Ministry of Altar Servers-Diocesan Shrine of St. Catherine of Alexandria

Ministry of Altar Servers-Diocesan Shrine of St. Catherine of Alexandria Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of Altar Servers-Diocesan Shrine of St. Catherine of Alexandria, Religious organisation, J. P. Rizal Street, Bagac.

13/05/2026

Kapayapaan at kahinahunan, O Panginoon…

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nais po naming magbigay pugay sa lahat ng mga Nanay na walang sawang sumusuporta sa amin...
10/05/2026

Sa pagdiriwang ng Mother’s Day, nais po naming magbigay pugay sa lahat ng mga Nanay na walang sawang sumusuporta sa aming paglilingkod bilang mga sakristan.

Naniniwala po kami na ang aming paglilingkod ay hindi lamang paglilingkod naming mga bata, kundi bunga rin ng pagmamahal, sakripisyo, at pagtitiis ng aming mga magulang, lalong higit ng aming mga Ina.

Mula sa paglalaba ng aming mga alba, pagpaplantsa, pagtutupi, hanggang sa pag aasikaso sa amin tuwing araw ng aming paglilingkod, kahit madaling araw pa, palagi po kayong nariyan upang umalalay at sumuporta.

Kaya mula po sa aming mga sakristan, taos puso po kaming nagpapasalamat. Ang aming paglilingkod ay inyo ring paglilingkod sa Diyos.

Maligayang Araw ng mga Ina po sa inyong lahat. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon sa inyong walang kapantay na pagmamahal at sakripisyo.


MAS Summer Outing 2026 Matapos ang masigasig at tapat na paglilingkod sa Panginoon, isang araw ng pahinga, pasasalamat, ...
10/05/2026

MAS Summer Outing 2026

Matapos ang masigasig at tapat na paglilingkod sa Panginoon, isang araw ng pahinga, pasasalamat, at pagbubuklod ang inihandog para sa ating mga sakristan.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga batang patuloy na naglalaan ng kanilang oras, pagod, at dedikasyon sa paglilingkod sa Simbahan. Gayundin po sa mga magulang na walang sawang sumusuporta at gumagabay sa kanila sa kanilang pananampalataya at paglilingkod.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa YAS Villas para sa suporta at tulong na naging bahagi ng matagumpay na Summer Outing 2026.

Higit sa lahat, taus-pusong pasasalamat po sa ating Kura Paroko, Rev. Fr. Norman de Leon, sa kanyang patuloy na paggabay, pagmamahal, at pagsuporta sa ministeryo ng ating mga sakristan.

LATE UPLOAD: MAS LENTEN MOVIE NIGHT 2026Isang gabing puno ng pagninilay at kapatiran! Nitong nakaraang March 23, nagtipo...
04/05/2026

LATE UPLOAD: MAS LENTEN MOVIE NIGHT 2026

Isang gabing puno ng pagninilay at kapatiran! Nitong nakaraang March 23, nagtipon ang Ministry of Altar Servers sa Colegio de Santa Catarina Grounds para sa ating Movie Night.

Sa pamamagitan ng pelikulang "I Love Lizzy," muli nating binalikan ang kahalagahan ng pagtugon sa tawag ng Diyos at ang ganda ng sakripisyo. Higit sa saya ng salu-salo at libreng ice cream, ang tunay na nagpabusog sa atin ay ang aral na baon natin sa nagdaang Kuwaresma.

Maraming salamat kina Rev. Fr. Norman De Leon at Sr. Joanire Souza-Pinto, CSC sa inyong walang sawang suporta para maging posible at matagumpay ang gabing ito.





12/03/2026

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 | 𝗣𝗲𝗻𝗶𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗮𝗹𝗸 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲

Bilang pakikiisa sa panawagan ng pananalangin at sakripisyo ngayong Panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan ang lahat na lumahok sa Penitential Walk for Peace: Pilgrimage by Feet ngayong darating na Sabado, Marso 14, 2026.

Layunin ng gawaing ito na mag-alay ng sakripisyo para sa kapayapaan ng buong mundo, lalo na sa Middle East, at humiling ng panalangin sa pamamagitan ni Mahal na Birhen ng Fatima, ang Reyna ng Kapayapaan. Sa banal na panahong ito, nawa’y ang ating bawat hakbang ay maging panalangin at ang ating mga puso ay maging instrumento ng paghilom at pagkakasundo.

Lugar ng Pagtitipon: Santo Niño Chapel, Petronilla, Brgy. Atilano Ricardo, Bagac, Bataan
Oras ng Assembly: 4:30 AM
Destinasyon: Diocesan Shrine of St. Catherine of Alexandria

Mangyaring magsuot ng white shirt at magdala ng sariling rosaryo, kandila, at bottled water.

Ang inyong pagdalo ay isang malakas na patotoo ng ating pananampalataya at pagkakaisa. Sama-sama tayong maglakad, hindi lamang gamit ang ating mga paa, kundi gamit ang mga pusong naghahangad ng tunay na kapayapaan.

With grateful hearts and in thanksgiving to our Lord Jesus Christ, the Ministry of Altar Servers – Bagac invites everyon...
21/02/2026

With grateful hearts and in thanksgiving to our Lord Jesus Christ, the Ministry of Altar Servers – Bagac invites everyone to witness and celebrate the Investiture of the new altar servers during the Holy Sacrifice of the Mass.

This sacred celebration will be presided over by:
Rev. Fr. Norman E. De Leon
Rector and Parish Priest

Sunday, February 22, 2026 | 7:30 a.m.
Diocesan Shrine and Parish of
St. Catherine of Alexandria

Come and join us as we pray for our new servers, that they may serve the Lord’s altar with faith, humility, and devotion.

Happy Birthday Prince Tutol!May the Lord bless you abundantly with good health, joy, and grace in the years ahead!
12/01/2026

Happy Birthday Prince Tutol!

May the Lord bless you abundantly with good health, joy, and grace in the years ahead!

Happy Birthday Jamir Nojadera  !May the Lord bless you abundantly with good health, joy, and grace in the years ahead!
06/01/2026

Happy Birthday Jamir Nojadera !

May the Lord bless you abundantly with good health, joy, and grace in the years ahead!

Pahalik at Pagdalaw ng Batang Hesus sa mga Tahanan.Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng pamilyang buong galak na tuman...
26/12/2025

Pahalik at Pagdalaw ng Batang Hesus sa mga Tahanan.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng pamilyang buong galak na tumanggap sa imahen ng Batang Hesus, bilang tanda ng kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon, at sa patuloy na pagsuporta sa aming mga Lingkod ng Dambana.

Sumainyo nawa ang kapayapaan at biyaya mula sa Batang Jesus, ang Hari ng Kapayapaan.

Last December 21, 2025, the Ministry of Altar Servers renewed their commitment—a meaningful moment of faith, dedication,...
26/12/2025

Last December 21, 2025, the Ministry of Altar Servers renewed their commitment—a meaningful moment of faith, dedication, and renewed purpose. By saying “yes” once again, you affirmed your willingness to serve God and His Church with sincerity, discipline, and love.
May your hearts remain humble, and may your service become a living testimony of faith.
“Renewing your commitment means choosing God every day, even when serving becomes challenging. Serve not for recognition, but for His greater glory.”

ET ECCLESIAM AD SERVIENDUM DOMINO

Address

J. P. Rizal Street
Bagac
2107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers-Diocesan Shrine of St. Catherine of Alexandria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share