07/06/2026
Congratulations, Pastor Brylle!
Una sa lahat, congratulations po dahil na-retain at naka-graduate kayo! Isa na naman itong patunay na hindi lang kayo Pastor Pogi, kundi Pastor Pogi na may diploma na rin.
Salamat po sa lahat ng sakripisyo, oras, at pagmamahal na ibinibigay ninyo sa amin. Kayo po ang isa sa mga naging gabay namin sa simbahan at maituturing naming tatay sa pananampalataya.
At pastor, aminin na namin, minsan nakakapagtaka kung saan ninyo nakukuha ang mga jokes ninyo. Minsan po kasi imbes na matawa kami, parang nadadagdagan pa ang stress namin. Pero kahit ganoon, hindi mawawala ang saya at mga alaalang dala ng mga biro ninyo.
Isa pa sa nakaka-stress sa inyo, pastor, ay ang sobrang bait ninyo. Pakiramdam namin kahit gumawa kami ng napakalaking kalokohan, mahihirapan pa rin kayong pagalitan kami dahil mas nauuna ang pag-unawa at pagmamahal ninyo sa amin.
Kahit alam naming nakakapagod kaming alagaan, spoiled na spoiled pa rin kami sa inyo, pastor. Lagi ninyo kaming pinagbibigyan sa mga gusto namin at palagi ninyo kaming sinusuportahan kahit sa maliliit na bagay. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal at malasakit ninyo sa amin. Hindi lahat ay nabibiyayaan ng pastor na hindi lang nagtuturo, kundi tunay na nag-aaruga rin sa kaniyang mga anak sa pananampalataya.
Maraming salamat po sa pagiging mabuting pastor, mentor, kuya, at tatay para sa amin. Salamat sa mga payo, panalangin, pangungumusta, at sa walang sawang paggabay ninyo sa aming paglago bilang mga Kristiyano at bilang mga tao.
Dalangin namin na patuloy kayong bigyan ng Panginoon ng lakas, karunungan, mabuting kalusugan, at mas marami pang tagumpay sa buhay at ministeryo. Deserve na deserve ninyo ang lahat ng biyayang natatanggap ninyo.
Muli, congratulations po, Pastor Brylle!
From: Ang mga anak mong minsan pasaway, minsan makulit, minsan nakaka-stress, pero laging nagpapasalamat na naging pastor ka namin.
Ops pastor, alam na namin ang sasabihin mo pagkatapos mong marinig ito.
"Makasangit nak man."
Pero pastor, totoo po lahat ng sinabi namin. Mahal na mahal ka namin at proud na proud kami sa iyo!