30/03/2026
MONDAY DEVOTION TO ST. ANNA SCHΓFFER
CHAPLET OF ST. ANNA SCHΓFFER
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.
Amen.
I believe in God,
Our Father,
(On the 24 beads, pray this prayer: )
Saint Anna Schaeffer, in your infirmities, you shared in the Passion of Our Lord Jesus,
Pray for us and those who are poor the sick and the suffering. Amen.
Concluding Prayer, pray this invocation:
Most Sacred Heart of Jesus, I trust in You.
[repeat three times]
PANALANGIN KAY SANTA ANNA SCHAEFFER
O Santa Anna SchΓ€ffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman, nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong buhay ang pagkamatiisin, pagkamataimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna, upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming kahilingan
(sambitin ang kahilingan).
Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen.
PANALANGIN SA SENTENARYONG ANIBERSARYO NG BANAL NA KAMATAYAN NI STA. ANNA SCHAEFFER
O Sta. Anna Schaeffer,
isang daang taon na nang tinawag ka ng Diyos sa Kanyang Tahanan.
Isang daang taon na ng iyong kamatayan, ngunit nasa piling ng Diyos kaylanman.
Na sa kabila ng iyong kamatayan, buhay moβy nananatiling buhay.
Na sa kabila ng iyong katahimikan, mensahe moβy umaalingawngaw kahit saan.
Na sa kabila ng iyong pagkahimlay sa hukay, panalangin mo sa amiβy nakikilakbay.
Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna, upang kamiβy ihandaβ¦
Turuan mo kaming matuto mula sa kwento ng iyong buhay, upang Diyos ay papurihan.
Turuan mo kaming dinggin ang iyong mensahe upang harapin ang paanyaya ng pananampalataya.
Turuan mo kaming makilakbay sa iyo upang makita ang pag-asa sa aming buhay.
Na sa pagdiriwang namin ng Anibersaryo ng iyong banal na kamatayan,
isapusoβt isabuhay nawa namin ang iyong pagmamahal: βJesus, sa Iyo ako nabubuhay!β
Santa Anna Schaeffer, kaibigan at kalakbay naming mga dukha, ng mga may sakit at ng mga dumaranas ng paghihirap sa buhay, ipanalangin mo kami. Amen.
Note regarding the picture: On October 4, 1910, St. Anna Schaeffer received the stigmata of the Lord. She accepted this gift with humility and love, offering it in reparation for sins, and asked that it remain hidden from all eyes.
This image is symbolic, meant to reflect the spiritual depth of her mystical experience.