagpapahayag ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagsaksi sa Iyong Salita at sa pagiging daan sa pagbabalik-loob bunga ng
“panghihikayat” sa pamamagitan ng aming uri ng pamumhay. Gantimpalaan Mo sila, Panginoon sa kanilang pananampalataya at sa kanilang pagiging mapagbigay. Amen.

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati …

Panginoong Hesus na Nakapako sa Krus, Kaawaan mo Kami

Online Daan ng Krus at Visita IglesiaIKALABINTATLONG ESTASYON – ANG PAGPANAW NI HESUS SA KRUSSinasamba ka namin at pinas...
01/04/2021

Online Daan ng Krus at Visita Iglesia

IKALABINTATLONG ESTASYON – ANG PAGPANAW NI HESUS SA KRUS

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Mahal na Krus ay iniligtas Mo ang sandaigdigan.

PAGBASA:
Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. Sumigaw
nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

PAGNINILAY:
Ang Pontifical Mission Societies ang may pangunahing papel sa pagtataguyod at pagpapayaman ng diwa ng misyon sa Bayan ng Diyos. Gampanin din nila ang itaguyod ang bokasyon para sa missio ad gentes at sa panghihikayat ng suportang pampinansyal mula sa mga mananampalataya sa pagtataguyod ng misyon.

Sa katunayan, nahikayat na ni Papa Benedicto XV ang bawat isa na itaguyod ang misyon sapagkat nakararanas na ang Simbahan ng pag-unti ng bilang ng mga misyonero. Sinabi niya: “May pagtatangi naming hinihimok ang mga Katoliko na magkaloob ng kanilang mapagbigay na suporta at tulong sa mga organisasyong itinatag para suportahan ang misyon.” Ang mga organisasyong ito ay ang mga sumusunod: ang Pontifical Society for the Propagation of the Faith, Pontifical Society of the Holy Childhood, Pontifical Society of St. Peter the Apostle, at ang Pontifical Missionary Union.

PANALANGIN:
Panginoon, pagkalooban Mo kami ng matibay na pagtitiwala sa Iyo upang kapag dumating na ang katapusan ng aming oras dito sa lupa ay makarating sa Iyo ang aming kaluluwa nang walang pagkaantalà. Idinadalangin namin ang pag-unlad sa kabatirang pangmisyon, sa pagbibigay-buhay rito, at ang bokasyon sa pagmimisyon upang ang Salita ng Diyos ay maipahayag sa mga nag-aasam sa Kanya sa kanilang mga puso. Amen.

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati …

Panginoong Hesus na Nakapako sa Krus, Kaawaan mo Kami

Online Daan ng Krus at Visita Iglesia IKALABINDALAWANG ESTASYON – ANG BIRHENG MARIA AT SI SAN JUAN SA PAANAN NG KRUSSina...
01/04/2021

Online Daan ng Krus at Visita Iglesia

IKALABINDALAWANG ESTASYON – ANG BIRHENG MARIA AT SI SAN JUAN SA PAANAN NG KRUS

Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo.
Sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Mahal na Krus ay iniligtas Mo ang sandaigdigan.

PAGBASA:
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!” At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

PAGNINILAY: Ang pagdedebosyon ng mga tao (popular piety) ay kilala bilang ang “kaban ng yaman ng bayan ng Diyos.” Ang mga misyonero at misyonera noong mga nakalipas na panahon ang nagpakilala sa mga gawain ng pagdedebosyon ng mga tao na naipapahayag sa maraming mga pamamaraan, at sapagkat ang mga ito’y hango mula sa pananampalataya, marapat itong pahalagahan at itaguyod. Sa Pilipinas, ang mga debosyong ito ay naging kadluan ng komunyon, panalangin, at pagpapanibago ng Simbahan. Itinaguyod ng mga misyonero at misyonera ang mga gawain ng pagdedebosyon bilang paraan ng pagpapakalat ng mensahe ng Mabuting Balita, ng pagbabalikloob, at ng pananatili ng Kristiyanong pananampalataya.

PANALANGIN:
Panginoon, pagkalooban Mo kami ng katiyagaan upang manatiling naroon sa tabi
ng mga nangangailangan. Panatilihin Mo ang kadalisayan ng pananampalataya ng mga deboto at ang yaman ng mga debosyong ito. Tulungan Mo kaming kilalanin ang katapatan ng kanilang pagdedebosyon at hayaan Mong matuto kami sa kanilang malalim na karanasan at pagpapahayag ng pananampalataya. Amen.

Ama Namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati …

Panginoong Hesus na Nakapako sa Krus, Kaawaan mo Kami

Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when E.cclessia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share